PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself

The dad is famous in China.
by KC Cordero
Published Jan 3, 2025
Wedding photo
Nagkagusto agad ang ama sa girlfriend ng anak nang ipakilala ito sa kanya. Gumawa siya ng paraan para magkahiwalay ang dalawa, at saka niya niligawan ang ex-girlfriend ng anak at pinakasalan. (Photo for illustration purposes only; courtesy of Freepik)

Last November 2024, naging malaking balita sa China ang pagpapataw ng parusang kamatayan kay Liu Liange, 63, ang dating Chairman ng Bank of China.

May mataas na katungkulan din siya sa Communist Party.

Gayunpaman, na-suspend ang ibinigay na hatol sa kanya at nabigyan siya ng reprieve sa loob ng dalawang taon.

Read: Couple married in 1951, divorced in 1975, remarry in 2024

Photo of Liu Liange
Ang larawan ni Liu Liange. Photo: Vision Times
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wife sues husband; claims he cares more for pet cat than her

Ang kasalanan ni Liu, tumanggap siya ng suhol na nagkakahalaga ng 121 million yuan o PHP988,796,355.50.

Nag-isyu rin siya ng mga ilegal na pautang na umaabot sa 3.32 billion yuan o PHP26.1 billion.

Bukod sa katiwalian, kilala rin si Liu sa makulay niyang married life.

Matapos makipag-divorce sa kanyang first wife, tatlong beses pa siyang nagpakasal.

Bago siya nakulong, naging hot topic sa Chinese media ang kanyang mga nagiging bagong misis na pabata nang pabata—at paganda nang paganda.

Ang higit na nakagimbal sa mga sumusubaybay sa kuwento ni Liu ay ang pagpapakasal niya sa kanyang fourth wife.

Bakit? Ex-girlfriend kasi ito ng kanyang anak.

Read: Bride hit by softball 5 days before wedding

MEDIA COVERS THE STORY OF DAD AND SON

Unang ibinalita ng Chinese media ang kakatwang fourth marriage ni Liu noong 2023.

Naging hot topic ito sa China media, pero, at that time, hindi nahalukay nang todo ng mga news outlets ang mga juicy details.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay ang pagkakasibak sa kanya bilang Party Secretary ng Bank of China, at pagtitiwalag sa kanya ng Communist Party.

Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

Napag-alaman na noong ipakilala ng anak kay Liu ang girlfriend, sinabi nito sa ama na plano na niya itong pakasalan

Pero labis na nabighani ang ama sa kagandahan ng girlfriend ng anak.

Ilang araw matapos niyang ma-meet ang soon-to-be daughter-in-law, sinabihan niya ang anak na makipaghiwalay sa girlfriend.

Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

Ang claim ni Liu, ang babae ay nagmula sa hindi magandang pamilya, at gusto lamang nito ng kayamanan at impluwensiya.

Pinilit ng anak na kumbinsihin si Liu na mali ang impression niya sa girlfriend nito.

Ngunit hindi nagbago ang isip ng ama.

Ipinagdiinan ni Liu sa anak na hindi ang girlfriend nito ang klase ng babae na iaakyat nito sa kanilang tahanan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil sa matinding pressure mula sa ama, bumigay ang anak at tinapos ang relasyon sa magandang girlfriend.

Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”

SON’S EX -GIRLFRIEND FALLS FOR HIS DAD

Para makatiyak si Liu na hindi na babalikan ng kanyang anak ang ex-girlfriend, ipinagkasundo niya ito sa anak na dalaga ng isang kaibigan.

Pagkatapos, ginamit niya ang koneksiyon para mahanap ang ex-girlfriend ng anak.

Nang makita ni Liu ang dalaga, niligawan niya ito, nilunod sa mga mararangyang regalo, gaya ng mamahaling alahas at luxury items.

Hindi nagtagal, narahuyo na rin ang dalaga sa kanyang masugid na panliligaw at nagkaroon sila ng relasyon.

Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began

SON GETS DEPRESSED

Anim na buwan matapos makipag-break sa ex-girlfriend, natuklasan ng anak ni Liu na ang dating karelasyon pala ang magiging ikatlong stepmother nito.

Nagpakasal na kasi ang ama sa kanyang ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumanas ng matinding depression ang anak dahil sa sobrang sama ng loob sa ama.

Kinailangan din itong isugod sa ospital, kung saan siya na-confine nang matagal.

Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years

DAD IS NOT ABLE TO ENJOY HIS FOURTH MARRIAGE

Sa kasamaang palad naman, hindi na-enjoy nang matagal ni Liu ang kanyang fourth marriage.

Natuklasan kasi ang mga anomalyang ginawa niya sa bangko, at may nagsuplong sa kanya sa Commission for Discipline Inspection.

Doon na nagsimula ang pagsasampa sa kanya ng napakaraming kaso.

Read: Husband arrested for phone stalking his wife

Photo og Liu Liange in court
Si Liu Liange nang hatulan ng korte. Photo: Vision Times
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 57 percent of Pinoys not in favor of divorce

Napilitan siyang magbitiw sa puwesto at harapin ang mga kaso laban sa kanya.

Hanggang ngayon ay nakabilanggo si Liu.

Dahil nabigyan ng reprieve, kung sa loob ng dalawang taon ay wala siyang gagawing kaaliwaswasan sa loob ng kulungan, ang ipinataw na parusang kamatayan sa kanya ay ibababa na lang sa habambuhay na pagkakabilanggo.

Wala namang balita tungkol sa kanyang fourth wife.

Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkagusto agad ang ama sa girlfriend ng anak nang ipakilala ito sa kanya. Gumawa siya ng paraan para magkahiwalay ang dalawa, at saka niya niligawan ang ex-girlfriend ng anak at pinakasalan. (Photo for illustration purposes only; courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results