Last November 2024 ay bumisita ang isang Indian guy na nakilala lang sa pangalang Dinesh sa Arulmigu Kandaswamy Temple.
Ang naturang temple ay nasa Thiruporur, isang bayan na nasa Chengalpattu district sa Indian state of Tamil Nadu.
Kasama ni Dinesh, isang deboto, ang kanyang pamilya.
Habang nasa loob ng temple at nag-aalay ng panalangin, nagkaloob din siya ng donasyon sa patron.
Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16

Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
Naramdaman umano ni Dinesh na dumulas mula sa kanyang bulsa ang kanyang iPhone—na hindi na nabanggit kung anong model.
Diretsong nahulog iyon sa hundial, isang donation box na yari sa metal.
Ang insidente—na may kakaibang twist—ay iniulat sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @vijeshetty last December 21, 2024.
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
IPHONE HINDI NA PINAYAGANG MAIBALIK SA OWNER
Lumapit si Dinesh sa mga opisyal ng temple at ipinaliwanag sa mga ito ang nangyari.
Hiniling din niya na makuha mula sa metal donation box ang kanyang iPhone.
Sa kanyang pagkabigla, tinanggihan ng mga ito ang gusto niyang mangyari.
Read: Discarded vapes repurposed into lantern, power bank
Paliwanag ng mga opisyal ng temple, batay sa ipinatutupad na rules, ang anumang bagay na nailagay na sa hundial ay itinuturing nang donasyon at hindi na maaari pang bawiin—kusang loob man o aksidenteng naisilid doon—dahil naging pag-aari na iyon ng patron ng temple.
Sinabi rin ng mga ito sa kanya na ang hundial ay binubuksan lang nang isang beses sa loob ng dalawang buwan.
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
OWNER NG IPHONE, NAGHAIN NG REKLAMO
Hindi nawalan ng pag-asa si Dinesh na mababawi pa niya ang kanyang iPhone.
Naghain siya ng reklamo sa mga opisyal ng Hindu Religious and Charitable Endowments.
Hiniling din niya sa mga ito kung kailan bubuksan ang hundial.
Last December 21, nang buksan na ang metal box, present siya para kunin ang kanyang iPhone.
Read: Corded landline phone, going obsolete? Wait, Gen Zs go gaga over it

Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions
Ngunit nabigo si Dinesh na mabawi iyon. Pinanindigan ng mga opisyal ng temple ang kanilang desisyon at ang patakarang pinaiiral na kapag nailagay na sa hundai ang isang bagay ay hindi na maaaring bawiin ng may-ari.
“Anything deposited into the offering box, even if done unintentionally, becomes part of God’s account,” paliwanag ni Sekar Babu, Minister ng Hindu Religious and Charitable Endowments Department.
Dagdag pa nito, “As per the practices and tradition at the temples, any offering made into the hundial directly goes into the account of the deity of that temple.
“Rules do not permit the administration to return the offerings back to the devotees.”
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
DATA SA IPHONE PUWEDENG MA-RECOVER NG OWNER
Pinayagan naman si Dinesh na ma-recover ang mga data mula sa kanyang unit—kung gusto niya.
Napag-alaman na hindi na niya kinuha maging ang kanyang lumang SIM card dahil nakabili na siya ng bago.
Tatalakayin din ng mga opisyal ng temple kung babayaran na lang siya para sa kanyang unit.
Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"
Gayunpaman, ayon sa mga opisyal ay hindi nila matiyak kung totoo ang kuwento ni Dinesh.
Hinuha nila, sadya nitong ibinigay bilang donasyon ang iPhone, pero nagbago ang isip nito.
Imposible umanong aksidenteng mahulog iyon sa hundial dahil may bakod na bakal ang donation box.
Naging viral naman sa social media sa India ang insidente.
Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataong may nahulog na belongings ng devotee sa donation box.
May mga pagkakataon na binabayaran ng temple ang anumang bagay na aksidenteng naihulog ng isang devotee—pero sumasailalim iyon sa matagal at masusing imbestigasyon.
Sa kaso ni Dinesh, kailangan niyang maghintay sa magiging desisyon ng pamunuan ng temple.
Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho
