Pruweba nga ba ng time travel ang 17th century painting na makikita sa The National Gallery sa London, England?
Halos 400 years old na ito, pero bakit may visual element na katulad ng iconic logo ng Nike, na inilunsad noong 1964?
Ang misteryong ito ay malaking palaisipan para sa mga mapanuring bisita sa museum, gaya na lang ng mag-inang sina Fiona Foskett, 57 at Holly, 23.
Sa panayam nila sa The Sun, “I was looking at the painting and the trainers really stuck out to me.
“I said to my daughter, ‘Hold on, is he wearing a pair of Nike trainers?’”
Hindi raw napigilan ng mag-ina na matawa nang madiskubre nila ang Nike logo sa pambihirang obra.
“Looking at the age, he must have got his hands on the first pair of Nike trainers ever made. Or is he actually a time traveller?” urirat pa ni Fiona.
Read: Old painting of Henry VIII discovered via random post on X
THE MYSTERIOUS PAINTING WITH NIKE LOGO
Ang lumang painting na pinamagatang Portrait of a Boy ay likha ni Ferdinand Bol, isang tanyag na Dutch painter.
Sa kanyang pinta ay tampok ang isang walong anyos na batang lalaki na may hawak na kopitang nakalagay sa lamesa.
Nakabihis ang bata ng sinaunang pananamit na kulay itim.
Nakamedyas ito at nakasuot ng itim na sapatos.
Pero kung titingnang mabuti, ang kaliwang sapatos ng bata ay may taglay na katulad ng swoosh sa Nike logo.

Read: Original painting na binili sa thrift shop for PHP200, nabenta sa wakas for PHP5.6M
Ayon sa ulat, ang bata sa obra ay pinaniniwalaang si Frederick Sluysken, second cousin ng asawa ng painter na si Ferdinand Bol.
Mukhang aware rin ang The National Gallery management tungkol sa palaisipan sa painting.
“We are delighted that this picture has been such a hit with our visitors,” ayon sa isang spokesperson ng museo.
“It resonated with followers when we put out a tweet asking people to see if they could spot a more ‘modern’ detail by taking a closer look at the shoes of the eight-year-old boy in the portrait.”
Wala naman silang dagdag na pahayag o kaya paliwanag ukol sa misteryosong Nike logo sa lumang painting.
