PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Parrot pulls out boy's milk tooth

“A parrot can be a dentist?”
by KC Cordero
Published Dec 12, 2024
Photos of the parrot pulling boy's miltk tooth
Namangha ang netizens sa kakaibang skill ng isang parrot na nagawang bunutin ang umuugang milk tooth ng isang bata. (Photos: Screenshots @Discover_GZ on X)

Puwede palang maging dentista ang isang parrot?

Ito ang tanong ng mga netizens na sobrang namangha sa isang video na ini-upload sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @Discover_GZ last May 7, 2024.

Hanggang ngayon ay patuloy na naise-share ang video na ito sa iba’t ibang social-media platforms.

Ang caption ng naturang video: “A parrot can be a dentist? On May 5, a deciduous tooth of a boy in China’s Zhejiang province was pulled out by his pet parrot in just one second!”

Ang “deciduous tooth” ay ang milk tooth na nabubulok at umuuga na.

Read: Beauty influencer turns to green chilies as DIY lip plumper

Boy putting the parrot on his mouth
Napapangiwi pa ang bata habang tinutuka ng parrot ang kanyang sirang milk tooth. Photo: @Discover_GZ on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building

Sa video ay makikita ang isang batang lalaking nakasalamin at nakasuot ng itim na T-shirt.

Nagbuka siya ng bibig, at pagkatapos ay inilapit doon ang isang parrot na hawak niya sa kanyang kaliwang kamay.

Ipinasok ng parrot ang ulo nito sa bibig ng bata.

Makikitang tinuka nito ang isang ngipin ng bata—na bahagyang napakislot.

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Hand holding a parrot
Ang milk tooth ng bata matapos mabunot ng parrot. Photo: @Discover_GZ on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral

Pagkatapos ay iniabot ng bata ang parrot sa isang babae na hindi masyadong visible ang hitsura sa video.

Iniluwa naman ng parrot ang binunot na ngipin sa palad ng babae.

Read: No one wants to run as mayor in this old town

PAGTUKA SA NGIPIN, KARANIWAN NA SA IBANG IBON

Hindi pangkaraniwan na tukain ng isang ibon ang ngipin—sa tao man o hayop.

Pero sa wild, makikita ang ibong Egyptian Plover na nililinis ang ngipin ng mga buwaya.

Ang natutuka nilang mga nakasingit na kung anu-ano sa mga ngipin ng buwaya ay nagsisilbi nilang pagkain.

Read: Boyfriend stabbed by girlfriend after he greets woman on street

Egyptian Plover inside a crocodile's mouth
Sa mga ngipin ng buwaya nakakakuha ng pagkain ang mga ibong Egyptian Plover. Photo: Small Science
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

Maliliit lang ang mga Egyptian Plover at nakakapasok sila sa bibig ng buwaya nang hindi sila sinasakmal.

Law of nature, alam ng mga buwaya ang purpose ng Egyptian Plover sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng pagtuka nito sa mga particles na nakasingit sa kanilang mga ngipin, nakakaiwas ang mga buwaya sa tooth infections.

Read: VIRAL: Grandma with "longevity horn" reaches 107--and counting

PARROT, IBA PANG IBON, HINDI DAPAT ILAPIT SA BIBIG AT ILONG NG TAO

Kung parrot nga talaga ang bumunot sa nabubulok na ngipin ng bata, hindi iyon puwedeng kunsintihin at pamarisan ng iba.

Ayon sa mga eksperto mula sa Chicago Exotics Animal Hospital, ang laway ng tao ay may pathogens na mapanganib at posibleng makalason sa mga ibon—hindi lang sa parrot.

Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began

Mahigpit nilang ipinagbabawal na ilapit ang tuka ng ibon sa bibig at ilong ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangaan na lang umano ang mga ibon sa kanilang makukulay na pakpak at pambihirang katangian—gaya ng parrot na mapaglaro at kayang manggaya ng boses ng tao at iba pang tunog sa paligid na lagi nitong naririnig.

Hayaan na rin lang umano ang mga dentista na siyang rumesolba sa ating dental and oral problems.

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namangha ang netizens sa kakaibang skill ng isang parrot na nagawang bunutin ang umuugang milk tooth ng isang bata. (Photos: Screenshots @Discover_GZ on X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results