Six years ang ginawang preparasyon ni Taylor Imus, 36, para sa kanyang wedding sa fiancé na si David.
Nagkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang mutual friends, at na-engage noong 2016.
Read: TikToker's post about marrying "stepdad" sparks flood of comments

Read: Scrabble phenom has PHP11M in total earnings from competitions
Pero limang araw bago ang kanilang kasal, isang aksidente ang nangyari.
Sa post ni Taylor sa kanyang Facebook account last September 26, 2024, nag-upload siya ng kanyang photo.
Kitang-kita na meron siyang malaking bukol sa bandang kaliwang bahagi ng kanyang noo.
May black eye rin siya sa magkabilang mata.
Nilagyan iyon ni Taylor ng caption na: “Hello! I’m Mrs. Imus.
“I took a grounder to my head playing second base!
“Love me some softball, but dang, five days before my wedding!
“My make-up artist did wonderful! So happy my husband loves me for me.”
Read: Man dies after being scratched by pet cat
BRIDE RUSHED EMERGENCY ROOM
Part owner si Taylor ng isang breakfast restaurant sa Richland, Michigan.
Mahilig siyang maglaro ng softball.
Ang nangyaring aksidente sa kanya ay ibinahagi rin niya sa kanyang TikTok account last November 15.
Read: Why Kuya Kim Atienza wears beret in new GMA-7 show

Read: Thesis about body odor criticized; some netizens call it racist
Aniya sa kanyang caption: “Relationship for 13 years, engaged for six years, five days before our wedding, I took a softball straight to the head!”
Sa video ay ikinuwento niyang naglalaro siya ng co-ed slow-pitch softball.
Nakabantay siya sa second base nang tumama ang bola sa lupa at tumalbog papunta sa kanyang ulo.
"It knocked me out, and I had to go to the ER.”
Hindi maganda ang pagkakabagsak niya padapa sa lupa, kaya bukod sa bukol sa noo na sanhi ng tama ng bola, nagka-black eye pa siya.
WEDDING, TO BE POSTPONED?
Ani Taylor, nangyari ang aksidente araw ng Lunes.
Ang kasal naman niya ay sa araw ng Sabado.
Kaya ang unang pumasok sa isip niya, “My wedding is in five days!”
Hindi umano niya napigilang mapahagulhol sa takot na baka hindi matuloy ang kanyang kasal.
Read: LandBank offers up to PHP100K loan to pensioners, government employees
Matapos malapatan ng pangunang lunas sa emergency room, isinalang din si Taylor sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) para malaman kung may iba pa siyang pinsala.
Ini-refer din siya sa isang concussion clinic.
Pagbabahagi niya, bukod sa matinding sakit ng ulo na kanyang nararamdamam, marami rin siyang galos sa buong katawan.
Sa unang dalawang araw matapos ang aksidente, devastated si Taylor.
Bukod kasi sa nangangamba siyang hindi matuloy ang wedding dahil sa kanyang kondisyon, sinabihan siya ng mga doktor na isang buwan din siyang dapat mag-leave sa trabaho.
Read: Got coins? Deposit them at BSP’s coin deposit machines in malls
WEDDING PUSHING THRU
Inunawa at sinuportahan naman si Taylor ng kanyang fiancé.
Ang deklara ni David, tuloy ang kasal, kaya na-uplift ang spirits ni Taylor.
Aniya, “My family, friends, coworkers were all hyping me up, making me feel beautiful.”
Maging siya umano ay ayaw ring maantala pa ang kanilang wedding ni David.
“I was just positive my bruising would go down in five days.”
Yun nga lang, hindi pa rin magaling ang kanyang mukha nang sumapit na ang araw ng kanyang wedding.
Read: Suspect hides in ceiling, arrested after falling
Mabuti na lang at bago ang araw ng kanyang kasal ay nakapag-hire na si Taylor ng airbrush make-up artist.
Nang aayusan na umano siya nito, sinabi ng make-up artist na ito ang most challenging stint niya.
Impressed naman si Taylor sa naging resulta.
Read: Fake Labubu tumblers with high lead content out in the market

Read: 10-year-old boy calls 911 for help with math homework
"It in fact was her hardest job, but she nailed it!"
Nang sumapit na ang wedding at nakita ang kanyang mukha na natakpan ang mga pasa at bukol, ani Taylor, “I believe I rocked it.”
Read: 'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated
BRIDE's advice to FUTURE BRIDES
Ang TikTok video ni Taylor ay nakakuha na ng halos 4M views, 262.2K reactions, 1,205 comments, at 12.4K shares.
Halos lahat ng komento ay puro positibo.
Ayon sa isang netizen, natutuwa ito kay Taylor na sa kabila ng edad nito ay aktibo pa rin sa sports at hindi nawawala ang interes sa softball.
Dagdag nito, “I’m kind of loving that an upcoming wedding didn’t stop you from having fun!”
Marami rin ang nagsabing batay sa photo ay mukhang masakit talaga ang bukol at black eye ni Taylor—at mas masakit na nangyari ito habang paparating ang kanyang big day.
Pero ang ganda-ganda umano niya sa araw ng kanyang kasal.
May mga pumuri rin kay David sa pagiging supportive nito sa fiancée.
Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu

Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home
Sambit ng isang nagkomento, “He’s loved you through it all for 13 years and will still totally think you’re the most beautiful person in the world on your special day.”
Marami rin ang nag-wish na sana ay maging mas masaya at matatag ang pagsasama nina Taylor at David ngayong kasal na sila.
Dahil naman sa nangyari sa kanya, may paalala si Taylor sa mga future brides.
Mahigpit niyang bilin sa mga ito, “Always wear face mask when playing contact sports!”
Read: BF travels weekly between China and Australia to visit GF
