Lumikha ng ingay ang Florida-based TikToker na si Christy, na may handle na @christywho_, matapos niyang mag-post ng kanyang wedding video noong February 2, 2023.
Ang wedding ay ginanap sa Las Vegas.
Sa short clip ay makikita si Christy na nakayakap ang mga binti at paa sa groom habang naghahalikan.
Pero ang layover text niya sa video ang umani ng reaksiyon sa netizens.
Nakasaad rito: "Marrying my stepdad was the best decision I’ve ever made."
Nilagyan din niya ito ng mga makatawag-pansing hashtags na #marryyourmomsex, #agegap at #itsworthit.
Read: Thesis about body odor criticized; some netizens call it racist

Read: Suspect hides in ceiling, arrested after falling
Bumuhos ang napakaraming komento sa kanyang video na ngayon ay nakakuha na ng 25.5 million views, one million reactions, at 120.5K comments.
Tanong kay Christy ng isang nagkomento: “Excuse me, what?”
Sambit naman ng isa pa: "Some things are better left unsaid. This is one of those things."
Dagdag ng isa pang nagkomento, mayroon naman daw seven billion na tao sa buong mundo, bakit ang kanyang "stepdad" pa ang pinakasalan ni Christy.
Nagugulumihanang pag-uusisa ng isa pa: "Wait... She slid in there and snatched her mom's man?"
Lahat ng nagkomento ay sobrang curious kung ano ang nangyari at bakit pinakasalan ni Christy ang kanyang "stepdad."
Read: 10-year-old boy calls 911 for help with math homework
TIKTOKER SINAGOT ANG MGA TANONG NG NETIZENS
Last November 2024 ay nag-post si Christy ng follow-up video.
Sinagot din niya ang ilang tanong ng netizens.
Paglilinaw niya, kung inaakala ng mga tao na “groomed” siya ng kanyang "stepdad," nagkakamali aniya ang mga ito.
Read: 'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated

Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu
Ang terminong grooming ay nangangahulugang: “When someone builds a relationship, trust and emotional connection with a child or young person so they can manipulate, exploit and abuse them...Anybody can be a groomer, no matter their age, gender or race.”
Ayon kay Christy, hindi na siya menor-de-edad nung makilala ang kanyang "stepdad."
Hindi rin ito ang nagpalaki sa kanya.
Wala itong anak sa kanyang ina.
At higit sa lahat, siya at ang kanyang ina ay nag-uusap pa rin, at maganda ang kanilang mother-and-daughter relationship.
Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home
STEPDAD NAKILALA NG TIKTOKER DAHIL SA ISANG TRAHEDYA
Matapos sagutin ni Christy ang mga nagbabagang katanungan ng mga hindi pabor sa kasal niya sa kanyang "stepdad," muli siyang nabatikos ng netizens.
Ilang linggo niyang hinayaang magkomento ang mga ito sa kanyang video.
Muli naman siyang nag-post ng panibagong video—pero sinabi niya sa mga social-media followers na ito'y “not as interesting as the other story.”
Ibinahagi ni Christy na nakilala niya ang kanyang husband sa pamamagitan ng isang trahedya.
Namatay ang kanyang pinakamamahal na kuya na si Shaun Christopher Harris sa isang malagim na aksidente sa motorsiklo.
Sobrang close umano silang magkapatid.
Read: BF travels weekly between China and Australia to visit GF
STEPDAD was ACTUALLY the BEST FRIEND of TIKTOKER’S late BROTHER
Kasunod ng pagkamatay ng kuya ni Christy, naging malapit sila sa isa’t isa ng best friend ng kanyang kuya, who turns out to be her “stepdad."
Hindi na niya sinabi ang pangalan ng lalaki.
Pero klinaro niyang hindi nagkaroon ng relasyon ang kanyang husband sa kanyang ina.
May back story kung bakit "stepdad" ang tawag niya sa asawa.
Read: Gold pocket watch gifted to Titanic hero sold for PHP117M

Read: Swedish minister admits having rare bananaphobia
Nagsimula silang mag-date para higit na makilala ang isa't isa.
Marami sa kanyang mga kakilala ang nagsabing hindi sila magtatagal.
Ang unang fact: 16 years ang agwat ng kanilang edad.
Pero naging mas malalim ang kanilang relasyon at nagbunga.
Ani Christy, "Soon after, we got pregnant with our first daughter together, Kali Shine—named after my brother.
"Then came our first son, Kash Christopher, who was also named after him."
Dahil dalawa na ang kanilang anak, nagpasya silang magpakasal sa Las Vegas habang pinaghahandaan ang big wedding.
Read: Woman experiences “shortest first date ever”

Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom
Ibinahagi rin ni Christy na pagkatapos ng kanilang wedding last year, natuklasan niyang buntis siya sa pangatlo nilang anak, na pinangalangan nilang Krue Reign, isang baby girl.
TIKTOKER AT HUSBAND NAGPAPATAWA LANG SA CAPTION
Sinabi naman ni Christy sa panayam ng New York Post na plano lang talaga niya at ng kanyang husband na magpatawa kaya ang inilagay niya sa caption ng unang video ay pinakasalan niya ang kanyang “stepdad.”
Yun daw ang kanilang biruan kapag may nagtatanong kung magkaanu-ano sila at napag-uusapan ang kanilang age gap.
Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford
Sinabi rin niyang hindi siya makapaniwala sa naging violent reactions ng netizens sa kanyang videos.
"The amount of death threats I received, wishing that my children were born without arms and legs and they were glad my brother had died, and they wanted to call [child protective services] on me.
"It was absolutely insane."
Dagdag pa niya kung bakit ganun ang naging caption sa kanyang initial video, “I also wanted to prove that everyone will be upset and believe anything they see on the Internet nowadays.
"They were mad when I ‘married my stepdad,’ and they were mad when I posted my real story and found out that it wasn’t actually my stepdad.”
Pagsusuma ni Christy, “The internet feeds on the drama.”
Ang tanong naman para kay Christy, nanadya lang ba siyang guluhin ang kapaligiran?
Hindi kelanman pumasok sa isip niyang ang "stepdad" ay may partikular na pakahulugan? Na ibig sabihin ay may relasyon ito sa kanyang ina. Kung ganoon, inagawan ba niya ang ina? O inantay na mamatay?
Paano siya ngayon magtataka kung bakit nabulabog ang marami?
Siya ang gumawa ng drama.
Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
