Nadakip ng U.S. Marshals Service agents si Deario Wilkerson, 20, noong August 26, 2024, matapos ang ilang buwan nitong pagtatago.
May warrant of arrest si Deario para sa kasong first-degree murder and reckless endangerment dahil sa kinasangkutan niyang insidente ng pamamaril noong April 2, sa Memphis, Tennessee.
Read: 10-year-old boy calls 911 for help with math homework

Read: 'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated
Isang lalaki ang namatay sa insidente, at isang babae ang nasugatan.
Ilang buwan ding pinaghahanap si Deario ng mga awtoridad bago siya tuluyang nasakote—sa isang kakatwang paraan.
Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu
SUSPECT CAUGHT ON CAM
Sa ulat ng Shelby County District Attorney’s office, rumeresponde noon ang Memphis police sa tawag ng isang residenteng naninirahan sa isang apartment complex dahil may nagaganap na kaguluhan nang makarinig ang mga ito ng mga putok ng baril.
Nakita nilang nakahandusay ang biktimang si Troy Cunningham sa sidewalk.
Tinamaan ito ng bala sa bandang likuran ng ulo nito.
Pinagbabaril din ng mga suspek ang isang nagdaraang sasakyan na may sakay na dalawang babae.
Isa sa kanila ang tinamaan ng bala sa balikat, at naisugod sa ospital.
Hindi naman kritikal ang naging kondisyon ng babae.
Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home
Nakakuha ang mga pulis ng surveillance video ng insidente.
Nakita roon si Deario na inaatake ang biktimang si Troy Cunningham at hinahamon ng away.
May dalawang lalaking bumaril kay Troy, at pagkatapos ay tumakas.
Nakita rin sa camera na mabilis na nilapitan ni Deario ang natumbang si Troy at may kinuhang nalaglag mula rito bago mabilis na umalis sa scene of the crime.
Read: BF travels weekly between China and Australia to visit GF
SUSPECT SAFE FROM FALLING
Ang dalawang suspek na kasama ni Deario ay una nang naaresto ng mga awtoridad noong May 2024.
Noon na rin naglabas ng warrant para kay Deario.
Pero hindi siya mahanap ng mga alagad ng batas.
Read: Gold pocket watch gifted to Titanic hero sold for PHP117M
Last August 26, nakatanggap ng tip ang task force na tumutugis kay Deario na namataan siya sa 1400 block ng N. Merton, Memphis.
Pinasok ng mga awtoridad ang bahay, na sinasabing pag-aari ng isa niyang kamag-anak, pero hindi nila nakita ang suspek.
Gayunpaman, bago umalis ang mga awtoridad, isang kakatwang pangyayari ang naganap.
Nalaglag mula sa attic ng bahay si Deario nang mabutas ang kisame.
Doon pala siya nagtago.
Read: Swedish minister admits having rare bananaphobia

Read: Woman experiences “shortest first date ever”
“Wilkerson attempted to hide in the attic as the USMS searched the residence; however, he fell through the ceiling,” ayon sa inilabas na statement ng task force.
Hindi naman umano nasaktan si Deario sa pagkakabagsak.
Hindi na rin siya nanlaban sa mga umaresto sa kanya.
Sa mga larawang inilabas kasunod ng pagkakadakip kay Deario, makikita ang malaking butas sa ceiling gayundin ang mga dumi at basag na plaster sa sahig.
Nagtakda ang korte ng piyansang US$6 million para sa kanyang pansamantalang paglaya dahil nahaharap siya sa patung-patong na kaso.
Kasalukuyan siyang nakadetine sa Shelby County Jail.
Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford
