PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Dead' Indian man regains consciousness before being cremated

“The situation was nothing short of a miracle.”
by KC Cordero
Published Nov 25, 2024
A crematorium in India
Mabuti na lang at bago nasindihan ang funeral pyre ay napansin ng crematorium staffer na gumagalaw pa si Rohitash Kumar. Napag-alaman na hindi na nagsagawa ng postmortem ang mga doktor matapos siyang ideklarang patay na. (Photo: Screenshot at IndiaToday)

Isang lalaking Indian ang isasalang na sana sa crematorium ang natuklasang buhay pa pala.

Nakilala ang lalaki na si Rohitash Kumar, 25.

Sa ulat ng ETV Bharat, isang Indian local media, napag-alaman na deaf and mute ito.

May epilepsy din si Rohitash at nangisay noong November 21, 2024, at nawalan ng malay.

Matagal na rin siyang may sakit.

Read: Model skips BFF’s wedding as bridesmaid due to unhealthy menu

Entrance of BDK hospital
Ang entrance ng BDK hospital. Dito dinala at naideklarang DOA si Rohitash Kumar. Photo: Justdial
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Naked man found living under 93-year-old woman’s home

Dinala siya sa Bhagwan Das Khetan (BDK) district hospital, isang ospital sa Jhunjhunu na bahagi ng western state of Rajasthan sa India.

Nagsagawa ang mga doktor sa ospital ng cardiopulmonary resuscitation (CPR), pero nakita ng mga ito na nag-flatline na ang heart rate ni Rohitash sa electrocardiogram.

Idineklara siyang dead on arrival (DOA).

Read: BF travels weekly between China and Australia to visit GF

“REMAINS” NG INDIAN MAN IPINADALA AGAD SA CREMATORIUM

Sa halip na magsagawa ang mga doktor ng ospital ng post-mortem para makumpirma ang sanhi ng kamatayan ni Rohitash, diretso na siyang ipinadala sa morge.

Mula naman sa morge, inilagay siya sa funeral pyre para sunugin o i-cremate batay sa tradisyon ng Hindu.

Pero bago nasindihan ang mga kahoy, napansin ng isang crematorium staffer at ng mga nakikipanood sa ritual na gumagalaw pa si Rohitash.

Read: Gold pocket watch gifted to Titanic hero sold for PHP117M

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Remains to be cremated
Eksena sa isang crematorium sa India. Photo for illustration purposes only. Screenshot at MailOnline

Read: Swedish minister admits having rare bananaphobia

Agad siyang tiningnan ng mga ito—at natuklasang buhay pa pala.

Nakaligtas siya sa tiyak na kamatayan.

Ayon sa isang saksi sa crematorium na nakapanayam ng local media, ang nangyari kay Rohitash ay maituturing na isang himala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, “The situation was nothing short of a miracle. We all were in shock.

"He was declared dead, but there he was, breathing and alive.”

Read: Woman experiences “shortest first date ever”

MGA DOKTOR HINDI NAGSAGAWA NG POSTMORTEM SA INDIAN MAN

Sa inisyal na imbestigasyon sa insidente, natuklasang iniulat ng mga doktor na namatay si Rohitash sanhi ng “respiratory failure due to lung disease like COPD [chronic obstructive pulmonary disease.]”

Ayon pa sa chief medical officer na nakilala lang sa pangalang D. Singh ng Jhunjhunu district hospital, naghanda ang mga doktor na tumingin kay Rohitash ng postmortem report gayung hindi naman talaga nagsagawa ang mga ito ng ganung proseso.

Ipinadala rin agad ang katawan sa crematorium.

Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

Pinatotohanan ito ni Ramavatar Meena, ang district collector para sa Jhunjhunu.

Ayon kay Ramavatar, ang postmortem kay Rohitash ay sa papel lang at hindi actual na isinagawa ng mga doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangalanan ang tatlong doktor na sina BDK chief medical officer Dr Sandeep Pachar, community health medical officer Dr Yogesh Kumar Jakhar, at si hospital medical officer Dr Navneet Meel.

Sinuspinde ang mga ito dahil sa negligence.

Read: Autistic boy slapped by Benz owner receives SUV from Ford

INDIAN MAN TULUYAN NA RING PUMANAW

Bago isinugod sa ospital, naninirahan si Rohitash sa Maa Sewa Sansthan, isang pasilidad para sa mga may special needs.

Matapos siyang mailigtas mula sa funeral pyre, ibinalik siya sa intensive care unit ng BDK.

Gayunpaman, hindi na rin gumanda ang kanyang kondisyon.

Isinugod siya sa Sawai Man Singh hospital sa Jaipur para mas malapatan ng karampatang lunas.

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding

Sa kasamaang palad, pumanaw rin si Rohitash habang ibinibiyahe.

Sa pagkakataong ito, hindi na nagkamali sa pagdedeklara ang mga doktor na kasama niya sa ambulansya.

Dahil naman sa nangyari kay Rohitash, sinabi ni Ramavatar na ang insidente na muntik na itong na-cremate kahit buhay pa ay isang serious negligence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Titiyakin aniya ng mga awtoridad na mananagot ang mga sangkot sa insidente.

Masusi ring paiimbestigahan ang working style ng mga doktor sa BDK.

Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mabuti na lang at bago nasindihan ang funeral pyre ay napansin ng crematorium staffer na gumagalaw pa si Rohitash Kumar. Napag-alaman na hindi na nagsagawa ng postmortem ang mga doktor matapos siyang ideklarang patay na. (Photo: Screenshot at IndiaToday)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results