Sold!
Nabenta na ang artwork tampok ang saging na idinikit sa pader gamit ang duct tape.
Ang presyo: tumataginting na $6.2 million o higit PHP365 million.
Ito yung artwork na nag-viral noong 2019, at pinamagatang Comedian.
Obra ito ng Italian artist at cultural prankster na si Maurizio Cattelan, na siya ring lumikha ng 18-karat gold toilet bowl na ninakaw sa England noong 2019.
Read: Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na
Noong 2023, naging laman ng mga balita ang banana artwork matapos kainin ng isang estudyante ang saging na naka-display sa isang museum sa Seoul, South Korea.
Ang banana artwork ay mayroon pang three editions sa iba’t ibang lugar.
Read: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M

THE BUYER OF THE BANANA ARTWORK
Ang buyer ng banana artwork ay ang Chinese businessman at cryptocurrency investor na si Justin Sun.
Kinumpirma mismo ito ng Sotheby’s, isang kilalang international auction house, na siya ring nag-auction ng artwork.
Isinubasta ang artwork ng Sotheby’s noong November 20, 2024.
Pinag-agawan ito ng pitong bidders sa online bidding na nagtagal ng anim na minuto.
Subalit ang nagwagi ay si Justin sa halagang $6.2 million o PHP365 million na babayaran niya in crypto o digital currency, ulat ng CNBC.
Bilang bagong owner ng artwork, si Justin ay makakatanggap ng isang roll ng duct tape, instructions kung paano i-install ang saging, at isang certificate of authenticity bilang patunay na isang original artwork ni Cattelan ang kanyang pagmamay-ari.
Hindi na kasama sa ibibigay kay Justin ang saging dahil mabilis itong mabubulok at kailangan laging palitan.

Sinabi ni Justin sa kanyang statement na higit pa sa artwork ang binili niyang obra.
“It represents a cultural phenomenon that bridges the worlds of art, memes, and the cryptocurrency community.
“I believe this piece will inspire more thought and discussion in the future and will become a part of history.
“I am honored to be the proud owner of this iconic work and look forward to it sparking further inspiration and impact for art enthusiasts around the world.”
Dagdag niya, plano niyang kainin ang saging “as part of this unique artistic experience, honoring its place in both art history and popular culture.”
Nauunawaan naman ng marami na ang value ng artwork ay wala sa saging na obra kundi sa certificate nito.
Nang idisplay ang artwork sa Perrotin art gallery sa Miami noong 2019, ipinaliwanag ng gallery na ang saging ay simbolo ng global trade at associated sa male sex organ kaya ito ay masasabing "classic" reference pagdating sa comedy.
