Sa loob ng tatlong buwan, nagbibiyahe kada linggo si Xu Guangli mula sa kanyang tinitirahan sa Shandong province, China, papuntang Australia.
Twenty-eight years old na si Xu, at nagkukumpleto ng kanyang master's degree sa arts management sa RMIT University sa Melbourne.
Read: Woman experiences “shortest first date ever”

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
Mula August hanggang October 2024, panay ang lipad ni Xu sa loob ng 11 weeks para mag-attend ng single weekly class sa Australia.
Agad din siyang umuuwi sa China pagkatapos ng klase para makapiling ang kanyang girlfriend.
Read: Boyfriend stabbed by girlfriend after he greets woman on street
AYAW MA-MISS ANG GIRLFRIEND SA CHINA
Inaabot si Xu ng tatlong araw kada biyahe.
Umaalis siya bandang alas siyete ng umaga sa kanyang hometown sa Dezhou, at pagkatapos ay bibiyahe siya papuntang Jinan para sumakay ng eroplano.
Matapos ang layover, darating siya sa Melbourne kinabukasan para mag-attend ng kanyang klase.
Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”
Babalik naman siya sa China sa ikatlong araw.
May paliwanag si Xu sa panayam ng local media na Dazhong Daily kung bakit nauubos ang kanyang week sa pagbiyahe.
"It was my last semester, and I only needed one class to meet the graduation requirements.
"More importantly, my girlfriend had returned to China, and life in Melbourne on my own was lonely."
Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began
GASTOS NG BOYFRIEND UMAABOT NG PHP100K
Walong taon nang nag-aaral si Xu sa Australia.
Aniya, hindi naman nasasayang lang ang kanyang oras sa pagbiyahe.
Dahil dito ay naoobserbahan niya ang domestic work environment sa China, na importante para sa kanyang magiging trabaho sa hinaharap.
Idinudokumento rin niya ang kanyang bawat pagbiyahe at ina-upload sa kanyang social media accounts.
May halos 10,000 followers si Xu sa social media.
Read: Husband sued after catching wife and lover in bed, why?
Sa isang video ay inilista niya ang kanyang nagiging gastos kada biyahe.
Sa pagpunta pa lang niya sa Australia, gumagastos na siya ng 6,700 yuan o PHP54,475.67.
Ang kanyang return flight ticket pabalik sa China ay inaabot ng 4,700 yuan o PHP38,214.27.
Kapag nasa Melbourne, nakikitulog na lang siya sa salas ng bahay ng isang kaklase para makatipid.
Kasama ang taxi at pagkain, sa kabuuan ay gumagastos si Yu kada linggo sa kanyang travel ng halos PHP100,000.
Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years
ENJOY NAMAN SA PAGBIYAHE ANG BOYFRIEND
Bago ginawa ni Xu ang weekly travel, nangupahan muna siya Melbourne.
Gumagastos siya noon ng PHP79,481.92 kada buwan, kasama na ang monthly rent.
Bagaman at mas magastos ang pagko-commute, worth it naman daw para kay Xu.
Sulit aniya ang gastos basta katabi niya ang girlfriend.
Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels
Isa pa, mas masarap rin aniya ang pagkain sa kanyang hometown kumpara sa Australia.
Ibinahagi rin niyang ine-enjoy niya ang pagbiyahe.
Nagbo-book siya ng connecting flights sa iba’t ibang airlines para may tsansa siyang mabisita ang iba’t ibang siyudad ng China.
May isang pagkakataon din na ang kanyang connecting flight ay sa Vietnam.
Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16
NETIZENS HUMANGA SA DEDIKASYON NG BOYFRIEND SA KANYANG GIRLFRIEND
Last October 2024 ay nakumpleto na ni Xu ang kanyang studies.
Good news ito para sa kanya dahil mahihinto na ang magastos niyang pagbiyahe.
Mula naman nang malathala ang kanyang kuwento at kumalat sa social media, namangha sa kanya ang netizens.
Pinuri siya ng mga ito dahil sa kanyang dedikasyon sa girlfriend at tiyaga sa pag-aaral.
Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels
Ayon sa isang nagkomento, "I have never seen anyone so devoted to love before."
May mga humanga rin sa stamina ni Xu.
Sambit ng isang nagkomento, “I would not travel such a long distance every week for anything. It is simply too tiring.”
Read: Couple found lost footage of their wedding after 57 years
