Ang gold pocket watch na iniregalo sa kapitan ng barko na sumagip sa 700 survivors ng Titanic ay nabenta sa isang auction ng halos US$2 million, o PHP117,704,000.
Hawak ngayon ng gold pocket watch ang record para sa pinakamahal na nabentang memorabilia mula sa lumubog na barko.
Read: VIRAL: 112-year-old menus for first- and third-class passengers of Titanic

Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies
Ang relo ay isang 18-carat Tiffany & Co. watch na ibinigay ng tatlong babaeng survivors kay Arthur Rostron, ang kapitan ng RMS Carpathia.
Ang RMS Carpathia ay isang passenger ship na nakatulong sa pagsagip sa mga survivors ng pinakamalaking trahedya sa dagat nang panahong iyon.
Kahit may kalayuan ang kanyang barko, iniatas ni Rostron na i-divert ng kanyang crew ang direksyon ng Carpathia papunta sa Titanic.
Ang Titanic ay bumangga sa isang iceberg sa maiden voyage nito noong 1912, at lumubog sa karagatan ng north Atlantic.
Read: Avengers: Endgame, pinalubog ang box-office record ng Titanic
Madeleine Astor, OWNER NG GOLD POCKET WATCH
Ang auctioneers na Henry Aldridge and Son ang nagbenta sa gold pocket watch noong November 16, 2024.
Isang private collector na nakabase sa United States ang nakabili rito.
Kasama na sa presyo ang buwis at iba pang dapat bayaran ng buyer.
Read: Swedish minister admits having rare bananaphobia

Read: Three good friends build Japanese-inspired deck house in Cavite
Ang isa sa tatlong babaeng nagregalo kay Rostron ng gold pocket watch ay si Madeleine Astor, ang misis ni John Jacob Astor.
Si John ang pinakamayamang pasahero ng Titanic at namatay sa trahedya.
Ang mga mister ng dalawa pang babaeng kasama ng misis ni John ay nasawi rin sa tahedya, at kabilang din sa mayayamang pasahero ng Titanic.
Nakita ang gold pocket watch na nasa katawan ni John nang ma-recover ang kanyang bangkay pitong araw matapos ang trahedya.
Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties
MGA TAO NANANATILING FASCINATED SA TITANIC
Ayon sa auctioneer na si Andrew Aldridge, ang mataas na presyo ng gold pocket watch ay nagpapakitang nananatiling fascinated ang mga tao sa istorya ng Titanic.
Kumukonti na rin aniya ang ibinibentang memorabilia sa mga nakuha mula sa lumubog na barko kaya hindi maiiwasang tumaas ang presyo ng mga ito.
“Every man, woman and child had a story to tell, and those stories are told over a century later through the memorabilia,” ani Aldridge.
Read: Woman experiences “shortest first date ever”
KAPITAN NG BARKONG SUMAGIP SA SURVIVORS, ITINURING NA BAYANI
Dahil sa ginawang pagsagip ni Rostron sa mga pasahero ng Titanic, itinuring siyang isang bayani.
Kinilala rin ang kanyang crew dahil sa kanilang katapangan.
Ang RMS Carpathia ay naglalayag mula New York papuntang Mediterranean Sea nang makarinig ang radio operator ng distress call mula sa Titanic bandang umaga ng April 15, 1912.
Read: Filipino longganisa varieties: Which one is your favorite?

Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom
Ginising ng radio operator si Rostron para ipagbigay-alam iyon.
Mabilis niyang iginiya ang RMS Carpathia papunta sa lugar ng aksidente at nagpasikut-sikot sa malalaking icebergs para makalapit sa Titanic.
Nakalubog na ang Titanic nang makalapit ang RMS Carpathia, at tinatayang nasa 1,500 pasahero na nito ang namatay.
Pero nakita ng mga crew ng RMS Carpathia ang 20 lifeboats, at sa huli'y nailigtas ang mahigit 700 pasahero na dinala nila sa New York.
Ginawaran si Rostron ng U.S. Congressional Gold Medal ni President William Howard Taft at ng knighthood ni King George V.
Read: Pork Pastil under fire: why it's "culturally insensitive"
GOLD POCKET WATCH INIREGALO SA KAPITAN BILANG PASASALAMAT
Si Madeleine ang mismong nag-abot kay Rostron ng gold medal watch noon sa isang pagtitipon na ginanap sa mansion ng biyuda sa Fifth Avenue sa New York.
Batay sa mga tala, si John ang nagsakay kay Madeleine sa lifeboat.
Hindi nakasama ang milyonaryo dahil prayoridad na mailigtas ang mga babae at bata.
Huling nakita si John na naninigarilyo at kausap ang isang writer.
Nang ipagkaloob ang gold pocket watch kay Rostron ay may inscription iyon na nagsasaad na ibinigay iyon sa kanya “with the heartfelt gratitude and appreciation of three survivors.”
Read: Couple enjoys probinsiya life in Baler, living in Bahay Kubo

Read: Boy with autism slapped by Mercedes-Benz owner receives Ford SUV
Bukod kay Madeleine, ang dalawa pang survivors ay sina Mrs. John B. Thayer at Mrs. George D. Widener.
Ani Aldridge, “It was presented principally in gratitude for Rostron’s bravery in saving those lives.
“Without Mr. Rostron, those 700 people wouldn’t have made it.”
Walang dokumentasyon kung paano iningatan ni Rostron ang gold pocket watch, at kung sino na ang nagmay-ari nito pagkatapos niya. Wala ring malinaw na kuwento kung paano nakaabot sa auction ang gintong relo.
Pumanaw si Rostron noong November 4, 1940 sa edad na 71 sanhi ng pneumonia.
Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
