Na-experience ni Maggie Smith, 32, ng Auburn, Alabama, USA, ang para sa kanya ay “shortest first date ever.”
Tumagal lang iyon ng 45 seconds.
Sa TikTok video na ibinahagi ni Maggie gamit ang handle na @mcgonagallsays last October 3, 2024, ikinuwento niya ang buong pangyayari.
Read: South Korea district offers P2.9M to couples who will get married

Read: Kylie Verzosa chooses to keep her relationship private
May nakakilala umano siyang lalaki sa isang dating app.
Nagkasundo silang magkita nang personal.
Sa labas ng isang restaurant, nakita ni Maggie ang ka-date, niyakap siya nito, at tinanong kung nagugutom siya.
Niyaya rin siya nitong pumasok sa loob ng restaurant para kumain.
Nauna siyang naglakad papasok sa restaurant, at kasunod niya ang lalaki.
Read: Aiko Melendez at Jay Khonghun, hindi dumaan sa seven-year itch
Nung nasa loob na siya, bigla siya nitong sinabihan na huminto at mag-usap muna sila sa labas.
Bagaman at nagugulumihanan, sumunod si Maggie sa lalaki palabas ng restaurant.
Pagkalabas nila, nagulat siya sa sinabi nito.
Sambit umano ng lalaki: “I’m sorry.
“I’m just not feeling it.”
Umalis na lang basta ang lalaki at naiwang nagtataka si Maggie.
Nang mahimasmasan sa bilis ng mga pangyayari, nanghihinang bumalik siya kung saan naka-park ang kanyang kotse at malungkot na nagmaneho pauwi.
Read: Thai company offers paid date leave for employees
HOW LONG IS THE DATE? 45 SECONDS
Ang interaction niya sa lalaking ka-date sa tantiya ni Maggie ay inabot lang ng 45 seconds.
Aniya sa video, “The whole thing was mortifying.
“I just went into autopilot, said, ‘Okay,’ and walked to my car.
“It was like fight-or-flight mode — I just had to get out of there.”
Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding
Kontodo make-up pa umano siya dahil nag-expect siya na maganda ang kalalabasan ng kanyang date.
Sa sobrang sama ng kanyang loob, nag-Snapchat si Maggie sa isang kaibigan at dito niya ibinulalas ang sama ng kanyang loob sa nangyari.
Ang kaibigan niyang ito ang nagkumbinsi sa kanya na ibahagi sa TikTok ang nangyari sa kanyang date.
Read: Who is Dr. Mike Padlan, rumored boyfriend of Kris Aquino?
WHAT WENT WRONG
Sa tingin ni Maggie, umatras makipag-date sa kanya ang lalaki dahil nasa heavy side ang dalaga.
Pero paliwanag niya, “He knew what I looked like from the app—my dating profiles show me from all angles, no filters.”
Read: Max Collins confirms divorce from Pancho Magno

Read: Lovi Poe opens up about life in the U.S. with Monty Blencowe
Kuwento niya, noong gabi na bisperas ng kanilang date, sinabi pa ng lalaki na hinahangaan siya nito dahil sa kanyang personality, intelligence, at drive.
Sinabi rin ng lalaki si Maggie na siya ay maganda.
Kaya inisip ng dalaga, “So, my weight wasn’t a factor.”
Yun nga lang, nang personal na silang magkita ay nagbago ang disposisyon ang lalaki.
Read: Boyfriend stabbed by girlfriend after he greets woman on street
NETIZENS' REACTIONS
Matapos mai-share ni Maggie ang video at makakuha ng mahigit 15.5 million views, bumuhos ang suporta sa kanya ng netizens.
“Overwhelmingly, the reactions I got were positive.
“I didn’t want to look at the comments at first because I was kind of terrified of the internet, but my friends encouraged me.”
Marami sa mga netizens na nagkomento ang nag-share din ng kanilang hindi magandang karanasan sa pakikipag-date—na para kay Maggie ay encouraging.
Gayunpaman, may mga nag-akusa rin sa kanya ng “catfishing.”

Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding
Napilitan tuloy siyang ipakita sa mga ito ang ginagamit niyang dating profile.
Ani Maggie, “I have always been very honest about what I look like, so I didn’t catfish him.”
Ang catfishing ay ang paggawa ng fake online identity para manloko ng ibang tao.
Kadalasang gumagamit ang catfishers ng ninakaw o fabricated personal information para makalikha ng fake persona.
Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”
DYNAMIC DATING LANDSCAPE
Dahil sa naging experience, na-realize ni Maggie ang malaking pagbabago ng pakikipag-date sa panahon ngayon.
“Dating in 2024, with the way apps are designed, makes it so easy to make a split-second decision.”
Nagkakaroon aniya ng tendency ang mga tao na mabilis husgahan ang kanilang kapwa.
“We think our time is more valuable than the other person’s.
“And I don’t think the issue is preference, it’s about treating people decently, even if they aren’t your preference.”
Read: Rachel Carrasco opens up about relationship with Victor Consunji
Mula nang i-post ni Maggie ang video, lumaki ang kanyang followers sa social media.
Marami ang nagpapayo sa kanya na huwag niyang isiping mataba siya dahil ang totoo, maganda siya inside and out.
May mga brands din na nakikipag-collaborate sa kanya.
“It’s been incredible to get messages from people who feel seen because they have similar stories.
“I never expected this, but if it helps people feel less alone, that’s the best outcome I could hope for.”
Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began
WOMAN STILL OPEN TO DATING
Sa kabila ng kanyang pagsikat sa social media, nananatili aniyang normal ang takbo ng kanyang buhay.
“For the most part, my life hasn’t changed.
“I still work two jobs, hang out with my friends on girl’s night, and go to my friend’s kids’ soccer games.”
Read: Atom Araullo confirms, gives details about "great relationship"
Open pa rin siyang makipag-date.
Yun nga lang, nag-delete na siya ng dating apps sa kanyang smartphone.
Aniya, hindi sila maganda para sa kanyang mental health sa ngayon.
Gusto niyang may maka-date na personal niyang makikilala at hindi siya huhusgahan agad-agad.
Read: Husband sued after catching wife and lover in bed, why?
