PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

"It was crazy. It was just so unbelievable."
by KC Cordero
Published Nov 16, 2024
Man finds out his favorite neighborhood baker is his real mom
Nasorpresa si Vamarr Hunter nang matuklasan na si Lenore Lindsey, na may-ari ng bakery kung saan suki siya, ang tunay niyang ina. Ampon lang si Vamarr, at nalaman niyang si Lenore ang kanyang ina sa pamamagitan ng DNA testing.
PHOTO/S: Screengrab from ABC7 Facebook

Natuklasan ni Vamarr Hunter, 50, ng South Shore, Chicago noong 35 years old na siya na isa siyang ampon.

Mula noon, naging curious na siya kung sino ang kanyang tunay na ina.

Noong March 2022, tinulungan si Vamarr ng California-based genetic genealogist na si Gabriella Vargas para mahanap niya ang kanyang ina.

Read: Boy with autism slapped by Mercedes-Benz owner receives Ford SUV

Photo of Vamarr Hunter
May tumulong kay Vamarr Hunter na maghanap sa kanyang tunay na ina. Photo: Gita Bharat on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding

Sa isang panayam kay Gabriella ng The Washington Post, sinabi niyang may naka-match si Vamarr sa Ancestry.com LCC, o Ancestry.

Ang Ancestry ay isang American genealogy company na nakabase sa Lehi, Utah.

Ito ang pinakamalaking for-profit genealogy company sa buong mundo.

Nagpapatakbo ito ng network ng genealogical, historical records, and related genetic genealogy websites.

Pag-aari ang Ancestry ng Blackstone Group, na nabili ang kumpanya sa dating may-ari noong December 4, 2020 sa halagang US$4.7 billion.

Noong 2022, nag-provide ang kumpanya ng access sa 30 billion historical records.

Mayroon itong mahigit three million subscribers, at nakapagbenta ng 18 million DNA kits sa customers.

Ang Ancestry ang pinakamalaking provider ng consumer DNA testing sa buong mundo noong 2023 na may network na mahigit 25 million users.

Available na ngayon sa 128 bansa ang Ancestry DNA testing.

Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DNA MATCH NI VAMARR, NAHANAP SA ANCESTRY

Ibinahagi ni Gabriella na dahil sa Ancestry, malaki ang posibilidad na mahanap ni Vamarr ang kanyang ina.

"He had a high match in his Ancestry matches, and it was easy to build the family tree and figure it out from there," ani Gabriella.

Nagbigay si Vamarr ng sample ng kanyang DNA.

Sa Ancestry matches ay natuklasan na ang ina ni Vamarr ay nagngangalang Lenore Lindsey, 67.

Read: Diver finds graduation ring lost for 47 years, returns to owner

Hinahanap naman nito ang anak na lalaki na ang edad ay tumutugma kay Vamarr.

Noong panahong iyon, kasalukuyang nagpapagaling si Lenore sa breast cancer surgery at naghahanda para sa chemotherapy.

Nang malaman niya na nahanap na ang kanyang anak, kahit nanghihina ay agad tinawagan ni Lenore ang phone number ni Vamarr na ibinigay sa kanya ng Ancestry matapos nilang mag-match.

Vamarr Hunter Sr. finds real mom at 48 years old
Photo/s: Vamarr Hunter Sr. Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: PHLPost launches ID loaded with discounts and freebies

ANAK HINDI INAKALANG SUKI SIYA SA BAKERY NG INA

Ayon kay Vamarr, "I was on the phone talking to my friend when a call came through from the bakery.

“I was like, 'Why is Give Me Some Sugah calling me?'"

Ang Give Me Some Sugah ay isang bakery shop sa kanilang area kung saan suki si Vamarr at malapit lang sa kanyang bahay.

Dito siya laging bumibili ng paborito niyang lemon bars.

Madalas din niya kakuwentuhan ang mabait na ale na may-ari ng bakery.

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Matapos nilang mag-usap sa telepono, ramdam agad nina Vamarr at Lenore ang kanilang koneksyon.
Photo/s: Screengrab from ABC7 FacebooK
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boyfriend stabbed by girlfriend after he greets woman on street

Pagbabahagi ni Lenore, nang may sumagot na sa kabilang linya, hindi niya nabosesan ang isa sa kanyang loyal customers.

Dahil inaasahan na ni Vamarr na tatawag ang kanyang ina, noon din niya napagtagni-tagni na ang may-ari ng kanyang suking bakery na si Lenore ang nagluwal sa kanya.

Sinabi niya iyon kay Lenore.

Hindi naman makapaniwala ang may-ari ng bakery.

Ani Lenore, “When I knew who he was, we just started screaming on the phone. We were beside ourselves.

“When I called him, that connection was so immediate.

“I can’t even explain it. It was just like everything in my heart just broke open.”

Pagsang-ayon naman ni Vamarr, "It was crazy. It was just so unbelievable."

Read: Lady discovers "rich" BF is a scammer 2 months before wedding

NANAY 17 ANYOS NANG MANGANAK, HINDI KAYANG BUHAYIN ANG BATA

Ibinahagi ni Lenore na 17 years old pa lang siya nang ipanganak si Vamarr noong 1974.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na siyang ibinigay na detalye tungkol sa ama nito.

Dahil sa hirap ng buhay ng kanilang pamilya, napilitan siyang ipaampon ang bata.

Ayon kay Lenore, parang eksena sa isang teleserye ang nangyari pagkapanganak niya kay Vamarr.

"It was heartbreaking.

“It was a difficult time for my family.

“They wheeled him out, and I remember seeing a head full of hair and my mom telling me how beautiful he was."

Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita niya ang anak.

Read: Millionaire husband's strict rule on wife: “No guys friend ever.”

Hanggang sa natuklusan nila ang kanilang ugnayan noong 2022.

Ngayon ay lagi nang magkasama ang mag-ina.

Maganda na rin ang lagay ng kalusugan ni Lenore, bagaman at tinamaan siya ng stroke matapos niyang malaman na ang suki niya ang kanyang anak.

Kuwento niya, noong hindi pa nila alam ni Vamarr na magnanay sila ay sadyang magaan na ang kanyang loob dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan kapag bumibili ito sa bakery.

Napapansin din niya noon na may mga mannerism ito na gaya ng sa kapatid niyang lalaki.

“That explains why,” ani Lenore.

Read: VIRAL: Grandma with "longevity horn" reaches 107--and counting

Photo of Vamarr Hunter with breads
Kasosyo na ngayon si Vamarr sa bakery ni Lenore. Photo: Vamarr Hunter on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Newlyweds revisit grocery store where their love story began

Nakilala na ni Vamarr ang kanyang kapatid na babae na ngayon ay 40 years old na, at ang extended family niya sa side ng ina.

Ipinakilala naman niya sa mga ito ang kanyang misis at apat na anak.

Naging business partners na rin ang mag-ina at magkasamang pinatatakbo ang bakery.

Last April 2024 ay nag-resign na sa trabaho si Vamarr para mag-fulltime sa kanilang negosyo ng ina.

Year 2008 nang itayo ni Lenore ang bakery, at gusto nitong manatili iyon sa kanilang pamilya.

Plano ni Vamarr na ipamana sa isang niyang anak pagdating ng panahon ang negosyong sinimulan ng kanyang ina.

Read: VIRAL: Son carries paralyzed mom on his back during their travels

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasorpresa si Vamarr Hunter nang matuklasan na si Lenore Lindsey, na may-ari ng bakery kung saan suki siya, ang tunay niyang ina. Ampon lang si Vamarr, at nalaman niyang si Lenore ang kanyang ina sa pamamagitan ng DNA testing.
PHOTO/S: Screengrab from ABC7 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results