PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Burglar breaks into home, hangs laundry, cleans, cooks for owner

Uminom din siya ng red wine bago umalis.
by KC Cordero
Published Oct 16, 2024
Man hanging clothes
Pinasok ni Damian Wojnilowicz ang isang bahay pero sa halip na magnakaw, isinampay niya ang mga naiwang labahin ng may-ari ng bahay. Nag-mop din siya ng sahig, nagtapon ng basura, at ipinagluto ito ng pagkain. Nag-iwan pa siya ng note na: "Don't worry, be happy, eat up and scratch." (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)

Noong July 16, 2024, pinasok ni Damian Wojnilowicz, 36, ang bahay ng isa niyang neighbor sa Monmouthshire, Wales.

Sa ulat ng Wales Online last October 3, pagkapasok ni Damian sa loob ng bahay ay nakita niyang may mga nilabhan ang may-ari.

Nakalagay pa ang mga iyon sa dryer ng washing machine kaya ang ginawa niya, isinampay niya ang labada.

Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”

Photo of the burglar
Ang larawan ng burglar na si Damian Wojnilowicz. Photo: Screenshot at Otanario
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Family finds 84-year-old biscuit in grandmother’s freezer

BURGLAR DID THE CHORES

Napansin din niyang walang laman ang bird feeder ng mga alagang ibon ng may-ari ng bahay.

Binigyan niya ng feeds ang mga ibon.

Nasa plastic bag pa rin ang mga pinamili ng may-ari ng bahay kaya si Damian inilabas niya ang mga ito at isa-isang ipinasok sa ref.

Itinapon din niya ang mga basurang nasa recycling bin.

May nakakalat sa sahig na bote ng alak na wala nang laman kaya itinapon na rin niya iyon.

Pati mga kitchen utensils ay hinugasan niya at maayos na isinalansan sa lalagyan.

Nang makita niyang may mga bagong toothbrush ang may-ari ng bahay, pinalitan na niya ang mga luma.

Ang pinakahuling gawaing-bahay na ginawa ni Damian ay ang pagma-mop ng sahig.

Read: Policewoman captures her father’s killer after 25 years

Bago lumabas sa pinasok na bahay, nagluto muna si Damian sa stove gamit ang mga food items na nasa cupboard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbukas din siya ng red wine at naglagay ng sweets sa bowl.

Nang matapos ang kanyang pagluluto, nag-iwan pa siya ng note: "Don't worry, be happy, eat up and scratch."

Read: Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose

Nang dumating ang babaeng may-ari ng bahay, agad nitong napansin na nakasampay na ang mga nilabhan at may mga tumapos na ng iba pang mga naiwan niyang gawain.

Nang magtanong ito sa isang kapitbahay, sinabi ng huli na may napansin nga siyang nagsasampay ng mga labada.

Labis na nahintakutan ang babaeng may-ari ng bahay. Naging malaking palaisipan din sa kanya kung sino ang pumasok sa kanyang bahay.

Read: Couple surprises househelpers with iPhone 16

BURGLAR's seconD victim

Isa pang bahay ang pinasok ni Damian sa karatig lugar na Newport, na 30-minute drive mula sa Monmouthshire, Wales.

Nangyari ito noong July 29.

Pero naalerto ang lalaking may-ari ng bahay sa pamamagitan ng app na naka-install sa smartphone nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya nakita si Damian sa CCTV noong naglalakad siya sa driveway.

Kung sa unang bahay na kanyang pinasok ay sari-saring household chores ang kanyang ginawa, sa pagkakataong ito ay naligo naman si Damian sa hot tub at nilabhan ang kanyang sariling damit.

Iniwan niyang marumi ang paliguan.

Inubos din niya ang mga pagkaing nakita sa loob ng bahay, at tulad sa unang pinasok na bahay ay uminom siya ng alak.

Read: Cute no more: Baby on store signboard takes creepy turn

Man pouring red wine on glass
Uminom din ng alak si Damian Wojnilowicz sa ikalawang bahay na pinasok niya. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Student finds venomous scorpion in parcel delivery

Agad tinawagan ng may-ari ng bahay ang manugang na lalaki at sinabing puntahan ang property dahil may burglar.

Lasing na nang maabutan ng manugang si Damian, na hawak pa ang basong iniinuman ng alak.

Sinabihan siyang umalis, at ginawa naman niya.

Inireklamo ng may-ari ng bahay si Damian, kaya inaresto siya ng mga awtoridad.

Nang magsagawa ang mga ito ng imbestigasyon, nag-match ang fingerprints niya sa nakuha mula sa bahay ng unang bikitma.

Read: Influencer driving on BGC one-way street found drunk

DAMIAN'S FIRST VICTIM, "TOO SCARED"

Matapos maaresto si Damian, nagbigay ng pahayag ang una niyang naging biktima sa local media.

Ayon sa babae, dalawang linggo bago nadakip si Damian, sobra ang kanyang takot at anxiety.

Iniisip umano niya kung kilala ba siya ng burglar, kung stalker ba niya ito, at kung alam ni Damian na nag-iisa siya sa bahay kaya siya pinuntirya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I was too scared to stay in my own home and stayed with a friend.”

Read: Fisherman from Quezon survives 46 days at sea

Kapag umuuwi raw siya sa bahay ay sinasamahan pa siya ng isang anak dahil sa takot na bumalik ang burglar.

Hiniling din niya sa dalawang anak na bisitahin siya parati para alamin ang kanyang kalagayan.

Plano na niya ngayong lumipat ng tirahan dahil nagkaroon siya ng paranoia sa kanyang seguridad.

Ang pakiramdam naman ng lalaking biktima ni Damian ay "sick, horrified, and useless" nung makita ang burglar sa kanyang property.

Read: Netizens debunk video of landlord evicting a tenant

BURGLAR, GUILTY

Sinampahan si Damian ng two counts of burglary—at umamin sa korte na guilty.

Napag-alamang wala siyang permanenteng tirahan.

Apat na beses na rin pala siyang nakulong noon dahil sa mga kasong common assault, public order offenses, and failing to surrender.

Sinabi naman ng abogado ni Damian na nang gawin ng kliyente nito ang burglary sa dalawang bahay ay wala itong matuluyan at may mabigat na pinagdaraanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Humingi na rin umano ng tawad si Damian sa mga biktima.

Pero hindi pinakinggan ng korte ang hiling na kapatawaran ni Damian kahit wala naman siyang ninakaw na gamit sa dalawang bahay.

Ayon sa hukom na duminig sa kaso, matindi ang trauma na naidulot niya sa kanyang mga biktima.

Pinatawan si Damian ng korte ng parusang 22 months na pagkakabilanggo.

Read: Vietnamese restaurant offers bubble tea beef noodles

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinasok ni Damian Wojnilowicz ang isang bahay pero sa halip na magnakaw, isinampay niya ang mga naiwang labahin ng may-ari ng bahay. Nag-mop din siya ng sahig, nagtapon ng basura, at ipinagluto ito ng pagkain. Nag-iwan pa siya ng note na: "Don't worry, be happy, eat up and scratch." (Photo for illustration purposes only, courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results