Itinapon ng isang nanay ang comics collection ng kanyang anak na lalaki—at pinagmulan iyon ng kanilang hindi pagkakaunawaan.
Ang mag-ina ay naninirahan sa Chiayi City, Taiwan.
Nakilala ang ina sa surname nitong Chien, habang hindi na tinukoy ang pangalan ng anak.
Sixty-four years old na si Chien, habang ang kanyang anak ay 20 anyos.
Noong February 2024, idinispatsa niya ang collection ng kanyang anak na 34-volume manga comics na Attack on Titan.
Read: Meet Sheena Mae Obispo: Top 1 in Social Worker Licensure Exam

Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out
Dahil magkasama sila sa bahay, nainis umano si Chien sa dami ng comics collection ng anak at nauubusan na sila ng espasyo.
Nang maobserbahan niyang inaamag na ang mga kopya ng Attack on Titan ay nagdesisyon siyang itapon na lang iyon para lumuwag-luwag nang konti ang espayo sa kanilang bahay.
Hindi ipinaalam ng ina ang ginawa sa collection ng anak dahil wala ito noon sa bahay.
Nang umuwi ang anak ni Chien at nalamang wala na ang mga kopya ng kanyang comics, ganun na lang ang galit nito.
Isinumbong nito ang ina sa mga pulis.
Read: DOLE to first-time job seekers: Avail of free pre-employment docs
MANGA COMICS COLLECTION NA ITINAPON, ISA NG COLLECTOR’S ITEM
Hindi natapos sa pagsusumbong sa mga pulis ang galit ng anak ni Chien sa ina.
Nagsampa rin ito ng reklamo sa korte.
Aniya, sinira ng ina ang kanyang personal property nang wala siyang consent.
Sa argumentong inihain nito sa korte, sinabi ng anak ni Chien na ang Attack on Titan ay sikat na sikat na manga comics.
At dahil itinapon ng ina ang kopya, mahihirapan na umano itong makakita ng panibagong collection na kumpleto ang volume.
Sinabi rin ng anak ni Chien na ang 34 volumes ay hindi na ni-reprint ng publisher kaya itinuturing na ngayong collector’s items—at siyempre pa ay mataas na ang presyo.
Read: Party is over for Tupperware; company files for bankruptcy

Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino
Ang Attack on Titan ay Japanese manga series na sinulat at iginuhit ni Hajime Isamaya.
Na-serialize ito sa monthly magazine na Bessatsu Shonen Magazine mula September 2009 hanggang April 2021.
Ang bawat chapters nito ay ginawang comic book at may 34 volumes.
Number 8 ito sa Top 100 Manga of All Time.
Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen
INA SINABING MAKATARUNGAN ANG GINAWANG PAGTATAPON SA COMICS
Ikinatwiran naman ni Chien sa korte na mamasa-masa na ang mga kopya ng manga comics kaya itinapon na lang niya.
Bukod doon, kumakain din aniya iyon ng malaking espasyo sa kanilang bahay.
Makatarungan aniya ang ginawa niyang pagdidispatsa.
Nagpahayag din siya ng kagustuhang magkabati na silang mag-ina.
Pero matigas ang kalooban ng anak, at tumanggi itong makipag-areglo sa kanya.
Read: Bethany Talbot reacts to bad comments on her being a UP student
KORTE PINANIGAN ANG ANAK, MOM PINAGBAYAD
Kahit apologetic si Chien sa anak at humiling ng out of court settlement, hindi na siya sumipot sa korte sa mga sumunod na pagdinig sa reklamo ng kanyang anak.
Tinanggihan din kasi ng anak ang hiling niyang out-of-court settlement.
Na-indict si Chen ng prosecutors para sa destruction of property batay sa Criminal Code ng Taiwan.
Read: Sparkle, nagbabala sa unauthorized recruitment, auditions
Ang kaso ay nagkaroon na ng resolusyon ngayong September 2024, anim na buwan matapos ang insidente ayon sa ulat ng local media ng Taiwan.
Sa inilabas na hatol ng korte, sinabi nitong kahit na ang dalawa ay mag-ina, dapat nirespeto ni Chien ang karapatan ng anak sa mga sarili nitong pag-aari, gaya ng manga comics collection.
Peor ang ginawa ng ina ay maituturing na mild lang at hindi ginamitan ng dahas kaya hindi ganun kalaki ang parusang katapat.
Pinagbayad si Chien ng korte ng NT$5,000 bilang danyos perhuwisyo, o PHP8,778.73.
Maaari pa itong maibaba sa community service kung aapela si Chien.
Hanggang ngayon, hindi pa nakikipagbati ang anak ni Chien sa kanya.
Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies
