Kumukuha si Sam Lee, 20, ng online exam sa isa niyang subject nang malaglag ang meatballs ng kinakaing sandwich sa keyboard ng kanyang laptop.
Dahil doon, aksidente siyang na-log out —at nakakuha ng bagsak na grado.
Isang junior student sa kursong economics si Sam sa University of Georgia.
Ang insidente ay naibahagi niya sa kanyang X (formerly Twitter) account last July 20, 2024.
Aniya, “It hit some sort of escape button and closed the entire browser.”
Dahil doon, awtomatikong nai-submit ang kanyang exam kahit hindi pa siya tapos magsagot.
Read: Bethany Talbot reacts to bad comments on her being a UP student

Noong una, mas nag-worry siya sa kanyang laptop dahil baka masira iyon.
Pero nang ma-realize niyang wala na sa screen ang exam na sinasagutan niya, nagsimula siyang mag-panic.
Sinubukan niyang i-retrieve ang exam, pero aksidenteng nai-submit na iyon.
Read: DOLE to first-time job seekers: Avail of free pre-employment docs
STUDENT REQUEST FOR A RETAKE
Makalipas ang anim na oras ng pag-iisip kung ano ang kanyang gagawin, nagdesisyon si Sam na mag-draft ng e-mail para sa kanyang propesor.
Ipinadala niya iyon kinagabihan.
Ang nilalaman ng kanyang e-mail:
“Dear Professor Lastrapes, I had some technical difficulties and outside distractions during the test today.
“Something hit my computer and caused it to submit the test when I had less than half of the questions answered.
“By something, I mean a meatball that had tragically fallen onto my keyboard as I was taking the exam.
“This said meatball caused some malfunctions with my laptop and caused the test to submit itself.”
Dagdag pa ni Sam sa kanyang e-mail, "While I have yet to comprehend how this sequence of events even occurred, I have provided you some primary evidence of the event occurring.”

Nag-attach siya sa e-mail ng photos ng insidente.
Nakita na rin umano niya ang resulta ng kanyang exam.
Nakakuha lang siya ng mababang 39 percent.
Kaya pakli niya sa propesor, "I know that you drop the lowest Module test grade, but I just wanted to let you know that this grade was an accident, and I have been working very hard with the course material.”
Sa huli, hiniling niyang payagan siya nitong ulitin ang pagsusulit.
"I completely understand that a falling meatball is no excuse for a failing grade on this exam, but is there any possibility of retaking this exam?”
Read: Manila to give PHP2K cash gift to PLM, UDM graduating students
PROFESSOR GIVES STUDENT ONE MORE CHANCE
Sa pagkagulat ni Sam, kinabukasan ay nag-reply ang kanyang propesor.
Ang sagot nito sa kanya: “Samantha, well, this is certainly a new and unusual excuse for a low score!
“But for that reason, it seems unlikely you've made this up, I've extended your deadline for the module 6 test until midnight tonight."
Biro pa ng kanyang propesor, "I would recommend you take the test either before or after dinner.”
Tuwang-tuwa umano si Sam sa reply ng kanyang propesor.
Nag-retake siya ng exam noong araw ring iyon—at mas mataas ang naging resulta kaysa sa una niyang exam.
Read: Man kills neighbor over question about being single
NETIZENS ON “MEATBALL EXCUSE”
Ang tweet ni Sam ay nakakuha ng atensiyon ng netizens.
Marami ang natawa sa insidente.
May mga pumuri sa kanyang propesor dahil sobrang bait umano nito.
Gayunpaman, may mga bumatikos din sa propesor at nagsabing hindi nito dapat pinayagan ang kanyang “meatball excuse.”
Ilan din sa mga nagkomento ang nagbahagi ng hindi magandang karanasan sa kanilang propesor nang sila ang malagay sa katulad na predikamento.
Sambit ng isa, napasabay noon ang exam niya sa kanyang pagpapa-opera.
“When I showed my prof the doctor’s note, she announced to the class that she doesn’t allow makeups or early test taking under any circumstances.”
May ilan din namang naka-relate sa naging karanasan ni Sam.
Pagbabahagi ng isa pang netizen, “I remember once in my college creative writing class, I took my final exam after not sleeping for three days.
“I was so groggy that it turns out I accidentally wrote the entire thing in Japanese [my native language].
“My professor laughed so hard and just told me to translate it for him.”
Kuwento naman ng isa bagaman at hindi related sa exam, naglalaro siya ng online games sa kanyang tablet habang nakasalampak sa sahig ng kanilang salas at mananalo na sana nang tawagin siya ng kanyang ina.
Dahil takot siya sa ina, nag-pause muna siya ng laro. Inilapag niya ang kanyang tablet sa sahig. at nilapitan ang ina para itanong kung bakit siya tinatawag.
May iniutos ito sa kanya at sinunod muna niya para hindi na siya sitahin sa paglalaro.
Pagbalik niya, nakatuntong ang kanyang alagang pusa sa kanyang tablet.
Binugaw niya ito. Pagtingin niya sa kanyang tablet, na-activate pala ang kanyang nilalaro nang matuntungan ito ng kanyang pusa kaya nag-continue ang game.
Ang masaklap, natalo siya.
Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher
May pumuna rin kay Sam dahil kumakain siya habang kumukuha ng exam.
Sagot ng college student, nasa sariling bahay naman siya habang kumukuha ng exam kaya wala sigurong mali roon kung isabay man niya ang pagkain.
Nagulat din umano si Sam na naging viral ang kanyang tweet.
"It's very ironic to me that my short-lived fame was from a ball of beef, but I wouldn't have it any other way."
Biro pa niya, "Never trust a meatball no matter how trustworthy it may seem."
Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers
