Naging viral sa X (formerly Twitter) ang video clip na in-upload ng user na si @ikpsgill1 last September 6, 2024.
Nilagyan niya ito ng caption na: “Next level security.”
Makikita sa video ang isang surveillance camera na battery powered.
Ang kakatwa rito, nakakabit ito sa ulo ng isang dalagang Pakistani, na hindi na pinangalanan.
Read: Woman sprays neighbor with water gun, charged with assault

Read: Woman sprays neighbor with water gun, charged with assault
CCTV CAMERA AS ACCESSORY
Napag-alamang ang kanyang ama ang naglagay nito para ma-monitor nito ang mga aktibidad niya sa buong araw.
At mabigat man ang kayang accessory, wala naman umano siyang tutol dahil alam niyang concern lang ang kanyang mga magulang.
Read: Party is over for Tupperware; company files for bankruptcy
Pagbabahagi niya sa naka-upload na video sa X, ang idea na lagyan siya ng camera kapag umaalis ng bahay ay nagsimula matapos ang karumal-dumal na krimen na sinapit ng isang dalaga sa Karachi.
Laganap din daw ang karahasan sa mga kababaihan sa kanilang lugar.
Sinabi umano sa kanya ng ama na makatutulong dito ang CCTV para ma-monitor siya nito.
Pumayag naman ang dalaga, na "personal security guard" ang turing sa kanyang ama.
Hindi naman malinaw kung paano naa-access ng kanyang ama ang camera na nasa kanyang ulo.
Read: Husband impregnates wife after vasectomy
IS THE CCTV CAMERA REALLY SERVING ITS PURPOSE
Ang tweet ay nakakuha na ng 18.9K views, 64 Reposts, 12 Quotes, 232 Likes, at 54 Bookmarks.
Ayon sa mga X users, wala ring magiging silbi ang camera kung aatakihin ang babae mula sa kanyang likuran.
May mga nagsabi naman na iniisip din marahil ng kanyang pamilya na dahil may nakakabit na CCTV sa kanya, magdadalawang-isip ang mga kriminal na gawan ng masama ang dalaga.
Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino
VIOLENCE AGAINST WOMENT IN PAKISTAN
Sa Pakistan, ang 28 porsiyento ng kababaihang edad 15-49 ay nakaranas ng physical violence, at anim na porsiyento ang nakaranas ng seksuwal na pang-aabuso.
Ang 34 porsiyento naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas ng pisikal, seksuwal, at emosyunal na pang-aabuso mula sa kanilang mister.
Limang porsiyento naman ang nakaranas ng spousal sexual violence batay sa Pakistan Demographic and Health Survey na isinagawa mula 2017 hanggang 2018.
Ang Pakistan ay isang patriarchal society kung saan ang kalalakihan ang primary authority figures at sunud-sunuran lang sa kanila ang kababaihan.
Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married
