Noong 2022, isang lalaking residente ng Ufa City sa Russia na nakilala lang sa pangalang Maxim ang nagdesisyong sumailalim sa vasectomy procedure.
Forty-three years old siya noon.
Sa panahong iyon ay kasisilang din lang ng kanyang misis sa kanilang ikaapat na anak—at ayaw na nila itong masundan.
Hindi na kasi nila kayang mag-asawa ang pagpapalaki sa mga ito kung madadagdagan pa.
Ang vasectomy ay isang paraan ng male birth control kung saan pinuputol at sini-seal ang tube kung saan dumaraan ang sperm ng lalaki.
Read: Kristine Hermosa and Oyo Sotto welcome sixth child

Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis
Simpleng procedure ito at walang naidudulot na problema sa lalaki.
Ayon sa mga medical experts, nagbibigay ito ng 100 porsiyentong kasiguruhan na hindi na makakabuntis ang lalaki pag vasectomized na.
Nagpakonsulta si Maxim sa Promeditsina, isang local medical clinic na nagsasagawa ng vasectomy.
Matapos siyang suriin, sumailalim siya sa procedure.
Nagbayad siya ng 30,000 rubles o PHP18,395.02.
Read: Woman experiences stomachache, clueless she is pregnant
MULING NABUNTIS ANG MISIS KAHIT VASECTOMIZED NA
Matagumpay ang isinagawang operasyon kay Maxim, at makalipas lang ang ilang oras ay na-discharge na siya sa clinic.
Maayos ang naging takbo ng buhay nilang mag-asawa gaya ng kanilang plano.
Gayunpaman, noong isang taon ay nabigla si Maxim nang sabihin sa kanya ng misis na buntis na naman ito.
Read: Sexy girl na lapitin ng guys sa gym, pregnant pala

Read: What it's like to have tokophobia: an extreme fear of pregnancy
Shocked sa narinig, hindi siya makapaniwala.
Paano nangyari iyon gayung vasectomized na siya?
Natuloy ang pagbubuntis ng kanyang misis, at noong November ng nakalipas na taon ay nadagdagan na naman ang anak ng mag-asawa.
Forty-five years old na ngayon si Maxim, at wala na sa plano nilang mag-asawa ang panibagong responsibilidad dahil na rin sa kanyang edad.
Read: Mel Tiangco reacts to Iya Villania's fifth pregnancy
“MEDICAL MIRACLE” KAYA NABUNTIS NG HUSBAND ANG MISIS
Nagreklamo si Maxim sa Promeditsina, ang clinic na nagsagawa sa kanya ng vasectomy.
Hiningan niya ang mga ito ng paliwanag.
Pinayuhan naman siya ng clinic na sumailalim sa paternity test at spermogram para matiyak kung puwede pa talaga siyang makabuntis.
Nang lumabas ang resulta ng dalawang tests, napatunayang very fertile pa rin siya at may kakayahan talagang makabuntis pa.
Nakumpirma rin na talagang siya ang ama ng huling ipinagbuntis ng kanyang misis.
Pero sa halip na aminin ng clinic ang naging pagkakamali o pagkukulang sa isinagawang procedure kay Maxim, tinawag na “medical miracle" ang nangyari sa kanya.
Sinabihan pa siya ng clinic na dapat siyang matuwa sa pagkakaroong muli ng panibagong baby.
Read: FORUM: Keri mo pa bang magbuntis kahit 50 years old ka na?
CLINIC KINASUHAN, HUSBAND NAG-DEMAND NG SUPORTA PARA SA ANAK
Ayon sa ulat ng SHOT News, isang Telegram channel, idinemanda ni Maxim ang Promeditsina.
Nag-offer naman ang clinic na ibabalik ang ibinayad niya sa procedure para ma-settle ang dispute.
Tinanggihan iyon ni Maxim.
Desidido siyang ituloy ang kaso.
Hiniling niya sa korte na bayaran siya ng clinic para sa moral damages.
Dapat din aniyang sagutin ng clinic ang magiging gastos niya sa pagpapalaki at pagsuporta sa kanyang ikalimang anak.
Read: Woman pregnant in each of her 2 uteruses gives birth to babies on different days
