Ang Spanish man na si Ernesto Varea ay may kakaibang paraan para kumita ng pera,
Bigla na lang siyang umeeksena sa mga kasalan para gumawa ng kaguluhan.
Dahil dito, tinagurian siyang “wedding destroyer.”
Nagpapanggap siyang lover ng bride.
At hihikayatin niya itong sumama sa kanya para magpakalayu-layo, at ituloy ang kanilang pag-iibigan.
Parang eksena sa pelikula, di ba? Pero ganito ang trabaho ni Ernesto.
Read: Kaladkaren teases Luke Wrightson during exchange of wedding vows
Nagkuwento si Ernesto tungkol sa kanyang "business" sa TikTok account niyang @yahorasonsoles nitong September 4, 2024.
Aniya, bagaman at karamihan sa mga babaeng ikakasal ay nakikita ang okasyon bilang pinakamasayang araw ng kanilang buhay, ang iba sa kanila ay napipilitan lang dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Read: Wedding bouquet toss turns into wrestling match among ladies

Read: 95-year-old groom weds 90-year-old bride
Ang mga babaeng ikakasal na may agam-agam sa kanilang pagpasok sa lifelong commitment ang kanyang nagiging kliyente.
Read: Bride gets fired from job on her wedding day
Sambit ni Ernesto sa kanyang TikTok video, “If you have doubts, you don’t want to get married or you don’t know how to say no, don’t worry anymore, I will cancel the wedding for you.
“You only have to tell me the time, place, and date and I will appear at the ceremony.
“I will say that I am the love of your life, and we will run away together hand in hand.”
Kapag nagtanong na ang wedding officiant kung may tumututol sa kasalang nagaganap, doon na papasok si Ernesto.
Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding
MAGKANO ANG FEE SA PAGIGING WEDDING DESTROYER?
Ang singil ni Ernesto sa bawat drama na gagawin niya para matigil ang kasal ay 500 euros o PHP30,747.59.
Pagbabahagi pa niya, noong una ay sinimulan lang niyang mag-post ng tungkol sa kanyang service bilang joke.
Pero nagulat siya nang dumagsa ang mga request mula sa mga interesadong kliyente.
Na-realize niyang pagkakakitaan talaga niya ito.
Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’
Nang simulan na niya, nagsunud-sunod na ang mga nagbabayad sa kanya para lang gumawa ng eksena sa kasal ng bride na nag-hire sa kanya at iparating ang mensahe na hindi pa ito handang lumagay sa tahimik.
Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
MAY CHARGE DIN KAPAG SINAKTAN ANG WEDDING DESTROYER
Bukod naman sa kanyang sinisingil na base pay, may mga extra charges si Ernesto sa kanyang kliyente.
Binabayaran din siya para sa “unexpected incidents.”
Halimbawa, kung sa paggawa niya ng eksena ay masampal siya o masuntok o kaya ay masipa ng mga kamag-anak ng ikakasal, may dagdag na bayad.
Kada suntok, sampal, at sipa na matatanggap niya, kailangang bayaran siya ng additional 50 euros o PHP3,074.76.
Read: True love? 23-year-old woman marries 80-year-old man
Hangga’t maaari aniya ay umiiwas siyang mabugbog ng na-offend na partido.
Pero may mga pagkakataong umiiral sa kanya ang pagiging negosyante.
“I try to run, but I am aware that every time I get hit, I get paid more.
“So, if I can go slower, I go slower. That’s how I earn my money.”
Siya naman ang gumagastos sa pagpunta sa wedding venue kung saan siya gagawa ng eksena.
Read: DJ Mo claims Angelicopter dumped him on their wedding anniversary
Bagaman at kilala na si Ernesto sa kanyang pagiging wedding destroyer, marami ang hindi naniniwala sa kanyang drama.
Pero dedma siya lalo't patuloy siyang nakakakuha ng mga kliyente.
Siya lang umano ang wedding crasher na welcome sa mga kasalan.
Aniya, ang kanyang schedule fully booked na hanggang sa katapusan ng 2024.
Si Ernesto ay may 301.8K followers sa TikTok, at ang kanyang account ay may 9.2M likes.
