Ibinahagi ng Reddit user o Redditor na si ProudFormal8139 last September 1, 2024, ang madrama niyang istorya na kinasasangkutan ng kanyang ina at isang kapatid na babae.
Ang misis niya ay isang corporate lawyer at mediator.
Dahil sa trabaho nito, nag-invest sa magagandang damit—karamihan ay puro branded—ang kanyang misis.

Ang malungkot na nangyari, ayon kay ProudFormal8139, “She was diagnosed with ovarian cancer and was gone in two years.
“The last six months of her life were hell."
Himutok pa niya, ang kanyang kapatid na si Sarah ay hindi man lang dumamay sa panahong nakikipaglaban ang kanyang misis sa cancer.
Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize
Ibinahagi rin ni ProudFormal8139 ang sitwasyon sa pagitan ng kanyang misis at kapatid na si Sarah.
"My wife never liked her.”
Hindi rin sila close ng kanyang kapatid. “I do not like her.”
Paglalarawan niya kay Sarah, “She is a selfish cow."
Nahambal din umano siya sa binanggit ni Sarah sa kanya noong nakaburol pa ang kanyang misis.
“At my wife’s wake, she started asking about my wife’s clothes.”
Hindi niya pinansin ito, pero nagpumilit itong ungkatin iyon.
Ang gusto umano ni Sarah ay pumili siya ng ilang pirasong damit sa mga naiwan ng misis ni ProudFormal8139.
Ang dahilan nito, para lagi nitong maalala ang hipag.
Binalewala lang niya at hindi pinansin ang mga sinabi nito dahil ang isipan niya ay nakatuon sa pagdadalamhati.
"I’m still not in the mood to deal with people."
Read: Billionaire surprises YouTuber with watch worth PHP200K
SISTER NG REDDITOR INTERESADO TALAGA SA MGA NAIWANG DAMIT NG MISIS NIYA
Anim na buwan matapos pumanaw ang misis ni ProudFormal8139, sumapit naman ang birthday ng kanyang ina.
Dumalo siya, pero ganoon pa rin ang estado ng kanyang isipan—ayaw niyang makipag-usap sa mga tao dahil nasa matinding pagdadadalamhati.
Sa birthday celebration ng kanyang ina, dumating si Sarah at muli nitong inungkat ang tungkol sa mga damit na naiwan ng kanyang hipag.

Sinabi ni ProudFormal8139 sa kapatid na ang gustong mangyari ng misis niya ay ibigay bilang donasyon sa isang women's shelter ang mga naiwan nitong damit.
Iyon ang habilin nito sa kanya dahil noong nabubuhay pa ang kanyang misis ay nagbibigay na ito ng tulong sa naturang women's shelter.
Paliwanag pa niya kay Sarah, “It will help women in need with their own court cases, court appointments and job interviews."
Read: Meet Abi Marquez, Internet’s “Lumpia Queen”
NAMAYAPANG HIPAG INAKUSAHANG SELFISH
Hindi umano nagustuhan ni Sarah ang sinabi ni ProudFormal8139.
Inakusahan din nito ang namayapang misis na “selfish."
Nagpanting ang tainga ng biyudo at tinanong ang kapatid kung ano ang ibig nitong sabihin.
Ani ProudFormal8139, “And my sister started going off on how my wife always thought she was better than her, and it's not fair that the clothes are going to charity and not to family."
Pero mariin niyang deklara kay Sarah—mas gusto niyang sunugin ang mga damit ng kanyang misis kaysa ibigay ito sa kapatid.
Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera
KINAMPIHAN NG KANILANG MOTHER ANG SISTER
Nag-iiyak umano si Sarah.
Nilapitan sila ng kanilang ina para usisain kung ano ang nangyayari sa magkapatid.
Nang malaman ng ina ang ugat ng kanilang argumento at pag-iyak ni Sarah, sinabihan nito si ProudFormal8139 na maghinay-hinay at unawain ang kapatid.
Alalahanin daw niyang dinadamdam din ni Sarah ang pagpanaw ng hipag nito.
Para kay ProudFormal8139, nakakabaliw ang naging komento ng kanyang ina dahil wala iyon ni katiting na hibo ng katotohanan.
Kaya dali-dali niyang ibinigay ang birthday gift sa ina at umalis na lang.
Aniya, "My mom acts like I had to ruin her birthday by being melodramatic, but I cannot believe their emotional blackmail toward me over the clothes left by my wife that they have no right to.”
Read: John Tinniswood, 112, of the UK is world’s oldest living man
NETIZENS NAKISIMPATYA SA REDDITOR
Nanghingi si ProudFormal8139 ng opinyon sa ibang Redditors kung tama o mali ba ang kanyang inasal.
Ayon sa isang nagkomento, nakakadismaya na kailangang ungkatin ng kapatid ang tungkol sa mga damit ng hipag nito habang pinaglalamayan pa lang.
Anito, "Who asks for things at a person's wake? How inconsiderate and ignorant can a person be?"
Hindi rin umano katanggap-tanggap na sinabihan nitong selfish ang isang pumanaw na.
Wala rin daw pinipiling lugar si Sarah dahil inungkat na naman ang tungkol sa mga damit ng hipag noong birthday ng ina.
Dagdag pa ng nagkomento, ang desisyon kung ano ang gagawin sa mga damit ng misis ay na kay ProudFormal8139, at walang karapatan doon si Sarah.
Read: Jobseeker feels off about question on “sexual orientation”
Paalala naman sa kanya ng isang nagkomento (published as is), "I think you might be wise to avoid your mother for a while, and your sister maybe forever.
“Her character isn't going to change, and she has no qualms about saying terribly hurtful things if she thinks they further her selfish goals."
Dagdag pa nito, "The world is full of kind, supportive people who will offer you more of what you need than your blood relations."
Isa naman ang nagpayo sa kanya na habang nagluluksa at sariwa pa ang mga alaala ng kanyang misis ay ingatan muna niya ang mga damit nito.
Ayon pa sa nagkomento, sundin ni ProudFormal8139 ang bilin ng kanyang misis.
"Donate those clothes in your wife's name to the charity she supported as soon as you're ready to do so.
“I love that your wife wanted to donate her clothes to a charitable organization."
On a lighter note, biro naman ng isang netizen kay ProudFormal8139: "Does your mom or sister have access to your house when you are not there?
“If they do, get the keys back.”
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
