PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty clinic scams young man to get boob job

Kikita umano bilang live streamer pag na-enhance ang boobs
by KC Cordero
Published Aug 23, 2024
The young man before and after the boob job
Claim ng ina ng binata ay mentally challenged ang kanyang anak kaya nagawa itong lokohin ng beauty clinic. Sinabi umano ng staff sa kanyang anak na kikita ito sa pagiging livestreamer pagkatapos ng breast implant, na uso raw ngayon sa mga lalaki. (Photos courtesy of Palm News)

Inireklamo ng ina ng isang 19-year-old Chinese guy ang isang beauty clinic sa Wuhan, China, ng panloloko.

Ayon sa ina na kinilala lang sa pangalang Mrs. Lu, ang kanyang anak ay mentally challenged, at ang isip nito ay parang sa five years old lang.

Napag-alamang nag-apply ng trabaho ang binatang anak ni Mrs. Lu sa naturang beauty clinic.

Kung matatanggap sa trabaho, libre ang pagtira sa beauty clinic, at may buwanang suweldo na 3,000 yuan o PHP22,579.20.

Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains

The young man who underwent boob job
Hindi husto ang pag-iisip ng 19 anyos na binata kaya narahuyo ito ng beauty clinic sa alok na boob job. Photo: Screenshot at Palm News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title

Gayunpaman, nang magtanong ang anak ni Mrs. Lu sa beauty clinic kung ano ang magiging trabaho nito, sinabi ng nakausap nito na kailangan muna niyang sumailalim sa breast enlargement surgery.

Maaari na itong magsimula ng trabaho kapag naka-recover na siya sa operasyon.

Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly

Ayon kay Mrs. Lu, nabasa niya sa smartphone ng anak ang chat archives sa pagitan nito at ng beauty-clinic staff.

Sa palitan ng messages ay tiniyak ng beauty-clinic staff sa anak ni Mrs. Lu na ang boob job ay puwede rin sa mga lalaki.

Sinabi pa niya na ang ganitong procedures ay sikat na sikat sa mga livestreamers.

“You can get the breast surgery done first and start working once you’ve recovered,” ang mensahe umano ng beauty-clinic staff sa kanyang anak.

Dagdag pa nito, “We have many livestreamers who undergo cosmetic surgery here and make a lot of money.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nga mentally challenged ang binata, napahinuhod ito ng beauty clinic staff.

At nagbayad pa ito para sa isinagawang operasyon noong July 28, 2024.

Read: CHECK THIS OUT: "Toothache Tree" known for curing dental problems

BINATA NAG-LOAN PA PARA SA BOOB JOB

Lingid kay Mrs. Lu, nangutang pa pala ang kanyang anak para lang mapasailalim sa breast enlargement surgery.

Natuklasan niyang una itong nag-loan ng 30,000 yuan o PHP 225,792.

Bukod pa rito ang isang loan na nagkakahalaga naman ng 7,000 yuan o PHP 55,319.04.

Ang mga utang na ito ay babayaran sa loob ng dalawang taon.

Read: Dolce & Gabbana launches perfume for dogs

Ayon kay Mrs. Lu, mismong ang beauty clinic ang humimok sa kanyang anak na gastusan ang procedure dahil madali lang naman nitong mababawi ang ginastos kapag naging livestreamer na.

Nahambal din umano siya nang malaman ang ginawa sa anak.

Sa panayam ng Palm News noong August 8, isinalaysay ng ina ang naging ordeal ng anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The surgery made my son’s chest a B-cup, with two long scars underneath.

“Seeing those scars breaks my heart.”

Nagreklamo si Mrs. Lu sa beauty clinic, at sinabing sinamantala ng beauty clinic ang pagiging mentally challenged ng anak.

Dahil sa paulit-ulit niyang reklamo, pumayag ang beauty clinic na tanggalin ang breast implants.

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

BINATA NA-TRAUMATIZE SA BOOB JOB

Inilapit ni Mrs. Lu sa Chinese media ang kahambal-hambal na sinapit ng anak, at ibinahagi rin niya ang mga kopya ng medical records para patunayang mentally challenged ito.

Nang lumaganap sa Chinese media at mag-viral sa social media ang nangyari sa anak ni Mrs. Lu, hiningan ng Hubei Media Group ang abogadong si Hu Junjie ng legal opinion ukol sa kaso.

Ayon sa abogado, “If the person has no capacity for civil conduct, a guardian, the parents in this case, must sign for such procedures.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaso ng anak ni Mrs. Lu, hindi siya hiningan ng consent ng beauty clinic.

Dagdag pa ng abogado, “First, the money must be refunded; and second, if any harm was caused, compensation must be provided.”

Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding

Determinado naman si Mrs. Lu na papanagutin ang beauty clinic.

Lalo umanong na-traumatize ang kanyang anak nang tanggalan ito ng breast implants.

Ibinahagi rin niya na dahil sa dalawang magkasunod na operasyon, dumaranas din ngayon ang kanyang anak ng depression, anxiety, at sleep disorders.

Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claim ng ina ng binata ay mentally challenged ang kanyang anak kaya nagawa itong lokohin ng beauty clinic. Sinabi umano ng staff sa kanyang anak na kikita ito sa pagiging livestreamer pagkatapos ng breast implant, na uso raw ngayon sa mga lalaki. (Photos courtesy of Palm News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results