PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

95-year-old groom weds 90-year-old bride

Naging magdyowa noong 1960, nagpakasal ngayong 2024.
by KC Cordero
Published Aug 21, 2024
Wedding photo of Ibrahim Mbogo and Tabitha Wangui
Magkasama na sila simula noong 1960, pero bilang Christians, napagkasunduan nilang magkaroon ng church wedding. Photo courtesy of Adomonline)

Wagas na pagmamahalan ang pinatunayan nina Ibrahim Mbogo, 95, at Tabitha Wangui, 90, ng Kenya.

Noong August 18, 2024, pinagtaling-puso sila sa isang “picturesque white wedding,” ayon sa ulat ng local media na Citizen Digital.

Ang Kenyan couple ay unang nagkakilala anim na dekada na ang nakararaan.

Wedding photo of Ibrahim Mbogo and Tabitha Wangui with some of their guests
Bago ang kanilang church wedding, 64 years nang nagsasama ang mga bagong kasal. Photo: Screenshot at Gulf Today
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpalitan sila ng “I do” sa Tambaya PCEA Church sa Mukurweini, isang munisipalidad na nasa parteng northeast ng Nairobi, ang capital ng Kenya.

Nakasuot ang groom ng smart gray suit and silver tie, habang ang bride naman ay naka-white wedding dress na pinatungan ng cream brocade jacket.

Nakasuot din si Tabitha ng white hat.

Ang eksenang magkahawak-kamay sina Ibrahim at Tabitha habang binibigkas ang kanilang pangako sa isa’t isa ay humaplos sa damdamin ng mga sumaksi sa kanilang kasal.

Kahit 64 years na silang magkapiling, pormal pa rin silang nangako sa isa't isa na magsasama sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan.

Read: Groom learns bride is 25 years older than him on eve of wedding

CHURCH WEDDING NAPAGKASUNDUAN NG GROOM AND BRIDE DAHIL PAREHO SILANG CHRISTIANS

Nang matapos ang seremonya, sa labas ng simbahan, sinabi ni Ibrahim kay Tabitha na: “We met and fell in love in 1960, do you hear?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang tanungin ng media kung bakit ngayon lang sila nagpakasal, ayon kay Ibrahim, pinag-usapan nilang mabuti ni Tabitha ang desisyong magpakasal.

“We deliberated together and decided it would be great if we did a white wedding.

“We know in our Kikuyu custom that we are legally married, but since we are also Christians, we decided to do a church wedding.”

Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

Ang payo ni Tabitha sa mga kababaihan para magtagal ang relasyon, “You must respect your husband, if you do that, then you will live as we have.”

Dagdag pa niya, “Don’t do any wrong, and when you do, just apologize and seek forgiveness.”

Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkasama na sila simula noong 1960, pero bilang Christians, napagkasunduan nilang magkaroon ng church wedding. Photo courtesy of Adomonline)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results