Isang nakaka-shock na video ang nag-viral sa social media sa Bangladesh matapos i-upload sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @Nishantjournali nitong August 11, 2024.
Sa video, makikita ang dalawang kabataang lalaking nag-i-skating at nakakapit sa likod ng isang humahagibis na truck sa highway na malapit sa Bijoy Sarani metro station sa Dhaka, ang capital city ng bansa.
Read: Father shoots judges after daughter fails to win beauty title

Read: Heartbroken guy, 24, looks older after 5 months in the mountains
May pagkakataon pang bumitiw ang isa sa pagkakahawak sa truck at nagpakita ng kanyang skating skills bago muling humawak sa malaking sasakyan.
Kumaway pa siya sa nagkukuha ng video.
Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot
Nilagyan ng nag-tweet ang video clip ng caption na: “If they had come under the truck... then the family members would have filed a case against the truck.
“The family members would not have been able to identify even a single body part.
“People get trapped due to the carelessness of such people.
“Action must be taken!”
Read: Nanny earns PHP20K per hour as Taylor Swift look-alike
VIRAL VIDEO HINDI EDITED
Maraming netizens ang nagpahayag ng pangamba sa ginagawa ng dalawang kabataang lalaki, na obviously ay hindi natatakot sa panganib.
Isang news outlet din ang nag-verify kung totoo ang video at napatunayang authentic ito.
Nakunan daw ito ng isang concerned citizen bago nai-tweet ng X user.
Ang video clip ay nakakuha na ng 826.6K views, 43 quotes, 220 bookmarks; 1,893 reposts at 3,994 likes.
Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself
SKATING SKILLS NG 2 TEENS DAPAT GAMITIN SA MAS MAKABULUHANG BAGAY
Ayon sa isang nagkomento na humanga sa skating skills ng mapangahas na kabataang bumitaw pa sa truck, “Wished that the boy could have channeled this in the right direction.”
Base sa ikinilos ng kabataang lalaki ay malaki nga ang potential nito sa skating.
Read: Egg-and-toothpaste experiment produces “jelly egg”

Read: World’s tallest male teen, gustong makapasok sa NBA
Kaya hindi rin napigilan ng isa pang nagkomento na mapabulalas ng: “One of the boys demonstrates incredible balance and skill and his talents should be put to better use.”
Pero paalala rin nito, “What these boys are doing is completely irresponsible. They are putting themselves as well as other road users at risk."
Himutok naman ng isa pa, “I wonder how these people are so talented and stupid at the same time.”
Ayon sa mga ulat ng Bangladesh media ay hindi pa nagbibigay ng komento ang mga awtoridad sa Dhaka tungkol sa viral video.
