Tinawag na “sleepless seamstress” si Nguyen Ngoc My Kim ng Vietnam dahil sa loob ng nakalipas na tatlong dekada ay hindi pa siya natulog kahit minsan.
Isang mananahi si Nguyen, na ngayon ay 49 years old na.
Naninirahan siya sa Long An, isang lalawigan sa Vietnam.
Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973

Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963
Madalas siyang maging laman ng local news dahil sa kanyang claim na hindi siya nakakaramdam ng antok.
At kahit kulang sa tulog, sinabi ni Nguyen na hindi apektado ang kanyang kalusugan.
Read: Daniel Padilla plans to revisit Vietnam: "Last ako nandun, I enjoyed it very much."
HINDI INBORN ANG PAGIGING INSOMNIAC NG SEAMSTRESS
Lagi namang binibigyang-diin ni Nguyen na hindi niya taglay ang kundisyon noong ipanganak siya.
Normal daw ang kanyang sleeping habits noong siya ay lumalaki.
Nagsimula siyang hindi makatulog nang mag-aral na siya at nahilig sa pagbabasa ng mga libro.
Inaabot daw siya ng hatinggabi tuwing nagbabasa, at kapag nalipasan na ng antok ay tinatapos ang anumang binabasa hanggang umaga.
At dahil may kailangan siyang gawin kinaumagahan—o kaya ay papasok sa school—wala na siyang oras para matulog.
Hanggang sa nagpaulit-ulit ang ganitong cycle, at nakasanayan na niya.
Read: Nanny earns PHP20K per hour as Taylor Swift look-alike
Naging mas malala ang kanyang pagpupuyat nang magsimula siyang magtrabaho bilang seamstress sa edad na 18 years old.
Inaabot siya ng hatinggabi kapag may tinatapos tahiin lalo na kung apurahan ang mga order sa tahian.
Dumating sa puntong naramdaman niyang kaya na niya nang walang tulugan—kaya nagdidire-diretso ang hindi niya pagtulog.
Read: Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home
SEAMSTRESS NAHIRAPAN NOONG UNA SA SUNUD-SUNOD NA PAGPUPUYAT
Sa isang panayam, sinabi ni Nguyen na gabi-gabi ay ganun ang kanyang sitwasyon.
“I sat in front of my sewing machine and did not dare to sleep because I was afraid of not being able to keep up with orders.”
Aminado naman siyang sa mga unang gabi ng kanyang pagtatrabaho bilang mananahi ay nakaranas siya ng iba’t ibang hirap.
Read: Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years
Dahil hindi siya dalawin ng antok, apektado raw ang kanyang tinatahi.
Lagi rin siyang nakakaramdam ng pagod at pagkahilo kapag araw.
Dagdag pa niya, “I even had a few traffic accidents.”
Gayunpaman, makalipas ang ilang buwan—hanggang maging taon—na hindi siya nakakatulog, nasanay na ang kanyang mga mata at katawan na gising siya.
“I couldn’t sleep even if I wanted to.”
Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself
NAKIKITA NG MGA TAO NA LAGING GISING ANG SEAMSTRESS
Ang sanhi kung bakit hindi nakakaramdam ng antok si Nguyen ay hindi pa nasusuri ng mga doktor.
Pero hindi ito tsismis lang dahil maraming kakilala niya ang nagpapatunay na talagang lagi siyang gising.
Ayon kay Nguyen, napapatunayan iyon ng ibang tao dahil lagi siyang nakikita ng mga ito na nagtatrabaho araw at gabi.
Hindi rin siya umaalis sa kanyang sewing stall sa Long Cang commune ng Long An.
Laging bukas daw ang ilaw at pinto ng kanyang stall, at maaaring pumasok doon ang sinuman para panoorin siya habang nananahi at obserbahan kung hindi ba talaga siya natutulog.
Read: Delivery rider eats customer’s food without permission

Read: Man who looks like a teen is actually 35 years old
Aniya, noong una ay maraming Marites na talagang nag-uusyuso sa kanyang kakaibang abilidad.
Pinupuntahan siya ng mga ito sa kanyang stall at tinitingnan kung aantukin siya pagsapit ng gabi.
“Seeing that the rumors were true, they spread the word, and before long, I became famous for my ability to stay awake continuously.”
Nang mag-viral sa Vietnamese social media ang tungkol sa hindi pagtulog ni Nguyen, maraming turista ang bumibisita sa kanyang stall para mang makita at ma-obserbahan siya.
Okey lang naman ito kay Nguyen dahil nakikilala siya, at naipapakita pa niya sa mga bisita ang kanyang skill sa pananahi.
