PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man stolen as baby reunites with wealthy family after 33 years

Lumaki siya sa hirap, pero mayaman pala ang tunay na pamilya.
by KC Cordero
Published Jul 27, 2024
Photo of Zhang Huaiyuan, and he with his biological parents
Sa loob ng 33 taon ay lumaki sa hirap si Zhang Huaiyuan sa piling ng mga nakagisnang magulang. Pero ang totoo, anak mayaman siya. At ang dokotr ang may kagagawan kung bakit siya nawalay sa totoong pamilya. (Photos: Screenshot at SCMP)

Parang teleserye ang mga pangyayari sa buhay ni Zhang Huaiyuan, 33.

Lumaki siya sa hirap at naninirahan sa isang dukhang rural village sa Anhui province na nasa eastern part ng China.

Isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang nakagisnan pala niyang mga magulang ay hindi niya kadugo.

Siya ay anak ng mayamang negosyante na naninirahan sa Zhejiang province sa southeastern China.

Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

BABY PINALABAS NA PATAY NANG IPANGANAK

Sa ulat ng South China Morning Post noong June 23, 2024, napag-alamang pinaniwala ng doktor na nagpaanak sa ina ni Zhang na namatay bilang premature baby.

Pero ang totoo, buhay siya at ipinaampon ng doktor sa kamag-anak na nasa 50s na at hindi mabuntis-buntis.

Disabled ang nakagisnang ama ni Zhang kaya napasuong agad siya sa hirap ng buhay.

Pagsapit niya sa edad na 17, kinailangan niyang huminto sa pag-aaral para magtrabaho at makatulong sa mga kinikilalang magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife

Pumanaw ang kanyang adoptive father noong 2023.

Noon na rin ipinagtapat kay Zhang ng kanyang adoptive mother na hindi sila ang tunay niyang magulang.

Zhang Huaiyuan escorted by police
Sinamahan ng mga pulis si Zhang Huaiyuan nung nakipagkita sa kanyang mga tunay na magulang. Photo: Screenshot at The Sun
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang malaman niya ito, nagpatulong siya sa pulisya para matunton ang kanyang biological parents at real family.

Read: Delivery rider eats customer’s food without permission

NA-MEET ANG BIOLOGICAL PARENTS, FAMILY

Makalipas ang tatlong dekada, nakaharap ni Zhang noong May 20, 2024, ang kanyang mga tunay na magulang.

Zhang Huaiyuan being embraced by his mother
Ang higpit ng naging yakap kay Zhang Huaiyuan ng kanyang tunay na ina nang makita siya nito sa kauna-unahang pagkakataon. Photo: Screenshot at SCMP
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang malaking selebrasyon ang inihanda ng kanyang family.

Umiiyak na ipinagkaloob ni Li Shijie, ang tunay na ama ni Zhang, sa anak ang bank card para sa account na naglalaman ng 1.2 million yuan o PHP9,698,384.

Napag-alaman ding may panganay na kapatid si Zhang.

Zhang Huaiyuan being embraced by his father
Yajap-yakap si Zhang Huaiyuan ng kanyang tunay na ama habang nakatingin ang kanyang nakatatandang kapatid at ang kanyang ina. Photo: Screenshot at The Sun
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman not going to sister's wedding; groom is her cheating ex-BF

June 1991 nang ipanganak si Zhang.

Kuwento ng kanyang tunay na ama, “Since the first was born via caesarean section which hadn’t fully healed, my wife’s incision reopened during the sixth month of pregnancy.”

Nang bumuka ang dating tahi, kinailangang ilabas si Zhang prematurely.

Idineklara ng doktor na namatay ang sanggol, na hindi na rin nakita ng mag-asawa.

Wala rin daw alam sa nangyari ang misis ni Li na nasa ilalim ng general anesthesia nung panahong iyon.

Pero nagsinungaling lang pala ang doktor sa hindi na binanggit na ospital.

Read: Egg-and-toothpaste experiment produces “jelly egg”

NAMANA ANG HUSAY SA PAGNENEGOSYO

Sa kabila naman ng pagiging laki sa hirap, namana ni Zhang ang husay sa pagnenegosyo ng kanyang biological parents.

Sa piling ng mga nagpalaki sa kanya, kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay nakapagpundar siya ng maliit na factory sa Tianjin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May asawa na rin siya at anak na lalaking siyam na taong gulang.

Kamakailan ay binisita siya ng kanyang tunay na mga magulang para makita ng mga ito ang manugang at apo.

Zhang Huaiyuan's family
Si Zhang Huaiyuan kasama ang kanyang mga tunay na magulang at kapatid. Photo: Screenshot at SCMP

Awang-awa naman kay Zhang ang amang si Li.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon dito, nabuhay ang kanyang bunso sa loob ng mahigit 30 taon nang hindi alam kung kailan ang totoong petsa ng kanyang kapanganakan.

Ngayong taon, plano nilang ipagdiwang ang kanyang kaarawan nang sama-sama ang buong pamilya.

Read: Man who looks like a teen is actually 35 years old

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob ng 33 taon ay lumaki sa hirap si Zhang Huaiyuan sa piling ng mga nakagisnang magulang. Pero ang totoo, anak mayaman siya. At ang dokotr ang may kagagawan kung bakit siya nawalay sa totoong pamilya. (Photos: Screenshot at SCMP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results