PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Delivery rider eats customer’s food without permission

Nang komprontahin, sagot nito: “Do what you will.”
by KC Cordero
Published Jul 26, 2024
Series of shots of the delivery rider while eating the food ordered by the customer
Pinaghintay ng delivery driver ng 45 minutes ang customer bago sinabing nasa parking area na ito. Nang puntahan ng customer, naabutan niyang kinakain na ng delivery driver ang in-order niyang food. At bastos pa ang paraan ng pagsagot sa kanya nang kumprontahin niya ito. (Photos courtesy of @amanbjaiswal on Instagram)

Na-shock ang entrepreneur na si Aman Birendra Jaiswal nang matuklasang kinakain ng isang delivery driver ng Ola Foods ang in-order niyang pagkain.

Si Aman ay residente ng Noida, isang planned city na nasa northern state ng Uttar Pradesh sa India.

Sa kanyang Instagram post noong July 21, 2024, ibinahagi niya ang video kung saan nahuli niyang casual na kinakain ng delivery driver ang kanyang order.

Ang delivery driver ay connected sa Ola Cabs, na partner ng Ola Foods.

Read: Love Springs From Deliveries: "Beauty queen" falls in love with delivery rider

Screenshot of IG user about his confrontation with the delivery rider
Ang screenshot ng Instagram post tungkol sa delivery driver na kinain nang walang pahintulot ang in-order na food ng customer. Photo: Screenshot @amanbjaiswal on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Delivery rider ibinalandra ang laminated photos ng anak na cum laude: “Gusto kong isigaw sa buong earth"

Ang caption ni Aman sa video, published as is: “@olacabs This is how your food delivery partner are doing their job, first he said I'll take extra 10rs for coming, after denying for the first somehow I said ok come I'll give and then he kept me waiting for almost 45min and when I found him this is what he said.”

Read: Cadet wears dad’s delivery rider uniform in graduation party

Aniya, bago ang insidente ay nanghingi muna sa kanya ang delivery driver ng dagdag na 10 rupees o PHP10 para ihatid sa kanya ang pagkain.

Noong una ay tinanggihan niya ang demand nito dahil wala namang patakaran ang Ola Cabs na puwedeng manghingi ng extra ang mga delivery riders nito.

Kalaunan ay pumayag na rin si Aman, kahit ang hinihingi ng delivery driver ay sobra-sobra pa sa delivery charge na naibayad na niya sa Ola Foods.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila nito, pinaghintay pa rin siya ng delivery driver ng 45 minuto.

Read: Kilalanin: Food-delivery rider na sumaklolo sa asong inabandona ng amo

DELIVERY DRIVER KINAIN ANG ORDER

Nang sabihin ng delivery driver na nasa parking area na ito, nagulat si Aman nang puntahan ito para kunin ang order.

Sobrang casual kasing kinakain nito ang kanyang pagkain, katabi ang isa pa ring delivery driver.

Read: Delivery rider, naka-jackpot ng PHP33 milyon sa lotto

The delivery rider eating his customer's order
Casual na kinakain lang ng delivery driver ang in-order na pagkain ng customer. Pabalang din ang sagot nito nang kumprontahin ng customer kung bakit kinakain ang kanyang order. Photo: Screenshot @amanbjaiswal on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Delivery rider na nag-online exam habang inaantay ang order

Nang kumprontahin niya ito kung bakit kinakain ang kanyang in-order, hindi man lang ito natinag at sa halip ay sinabi sa kanya na: “Do what you will.”

Hindi makapaniwala sa narinig si Aman.

Nang ulitin niya ang tanong, ang naging sagot naman ng delivery driver: “What can I do?”

Wala nang nagawa si Aman.

Ni hindi rin nagpakita ng pag-iwas ang delivery driver habang kinukunan niya ito ng video.

Read: Jane De Leon ipinag-grocery ang rider na bitbit ang baby sa trabaho

IBANG CUSTOMERS NAKARANAS DIN NG PANGIT NA SERBISYO

Nag-viral ang ini-upload Aman na video at nakakuha ng mahigit 78K likes.

Karamihan sa nagkomento sa kanyang post ay nagsabing ganoon din ang kanilang naging karanasan sa Ola Foods.

Isa sa customers ay inihanda ang kanyang order batay sa app, pero kahit na-pick up ang order ay hindi ito dumating sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuha niya ang contact number ng delivery driver kaya tinawagan niya ito, pero hindi naman sumagot.

Nalaman din ng customer na walang complaint system ang Ola Foods at delivery partner nito.

Nakatanggap naman daw siya ng refund kinabukasan, at sinabi sa kanya na na-cancel ang kanyang order.

Read: VIRAL: Delivery rider brings his baby to work; receives help from netizens

May nagreklamo rin na hindi available ang COD )Cash-n-Delivery) sa Ola para sa food deliveries.

Komento ng isang customer, “They have the worst customer service. First they lure you with good deals then once you are hooked you start experiencing these kinds of service.”

Kaya hindi na umano siya nag-o-order dito kahit wala na siyang ibang options.

“I’ve suffered every time I took them in the past. The drivers always look for ways to loot you.”

Kumalat ang video ni Aman sa iba’t ibang social media platforms, partikular sa X (formerly Twitter).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-pick up din iyon ng local media sa Noida.

Ayon sa media reports, wala pang aksiyon ang Ola sa reklamo ni Aman.

Read: UPDATE: Boxing champ Donnie Nietes gives a glimpse of his life as "food delivery rider," supplement dealer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinaghintay ng delivery driver ng 45 minutes ang customer bago sinabing nasa parking area na ito. Nang puntahan ng customer, naabutan niyang kinakain na ng delivery driver ang in-order niyang food. At bastos pa ang paraan ng pagsagot sa kanya nang kumprontahin niya ito. (Photos courtesy of @amanbjaiswal on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results