Kay sakit ng karanasan ni “AlisonVio” pagdating sa pag-ibig.
Pagsisimula ng 28-year-old netizen sa Reddit noong July 8, 2024, two years siyang engaged sa boyfriend na si Mike, 30.
Naghiwalay sila tatlong buwan bago ang kanilang nakatakdang kasal noong summer ng 2023.

Ang dahilan, ayon kay AlisonVio, “I found out he had been cheating on me with someone else.
“I called off the wedding immediately.”
Matapos ang kanilang breakup ay lumayo na si Mike sa kanya.
Inisip naman ni AlisonVio na iyon na ang katapusan ng lahat para sa kanilang dalawa.
Bagamat nawasak ang kanyang puso, "but I slowly started to move on with my life.”
Nitong June 2024, nakatanggap si AlisonVio ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na tinawag niyang Lily.
Si Lily ay 25 years old, kaya tatlong taon ang tanda ni AlisonVio sa kanya.
Ayon kay Lily, kailangan nilang bumalik sa family home dahil mayroon itong exciting news para sa kanya.
Nang sumapit ang araw ng kanilang pagkikita, pagdating ni AlisonVio ay masayang-masaya si Lily at ang kanyang parents.
Ang lalapad aniya ng ngiti ng mga ito.
At ibinahagi na sa kanya ni Lily ang exciting news.
Ikakasal na ito.
Ang groom: si Mike!
Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
MEANT TO BE
Na-shock si AlisonVio.
Pagkarinig sa sinabi ni Lily, “My head was spinning. I felt like I was going to pass out.”
Nang mahimasmasan, nalaman ni AlisonVio na noong isang taon ay palihim na palang nagde-date sina Lily at Mike.
Sabi ng kanyang parents ay nalaman lang nila ang relasyon nina Lily at Mike nitong mga nakalipas na buwan.
Pero pinili ng mga ito na huwag na munang sabihin sa kanya.
Inisip din daw nila na magiging masaya si AlisonVio para kina Lily at Mike.
Sa kabilang banda, klinaro ni Lily nanagsimula silang nag-date at nagkagustuhan ni Mike after ng relasyon ng huli kay AlisonVio.
Sila raw ni Mike ang meant to be dahil mauuwi ang kanilang pag-iibigan sa kasalan.
Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food
WOMAN FELT BETRAYED BY SISTER AND EX-BF
Hindi pa rin makapaniwala si AlisonVio sa kanyang mga narinig.
At kahit sinabi niya kay Lily at sa kanilang parents na wala siyang pakialam sa magaganap na kasalan, “I felt betrayed on so many levels.” ayon sa post.

Pero hindi roon natapos ang kanilang paghaharap-harap.
Hindi nagustuhan ni Lily at ng kanilang parents ang pagwo-walkout ni AlisonVio.
Hindi raw siya tinigilang tawagan at padalhan ng text messages.
Sinabihan din siyang makasarili at sobra kung mag-react sa sitwasyon.
Pinaninindigan din ni Lily na tunay na pag-ibig ang namamagitan sa kanila ni Mike.
Bihira na umano ngayon ang ganitong uri ng pagmamahalan, kaya dapat suportahan ni AlisonVio si Lily.
Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!
SISTER ASKED HER TO BE THE MAIDn OF HONOR
Ilang buwan na lang at ikakasal na sina Lily at Mike, kaya ramdam na ramdam ni AlisonVio ang pressure.
Ang masaklap pa, sinabihan siya ng kanyang parents na puputulan siya ng sustento kung hindi siya dadalo sa kasal.
Dagdag na pressure—at pasakit din—sa kanya ang hiling ni Lily na siya ang maging maid of honor sa kasal.
Gusto raw kasi ng kanyang nakababatang kapatid na maging maayos at maibalik sa dati ang magandang samahan nilang mag-ate.
Bulalas ni AlisonVio, “This request has left me torn.
“I don't want to ruin our family dynamic further, but I can't shake the hurt and betrayal I feel.”
Read: Couple requires wedding guests to give cash gifts
WOMAN ASKS FOR ADVICE from friends
Dahil dito, nanghingi ng payo si AlisonVio sa kanyang mga kaibigan.
Hati ang opinyon ng mga ito sa kanyang sitwasyon.
May mga nagpayo sa kanyang panatilihin na lang ang kapayapaan sa kanilang pamilya—kaya kahit labag man sa kalooban niya ay puwersahin na lang niya ang sarili na dumalo sa kasal.
Para naman sa iba niyang friends, valid ang reason ni AlisonVio kung piliin man niyang huwag dumalo sa wedding.
Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened
NETIZENS REACT
Para higit pa siyang makapagdesisyon, nagtanong din si AlisonVio sa Reddit users.
Sa mahigit 1,200 replies na kanyang natanggap, nagkakaisa ang mga ito sa pagsasabing huwag na lang siyang magpakita sa araw ng kasal ng kanyang kapatid at ex-boyfriend.
Paliwanag ng isang nagkomento, unang-una ay nagtaksil si Mike kay AlisonVio.
Ina-assume ng nagkomento na ibang babae ito at hindi si Lily dahil ang claim ng huli ay nagsimula lang silang mag-date after maghiwalay nina Mike at ng kanyang ate.
Ngayon, ang cheating ex-boyfriend ay ikakasal sa nakababatang kapatid ng babaeng pinagtaksilan nito.

May mga umiling din sa threats ng magulang at request ni Lily.
Pagbibigay-diin ng isang netizen kay AlisonVio, “Now they drop this bomb on you, call you heartless for not believing in their 'true love' and Lily even dares to ask you to be her maid of honor?”
May mga nagsabi rin na kung nagawang pagtaksilan ni Mike si AlisonVio, tiyak na kaya rin niyang gawin iyon kay Lily.
Payo nito kay AlisonVio, layuan na muna ang pamilya at makipag-ugnayan na lang muli sa mga ito kapag maganda na ang trato sa kanya.
Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding
May nanlait din kay Lily dahil sa pagpatol nito kay Mike.
Kung siya umano ang nasa katayuan ni Lily, baka napatay pa niya si Mike dahil sa panloloko sa kanyang ate.
Hinding-hindi raw siya magkakagusto sa lalaking nagtaksil sa kanyang big sister.
Sambit pa nito, “Lily’s a bad sister for even entertaining the idea of a date with the man who betrayed her sister, let alone marrying him.”
May nagpayo rin kay AlisonVio na sabihin sa kanyang pamilya na kailangan niya ng panahon para makapag-isip.
At kapag may desisyon na siya tungkol sa pagdalo sa kasal, kailangan niyang sabihin kay Lily at sa kanilang parents ang totoo niyang nararamdaman.
After all, hindi lang naman kasi ito kasal ni Lily na kanyang kapatid—kasal din ito ng lalaking nanloko sa kanya at nagwasak ng kanyang puso.
Read: Couple chooses disco bathroom of gas station as wedding venue
