Sa unang tingin, mapagkakamalang teen si Brandon Miles May ng Detroit, Michigan, USA.
Pero ang totoo, 35 years old na siya.
Ang ibang tao ay sobrang batang tingnan dahil sa hormonal disorder.
Sa kaso ni Brandon, napanatili niya ang kanyang youthful look dahil sa kanyang lifestyle.

Isa siyang social media content creator, at kalimitan sa mga TikTok videos ay nagbabahagi ng kanyang anti-aging regimen at balanced diet, pati na rin pag-iwas sa matinding sikat ng araw at disiplinadong pagtulog sa loob ng walong oras mula gabi hanggang umaga.
Sa isa niyang video, sinabi ni Brandon na madalas siyang masita ng airport security kapag bumibiyahe siya.
Tinatanong umano siya ng mga guwardiya kung ilang taon na siya dahil mukha siyang teenager.
Kapag sinabi niya ang tunay na edad, tinitingnan siya ng mga ito nang may pagdududa.
Ani Brandon, “The age people think I am ranges, but it can be 15 or 16 or 18 to 19.”
Wala umano siyang ipinaretoke o ipinaayos sa kanyang mukha at katawan,
Sambit pa niya, “What I do is pretty simple but effective.”
Story: World’s tallest male teen, gustong makapasok sa NBA
MAAGANG NAGING HEALTH CONSCIOUS
Aminado si Brandon na simula pagkabata ay sobrang conscious na siya sa kanyang kalusugan.
Pagsapit niya sa edad na 13, iniwasan na niya ang magbabad nang matagal sa ilalim ng sikat ng araw.

Lahad ng binata, “I’ve been staying out of sunlight my whole life. I wear a hoodie to block the sun and use physical coverings on the backs of my hands.”

Binago rin niya ang kanyang diet—na ngayon ay puro prutas, isda, at plant-based food. Nakagawian rin niya ang pag-inom ng green tea.
Tuluyan naman niyang iniwasan ang pagkonsumo ng matatamis, mga butil, at pagkaing mayaman sa carbohydrates noong 19 years old na siya.
“I was really into nutrition at that stage and keeping my body young.”
Hindi rin siya tumikim ng alak at sigarilyo dahil alam niyang hindi maganda ang epekto ng mga ito sa kalusugan.
“I attribute not drinking to my youthful appearance. Really embodying the feeling of youth. I think it has helped. I think and see myself as young.”
Iniwasan din niya ang intense workouts.
Paliwanag ni Brandon, “Too much exercise can cause stress on the body. It can age the body."
Pero lagi rin siyang nag-eehersisyo.
“I keep my exercise moderate and gentle; a walk, yoga, and some strength training.”
Read: Barber nanakawan ng smartphone, suki nag-fundraising
MAS MAGANDA ANG PAKIRAMDAM KUMPARA NOONG 25 SIYA
Sa isa pa niyang video ay sinabi ni Brandon na better ang hitsura niya ngayong 35 na siya kumpara noong 25 siya.
Mas maganda rin aniya ang kondisyon ng kanyang katawan.
“I think I look better than I did ten years ago. I feel physically and emotionally young. I think the body follows the mind.”
Bukod sa pagiging content creator, nagmamay-ari rin si Brandon ng medical communications business.
Aminado siyang nag-invest siya ng panahon sa kanyang sarili para magmukhang teen.
Pero giit niya, ang kanyang piniling lifestyle ay hindi para tumagal ang kanyang buhay.
Gusto lang niyang manatiling malusog.
“I want to feel good. Feeling young is part of looking young. Living forever isn’t a priority. It’s about maintaining my health.”

At kung para sa iba ay kakatwa ang kanyang lifestyle at nakakapagod ang pagmi-maintain ng youthful look, kabaligtaran ang paniniwala ni Brandon.
Bagaman at strict siya sa kanyang diet, hindi niya dini-deprive ang sarili at kumakain din siya treats, gaya ng chocolates.
“I eat chocolate every single day. I have 92 percent to 100 percent cacao. It’s super bitter.
“I’m pretty flexible, too. If I go out for dinner, I’ll have some bread and olive oil.”
Read: Woman finds out she's invited to wedding to babysit guests’ kids
NETIZENS IBA’T IBA ANG REACTION SA TEEN MAN
Ang TikTok account ni Brandon ay mayroon nang 56.3K followers at 1.1M likes.
Hati naman ang opinion ng mga nagkokomento sa kanyang mga videos.
May nagsabing hindi dapat pinipigilan ni Brandon ang kanyang sarili na magmukhang mature.
Payo sa kanya ng isang nagkomento, “I find beauty in aging, it shows you’ve lived a fruitful life.”
May pumuna rin sa kanyang diet. Hindi umano healthy na paulit-ulit lang ang kanyang kinakain.
Anito, “Muscle mass is also very important in anti-aging; it shouldn't be overlooked.”
May mga nagugulat pa rin kapag ipinakikita niya ang kanyang photos noong 25 years siya at ang kanyang recent photos.
Sambit ng isang nagkomento, “I’m kind of new to this lore, but have we considered that he’s lying and not that old?”
May nagbiro rin kay Brandon kung sa buong buhay niya ay nakatikim na ba siya ng softdrinks.
Marami rin ang nagpahayag ng suporta sa kanyang contents.
Sabi ng isa, “As a licensed esthetician, I absolutely love your content!!!”
Pagtatanggol sa kanya ng isa pa, “I find it odd everyone is making fun of him being healthy? I find his content informative and interesting.”
Hindi naman dedma si Brandon, at may mga tanong ang netizens na kanyang sinasagot.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
HIS RULES IN MAINTAINING HIS TEEN, YOUTHFUL LOOKS
Samantala, narito ang rules na sinusunod ni Brandon para magmukhang bagets,
- Iwasan ang matinding sikat ng araw. Protektahan ang balat sa pamamagitan ng pagsusuot ng UV (ultra-violet ray) protection clothing.
- Gumamit ng SPF araw-araw.
- Kumain ng berries, gaya ng blueberries, blackberries at raspberries. Ayon kay Brandon, anti-inflammatory ang mga prutas na ito.
- Kumain ng low mercury fish gaya ng sardinas na mayaman sa Omega-3.
- Gawing habit ang pagkonsumo ng organic fruit and vegetables.
- Kontrolin ang pagkain ng sobrang carbohydrates, sugar, and grains.
- Iwasan ang alak at sigarilyo.
- Disiplinahin ang sarili na makatulog nang diretsong walong oras sa loob ng isang araw.
Payo pa ni Brandon, panatilihin din ang positive outlook at iwasan ang ma-stress.
Mag-relax at ipagpatuloy ang mga nakaugaliang hobbies—para maging bata rin ang pakiramdam ng puso at isipan.
Laging ngumiti.
Wala aniyang silbi kung mukha ka ngang bata, pero sa kalooban mo ay punung-puno ka naman ng mabibigat na dalahin sa buhay.
Read: "China’s most stubborn man" fails college admission test 16 times
