Super excited ang Reddit user na may handle na “EdenCapwell” nang makatanggap siya ng imbitasyon sa kasal.
Yun nga lang, may kakambal na hindi inaasahang senaryo ang pagdalo niya sa espesyal na okasyon.
Sa post ni EdenCapwell sa Reddit last July 11, 2024, siya at ang kanyang mister ay kabilang sa mga imbitado.

Nang buksan niya ang invitation card, mula sa sobre ay may nahulog mula roon na maliit na index card.
Noong una ay hindi pinansin ni EdenCapwell ang nahulog na maliit na index card at tiningnan muna niya ang mga detalyeng nakalagay sa wedding invitation.
Pero nang pulutin niya ang index card, nakita niyang may nakasulat na note doon.
At nasorpresa siya sa mga nilalaman ng note.
Read: "China’s most stubborn man" fails college admission test 16 times
ROLE IN THE WEDDING: NANNY TO KIDS
Pagbabahagi ni EdenCapwell sa kanyang post, imbitado ang kanyang mister sa wedding at maging sa reception—pero siya ay may kakaibang role.
Aniya, batay sa nakasaad sa note, “I'd be in another room helping to babysit all the children there with several other female invitees.”

Ayon pa umano sa note, may espesyal na lugar sa simbahan para sa mga bata na anak ng iba pang mga imbitado.
Doon siya pinapupuwesto ng mga ikakasal para pansamantalang maging yaya ng mga bata.
Ipinagbilin din sa kanya ng mga ikakasal na kailangang bihis na bihis siya sa okasyon—kahit pa yaya ang magiging role niya.
Ang dahilan: “I'd still need to dress for a wedding in case I wind up in any photos.”
Dismayado pa niyang sambit, “But I'd be taking my reception meal with the children and I'd be with all the kids for the ceremony.”
Nasa note din sa index card ang link para sa gift registry.
Ibig sabihin, required din silang mag-asawa na magregalo sa mga ikakasal.
Read: MMDA ramp for PWDs draws criticism: "Medyo delikado ito."
OTHER REQUIREMENTS FROM GUEST
Bukod naman sa pagiging yaya ni EdenCapwell sa araw ng kasal, sa note ay ipinaalala rin sa kanilang mag-asawa ng mga ikakasal na kailangan nilang magbayad ng tig-US$100 (PHP 5,833.85) para sa kanilang meal.
Ibig sabihin, gagastos silang mag-asawa ng US$200 o PHP 11,667.70 kung pupunta sila sa reception.
Nakalagay na rin sa note ang link kung paano sila magbabayad kung magpapa-RSVP silang mag-asawa digitally.
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
Sa kanyang post ay binanggit ni EdenCapwell ang mga problemang hatid sa kanya ng kakaibang wedding invitation na natanggap.
Unang-una aniya ay isa siyang 50 years old na Person With Disability.
Lagi rin siyang may nakakabit na oxygen.
At para makapaglakad, kailangang may aalalay sa kanya.
Ani EdenCapwell, sa totoo lang ay hindi siya mapapakinabangan sa okasyon kung gagawin siyang yaya ng mga bata.
Pagdedetalye niya, “I'd be pretty useless to prevent a fall or stop a child from choking or anything else that would require me to move quickly.”
Read: Skinny woman who weighs 25 kilos wants to lose more weight
HURT BY THE REQUEST
Ang ikalawang problema, sa kanilang mag-asawa ay si EdenCapwell ang talagang kaibigan ng pamilya ng mga ikakasal.
Kakilala na niya ang mga ito sapul sa kanilang pagkabata.
Kaya himutok ni EdenCapwell, bakit ang kanyang mister ang imbitado sa pagsaksi sa seremonya habang siya ay nag-aalaga ng mga bata?
Alam din naman umano ng mga ikakasal ang kondisyon ng kanyang kalusugan.
Ayos lang naman daw sa kanyang mister na ito na lang ang mag-alaga sa mga bata para maka-attend si EdenCapwell sa wedding at sa reception.
Ang siste: “The invitation specified that only other female invitees would be watching the kids, so I doubt they'd let him.”
Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento
Kuwento pa ni EdenCapwell ay kababata niya ang ina ng bride.
Parang magkapatid ang kanilang turingan.
“We went to school together, graduated together, worked at the same place twice, and have been super close since.”
Kaya hindi umano siya masisisi kung mahambal siya sa nilalaman ng imbitasyon.
Nang mabalitaan umano niya ang tungkol sa kasal ay sigurado siya sa sarili na kasama siya sa mga imbitado.
“But not like this.
"I confess that I feel offended and hurt that I'm nothing more than a babysitter to them who is expected to pay for my supper and babysit for free.”
Read: Princess of Dubai divorces husband via Instagram post
TO ATTEND OR NOT TO ATTEND?
Nanghingi ng opinyon si EdenCapwell sa ibang Reddit users kung ano ang gagawin sa kanyang sitwasyon—lalo pa at mayroon siyang health issues na alam naman ng mga ikakasal.
“Would I be wrong to simply tell them we won't be able to attend and to find another sitter?
“And if we don't go, do we still send a gift?”
Ayon sa etiquette expert na si Rosalinda Randall na kinonsulta ng Fox News Digital tungkol sa predikamento ni EdenCapwell, ang sitwasyon ay masyadong awkward.
May karapatan din umano si EdenCapwell na ma-upset sa pangyayari.
Ayon pa kay Rosalinda, kapag nagpadala ng imbitasyon para sa kasal, ibig sabihin ay dadalo sa okasyon ang inimbitahan bilang bisita—at hindi simpleng attendee lang.
Kung ang wedding invitation naman ay may kalakip na mga utos at impormasyon kung paano magbabayad ng kakainin, hindi iyon imbitasyon.
Isa umano iyong “job post” na ina-assume ng mga nag-imbita na tatanggapin ng kanilang mga inimbitahan.
Ang ganitong mga klase ng imbitasyon, ani Rosalinda, ay sadyang nakakagalit at nakakawindang.
Read: Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years
Ang payo ni Rosalinda kay EdenCapwell, may ilang choices ito na puwedeng gawin.
Puwede siyang hindi dumalo sa kasal.
Pero dahil kaibigan niya ang nanay ng bride, puwede siyang magpadala na lang ng regalo.
Maaari ring tumanggi si EdenCapwell sa babysitting duty, bayaran ang kakainin nilang mag-asawa at mag-enjoy sa okasyon kasama ang iba pang mga bisita.
At kung ayaw niyang gumastos sa reception, saksihan lang niya ang mismong seremonya ng kasal, at umalis na pagkatapos.
Maraming Reddit users ang sumang-ayon sa mga sinabi ng etiquette expert.
Anila, ang ganitong uri ng invitation ay talagang hindi normal, kaya tama lang na makaramdam si EdenCapwell na masaktan, madismaya at magalit.
Ayon sa isang nagkomento, isang malutong na “Hell no!” ang kanyang isasagot kung siya ang iimbitahan sa kasalan para lang mag-alaga ng mga bata, hingan ng regalo, at magbayad ng sariling food.
Para naman sa isa, panahon na para i-ghosting ni EdenCapwell ang pamilya ng mga ikakasal.
Kaibigan nga ang turing niya sa mga ito, pero parang hindi naman nila pinapahalagahan ang friendship niya.
Biro naman ng isang Reddit user, sabihin ni EdenCapwell sa mga ikakasal na ang rate niya sa babysitting ay US$20 (PHP 1,167.27) kada oras sa bawat isang bata.
Itanong din daw niya sa mga ikakasal kung willing ba ang mga ito na bayaran ang kanyang rate.
Read: Pretty girl who is 7'4" tall unsuccessful in finding boyfriend
Sa update ni EdenCapwell, sinabi niyang tinawagan niya ang ina ng bride—at hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap.
Ayaw nito na makita siya sa mga wedding photos ng anak nito habang nakaupo siya sa wheelchair at may nakakabit na oxygen.
Pinagbabaan din siya nito ng telepono habang nag-uusap sila.
Mas lalo siyang may rason ngayon para hindi na lang dumalo sa wedding.
Read: Young woman admits relationship with 7 pensioners for money
