PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Stolen pup found by real owner on Facebook after 7 years

“That looks so much like my dog.”
by KC Cordero
Published Jul 12, 2024
Photos of Ruger then and now
Pitong taon mula nang mawala ang puppy pa lang na si Ruger, muli ito nakita ng may-ari na naka-post sa isang local lost and found page ng Facebook. Kahit tumanda na ang hitsura, hindi nakalimutan ng owner ang anyo ni Ruger. (Photos courtesy of Brittany Simpson, Rebecca Latimer)

Pitong taon ang nakalilipas, naganap kay Brittany Simpson at sa kanyang pamilya ang hindi inaasahan.

Bigla na lang nawala ang isa sa pinakamamahal nilang tuta na si Ruger.

Naglalaro ito noon sa loob ng kanilang bakuran sa harapan lang ng kanilang bahay.

Hinala ni Brittany ay biktima si Ruger ng dognapping.

Photo of Ruger when still a pup
Natutulog ang puppy pa lang na si Ruger (kanan) kasama ang isa pang tuta. Photo: Brittany Simpson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang buwan nilang hinanap ang pup matapos nitong mawala.

Nag-post din sila sa social-media accounts ng pup tungkol sa pagkawala nito.

At sakaling may makakita kay Ruger, may microchip ito kaya madaling maibabalik sa kanila.

Pero walang naging resulta ang kanilang pisikal na paghahanap kay Ruger, maging ang kanilang panawagan sa social media.

At lumipas ang mga taon na hindi na nakita nina Brittany ang kanyang pet dog.

Read: Fur mom had her sick dog euthanized; why is it alive?

finding ruger

Last June 2024, habang nagba-browse si Brittany sa Facebook, isang larawan ang kanyang nakita na halos nagpatigil ng tibok ng kanyang puso.

Larawan iyon ng isang aso na naka-post sa Amarillo Pet Lost and Found Facebook page noong June 21.

Ang nag-post ay si Rebecca Latimer.

Ruger when found
Ang Facebook post tungkol sa pagkakakita sa isang nawawalang aso. Photo: Rebecca Latimer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa caption ni Rebecca ay ilang oras pa lang ang nakalilipas nang makita niya ang aso.

Ang kanyang buong caption: “This guy needs to be seen by a vet. I've had him for a few hours, given him a bath and some balm for his nose, but he is shivering, and he's not scared.

"I think he has a fever and skin infection.

"I am flat broke. Any advice? He is so sweet. I just can't afford to get him seen right now."

Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur

Sa artikulong inilathala ng The Dodo, isang website para sa mga taong interesado sa pets and animals, nitong June 29, literal umanong napanganga si Brittany nang makita ang larawang nai-post ni Rebecca.

Ani Brittany, “I was like, ‘That looks so much like my dog.’”

Ang larawan ng aso sa Facebook post ay mas matanda na ang hitsura kumpara kay Ruger na pup pa nang mawala ito noon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunpaman, taglay pa rin nito ang mga markings ng kanyang pet dog na hindi makakalimutan ni Brittany.

Agad umano siyang nag-comment sa post ni Rebecca.

Sinabi niyang ang aso sa larawan at ang hindi na nila nahanap na tuta ay posibleng iisa.

Bilang ebidensiya, nag-post din siya ng photo ni Ruger noong pup pa ito.

Nagkausap sila at ibinigay ni Rebecca kay Brittany ang mga detalye ng veterinary clinic kung nasaan si Ruger.

Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor

BRITTANY's reunion with ruger

Agad pinuntahan ni Brittany ang veterinary clinic na pinagdalhan ni Rebecca sa aso.

Kinumpirma naman ng microchip agency makalipas ang isang oras na si Ruger nga iyon.

At muli niyang nakapiling ang nawalang pup noon na akala niya ay hindi na niya makikita pang muli.

Ruger with his real owner
Si Brittany Simpson habang yakap-yakap si Ruger. Photo: Brittany Simpson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nawala noon si Ruger, paboritong kalaro ito ng mga anak ni Brittany.

Bagaman at malalaki na ang kanyang mga anak, hindi nakalimutan ng mga ito ang nawalang pet dog.

Sa sobrang tuwa ni Brittany, ini-record niya ang moment nang ibalita niya sa mga anak na natagpuan na si Ruger.

Muli nila itong makakasama nang pisikal, at hindi sa alaala lang.

Read: Woman with more than 150 cats and dogs banned from keeping pets; to pay PHP9M for damages

Aminado siyang noong una ay hindi agad naging komportable sa kanila si Ruger.

Pero makalipas ang ilang araw, “He’s getting back to normal now,” sambit ni Brittany sa panayam.

“It feels like we’re living a dream.

“We just sit and cuddle him and watch him sleep.”

Kasama na rin nito ngayon ang isa pa nilang alagang aso na kalaro ni Ruger noon.

Ruger after 7 years
Si Ruger kasama ang asong naiwan sa bahay nina Brittany noon. Photo: Brittany Simpson
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nalaman nina Brittany kung sino ang dumampot at kung ano ang naging buhay nito sa loob ng ilang taon.

Batay naman sa skin condition ni Ruger nang matagpuan ni Rebecca, maoobserbahang hindi ito naalagaan nang maayos.

Ipinagkakaloob ngayon nina Brittany kay Ruger ang maayos na buhay na naipagkait sa kanya sa loob ng pitong taon.

Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pitong taon mula nang mawala ang puppy pa lang na si Ruger, muli ito nakita ng may-ari na naka-post sa isang local lost and found page ng Facebook. Kahit tumanda na ang hitsura, hindi nakalimutan ng owner ang anyo ni Ruger. (Photos courtesy of Brittany Simpson, Rebecca Latimer)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results