PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMA fighter loses fight, also in love after GF rejects proposal

“Bro went 0-2 in one night—a double defeat.”
by KC Cordero
Published Jul 3, 2024
MMA fighter on his knees while proposing to girlfriend
Hindi na nga nagwagi sa kanyang laban, tinanggihan pa ng girlfriend ni Lukasz Bukovac ang kanyang marriage proposal. Inakusahan din siya ng pagiging cheater sa harap ng 20,000 live spectators.

Dalawang beses nakatikim ng pagkatalo ang amateur mixed martial arts (MMA) fighter na si Lukasz Bukovac—isa sa loob ng cage at isa sa kanyang proposal.

Unang sumalang si Lukasz sa two-on-one cage fight kasama ang kanyang partner na si Patrik Horvath laban kay Jan Michalek.

Nagwagi pa rin si Jan kahit may kakampi si Lukasz.

Naganap ang match noong June 23, 2024.

Read: MMA fighter foils robbery attempt of three suspects

MMA FIGHTER'S MARRIAGE PROPOSAL REJECTED BY GIRLFRIEND

Si Lukasz ay isang Czech Republic national.

Matapos matalo sa laban, nag-propose naman siya sa kanyang girlfriend.

Habang nasa ibabaw ng ring ay lumuhod si Lukasz sa harap ng kanyang girlfriend at inilabas ang singsing.

Sinaksihan iyon ng mahigit 20,000 katao na nanood din sa kanyang laban.

Read: Guy nag-stage ng armed robbery para mag-propose sa girlfriend

MMA fighter showing the ring to girlfriend
Kahit natalo sa laban, nag-propose ang MMA fighter na si Lukasz Bukovac sa kanyang girlfriend sa ibabaw ng ring. Photo: Screenshot @HappyPunch on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dominic Roque, ikinuwento kung paano pinlano ang proposal kay Bea Alonzo

Sa pagkabigla ni Lukasz—at maging ng crowd—tinanggihan ng kanyang girlfriend ang marriage proposal.

Hindi na binanggit ang pangalan ng kanyang girlfriend.

Sa halip, kinuha nito ang microphone sa ring announcer at idineklara ang pag-reject kay Lukasz.

Anang babae, “Based on everything that’s happened, I think probably not.

“I'm saying no.”

Sinabi rin ng girlfriend na hindi naging tapat si Lukasz at may iba pang babaeng nilalandi.

Iyon umano ang dahilan kaya ayaw niyang pakasalan ang MMA fighter.

Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby

CHEATING ALLEGATION ITINANGGI NG MMA FIGHTER

Ang naganap na drama sa ibabaw ng ring ay nagpatahimik sa maingay na crowd.

Saglit pa, nagsimula ang mga manonood na kantiyawan ang girlfriend ni Lukasz.

Pumailanlang ang malakas na “boo!” para sa babae.

Nag-usap pa sina Lukasz at ang kanyang girlfriend at nakiusap siyang baguhin ang desisyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napahinuhod ang babae.

Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company

Girlfriend rejecting the proposal
Kahit nanikluhod si Lukasz Bukovac sa kanyang girlfriend, hindi pa rin nito tinanggap ang kanyang marriage proposal. Photo: Screenshot @HappyPunch on X

Read: Millionaire golfer burns own house after split with wife

Isang miyembro ng team ni Lukasz ang lumapit sa cage at sinabuyan ng tubig ang kanyang girlfriend bilang protesta sa pag-reject nito sa kanyang marriage proposal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ilang sandali ay kinapanayam ng press si Lukasz.

Itinanggi niya ang mga alegasyon ng girlfriend na nag-cheat siya rito.

Mariing pahayag niya, “I didn't really cheat on her.”

Read: Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco

VIDEO NG REJECTED PROPOSAL, NAG-VIRAL

Ang video ng insidente ay ini-upload sa X (formerly Twitter) ng user na may handle na @HappyPunch noong June 24.

Nakakuha na ang video ng 19M views, 2,409 reposts, 2,375 quotes, 37.5K likes, at 7,605 bookmarks.

Karamihan sa mga nagkomento ay nagsabing 0-2 ang naging resulta ng pag-akyat ni Lukasz sa ring nang gabing iyon.

Sambit ng isang commenter, “Bro went 0-2 in one night—a double defeat.”

Read: PEP OUTTAKES: Sino ang may sala: lalaking nangaliwa o babaeng pumatol?

Ayon naman sa isa ay napakasaklap ng naranasan ni Lukasz na dalawang beses na pagkatalo sa loob lang din ng dalawang minuto.

May nagsabi rin na hindi dapat nag-propose si Lukasz matapos matalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa nagkomento, “He could have saved it until he won a fight.”

Pero may mga nagpahayag din na kung sakali mang nanalo si Lukasz, hindi siya sigurado na “yes” ang isasagot ng kanyang girlfriend dahil sa alegasyon nitong cheater ang MMA fighter.

Read: Student caught using AI to cheat during entrance exam

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi na nga nagwagi sa kanyang laban, tinanggihan pa ng girlfriend ni Lukasz Bukovac ang kanyang marriage proposal. Inakusahan din siya ng pagiging cheater sa harap ng 20,000 live spectators.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results