PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dead body floating in pond just a napping drunk man

Pulis nagulat nang “mabuhay” ang lalaki
by KC Cordero
Published Jun 28, 2024
Series of photos when the police retrieves the body
Limang oras nang nakalutang ang katawan ng lalaki sa pond at hindi kumikilos kahit tinatawag ng mga residente kaya ipinagbigay-alam na nila sa mga awtoridad na baka patay na ito. Napalalim lang pala ang tulog ng lasing na lalaki matapos maglublob sa pond.

Bandang alas siyete ng umaga nang mapansin ng mga residente ng isang village na may katawan ng lalaki na nakalutang sa gilid ng kanilang pond.

Nangyari ito noong June 11, 2024, sa Reddypuram Kovelakunta na nasa town ng Hanumakonda, na matatagpuan sa Andhra Pradesh state ng India.

Hindi nag-panic ang mga residente, pero sinisigawan nila ang lalaki—na napansin nilang hindi kumikilos.

Nakilala ito na isang quarry worker.

At nang sumapit na ang alas dose ng tanghali at wala pa ring kakilus-kilos ang lalaki, naalarma na ang mga residente at inakalang patay na ito kaya tumawag na sila ng pulis.

Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew

Police retrieving the body
Lumusong ang isang pulis sa pond para ma-retrieve ang inakalang dead body. Photo: @sudhakarudumula on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Man in Cebu City attacks 3 girls for being pretty

Rumesponde ang Kakatiya University (KU) police.

Dumating din ang isang emergency medical services team na may 108 personnel.

Inakala rin ng mga ito na dahil sa hitsura ng lalaki sa pond ay wala na itong buhay.

Read: Bride breaks ankle after giving groom piggyback ride

PULIS NAGULAT NANG MABUHAY ANG DEAD BODY

Sa maikling video na nai-post ng investigative journalist na si Sudhakar Udumula sa X (formerly Twitter), makikita ang isa sa mga pulis na lumusong sa tubig at hinila ang kamay ng lalaki.

Laking gulat ng lahat dahil bigla itong bumangon.

Maging ang lalaki ay gulat na gulat din dahil maraming tao ang nanonood sa kanya.

Maririnig sa video ang tawanan habang pilit na inuunawa ng lalaki kung ano ang nangyayari.

Read: Bride gets fired from job on her wedding day

Screenshot of the X post
Nang hilahin ng pulis ang lalaki ay natuklasang hindi pa naman pala ito pata. Photo: @sudhakarudumula on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Silver necklace stops bullet, man survives gunshot

Nang tuluyang mahimasmasan, pinaliwanag niya sa mga pulis na 10 days na siyang nagtatrabaho sa isang granite quarry.

Labindalawang oras ang itinatagal ng kanyang shift.

Kaya nung nag-day off siya, nagpakasarap siya sa pag-inom ng alak.

Read: Employee takes home pay for 20 years doing nothing; sues company

Man explaining why he fell asleep in pond
Ipinaliwanag ng lalaki sa mga pulis na nakatulog lang siya sa pond sa sobrang pagod at kalasingan. Photo: @sudhakarudumula on X
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’

Pero dahil sobra naman siyang binanas dahil sa init na panahon at epekto ng alak, nagdesisyon siyang lumublob sa pond.

At dahil lasing, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nakababad sa tubig. Hindi rin niya naririnig ang pagtawag sa kanya ng mga tao.

Read: Airport cleaner returns dollars found at NAIA Terminal 3

NETIZENS NAG-ENJOY SA VIDEO NG DRUNK MAN

Ang video ay agad nakaagaw ng atensiyon ng mga netizens.

Mayroon na itong mahigit 66K views, at patuloy na inire-reshare sa iba’t ibang social media platforms.

Karamihan din sa mga komento ay naglagay ng laughing emojis.

Ayon sa isang X user, limang beses niyang pinanood ang video at hindi matapus-tapos ang kanyang pagtawa.

Read: "Walking Tree" is New Zealand’s 2024 Tree of the Year

Marami rin ang nagsabing tawang-tawa sila sa naging reaction ng pulis nang “mabuhay” ang dead body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat naman ng News18, isang Indian news website, para makaiwas na makasuhan ay sinabi ng lalaki na sadyang nakatulog lang siya sa pond sa sobrang pagod at hindi siya lasing.

Nangutang din siya sa mga pulis ng pamasahe para makauwi sa kanyang pamilya.

Read: Carer looks after old man for 12 years; inherits 5 flats

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Limang oras nang nakalutang ang katawan ng lalaki sa pond at hindi kumikilos kahit tinatawag ng mga residente kaya ipinagbigay-alam na nila sa mga awtoridad na baka patay na ito. Napalalim lang pala ang tulog ng lasing na lalaki matapos maglublob sa pond.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results