Isang homeowner si Jason Williams sa Logan Square neighborhood sa Chicago.
Last June 20, 2024, bandang 3:30 P.M., habang papauwi siya mula sa trabaho, nakatanggap siya ng security alert mula sa kanyang phone app na may burglary attempt na nagaganap sa kanyang bahay.
Batay sa app, may nakapasok sa loob at posibleng nagnanakaw.
Nang makarating sa kanyang bahay ay maingat na pumasok sa loob si Jason.
Nahagip din niya ang unang “armas” na magagamit laban sa kawatan—ang kanyang kawali.
At naroon pa nga sa loob ng bahay ang kawatan, na buong tapang na kinompronta ni Jason at hinampas sa ulo gamit ang nahagilap niyang kawali.
Dahil nabigla ang kawatan, wala itong nagawa kundi ang tumakas.
Read: Homeless Gen Z doesn’t pay rent for being hot and pretty
FRYING PAN NAKATULONG PARA MASUKOL ANG BURGLAR
Sa security footage ay nakunan ng video ang burglar habang tumatakas palabas sa bahay ni Jason.
Tumalon ito pagdating sa porch habang habul-habol ni Jason na dala-dala pa rin ang kanyang kawali.
May pagkakataong nasukol niya ito sa bakuran at nahampas muli ng kanyang armas bago pa ito tuluyang nakatakas.
Read: Student caught using AI to cheat during entrance exam

Read: Couple who died in car accident wedded via ‘ghost marriage’
Pagbabahagi ni Jason sa panayam ng TV station na ABC 7 Chicago, pagpasok niya sa loob ng kanyang bahay, ang una niyang naisip ay kung may available weapon siyang magagamit.
“There was a frying pan laying there, so I grabbed the frying pan.”
Eksakto naman aniyang pababa na ang kawatan sa hagdan sa loob ng bahay mula sa mga kuwarto sa itaas, kaya agad niyang sinalubong ito ng hambalos ng kawali.
"At this point it was fight or flight, and I would rather do the fighting."
Nagkataon ding may mga pulis na nagpapatrolya sa labas, kaya habang hinahabol niya ang kawatan ay nasakote rin agad ito ng mga awtoridad.
Read: Pet owner apologizes for cat stealing expensive bikinis, undergarments in neighborhood
HOMEOWNER NAKAGALITAN NG KANYANG MISIS, DELIKADO ANG GINAWANG PAGKOMPRONTA SA BURGLAR
Kinabukasan, June 21, ay ini-upload ni Jason sa X (formerly Twitter) ang video clip ng pagtakas ng kawatan habang hinahabol niya at pinapalo ng kawali.
Nilagyan niya iyon ng caption na, published as is: "Here is the video of the burglar being caught: got some good licks inside and the back.
“The Keystone Cops theme should be added for laughs.”
Read: Carer looks after old man for 12 years; inherits 5 flats

Read: Rider identified in robbery incident; motor taxi firm reacts
Sinabi rin niyang okey siya at hindi nasaktan—pero tiyak daw na masakit ang ulo ng kawatan dahil sa mga palo niya rito ng kawali—na nadisporma dahil sa mga paghataw niya.
Inamin naman niyang delikado ang kanyang ginawa na siya mismo ang nagkompronta sa kawatan sa halip na tumawag agad ng mga pulis.
"This could have had a different ending, and I'm glad it had a good one.
“My wife's not happy about the decision I made. I probably wouldn't do it again, but it is what it is.”
Kinumpirma naman ng Chicago police na nasa custody na nito ang kawatan.
