PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Misis ng retired NFL player, nalunok ang wedding ring

Dannah McMichael, akala ay nawala ang kanyang wedding ring.
by Jojo Gabinete
Published Jun 12, 2024
dannah mcmichael wedding ring
Dannah McMichael on accidentally swallowing her wedding ring: “I was worried when I realized my ring was missing. I love my ring and my husband would’ve been furious. My husband was furious at first because he thought I lost it at the massage salon.”
PHOTO/S: Courtesy of Dannah McMichael

Hindi namalayan ng Filipino-American na si Dannah McMichael na nalunok niya ang kanyang wedding ring dahil sa sobrang jet lag nang magbakasyon siya sa Pilipinas at Thailand noong nakaraang buwan.

Si Dannah ay misis ng isang retired National Football League (NFL) player.

Read: Thief falls asleep during robbery thanks to cool aircon

Ang kakaibang karanasan ni Dannah, na ibinahagi nito sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang dahilan kaya headline siya ng mga balita sa mga U.S. publication tulad ng Newsweek at People.

Lahad niya sa kanyang post: “I was jet-lagged after traveling from Atlanta, Georgia, to the Philippines, then to Thailand.

“I took my ring off to shower, and without thinking, I put two magnesium pills and two hair vitamins in my hand with the ring.

“Without looking, I tossed everything into my mouth and washed it down with water. When I started choking on the pills and noticed my ring was missing, I knew something was wrong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bride and groom ask wedding guests to pay for the food; netizens react

DANNAH: "THERE WAS MY WEDDING RING!"

Hindi nagkamali ang suspetsa ni Dannah.

Sumailalim siya sa X-ray at makalipas ang dalawang araw, lumabas ang malinaw na malinaw na resulta na nalunok nga niya ang kanyang wedding ring.

“Two days later, I got an x-ray, and sure enough, there was my wedding ring!” sabi ni Dannah.

dannah mcmichael post
Screen grab of Dannah McMichael's Instagram Reel showing a wedding ring on her X-ray.
PHOTO/S: SCREEN GRAB FROM INSTAGRAM
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi makapaniwala si Dannah na mapagtutuunan ng pansin ng mga news organization ang kanyang pambihirang karanasan.

Read: Confessions of a recovering gambling addict

DANNAH THOUGHT SHE LOST THE RING

Kasalukuyang naririto sa Pilipinas si Dannah, at nagpaunlak siyang magpainterbyu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nangyari sa kanya.

Ang retired American National Football League player na si Randy McMichael ang asawa ni Dannah. Pitong taon na ang nakalilipas buhat nang magpakasal sila.

danah and randy mcmichael
Dannah with husband Randy McMichael, a retired American National Football League player
Photo/s: Courtesy of Dannah McMichael
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinuwento ni Dannah na nagalit si Randy nang malaman nitong nawawala ang kanilang wedding ring, na white gold na napapalibutan ng limang diyamante.

Dannah McMichael wedding ring
Dannah's wedding ring which she accidentally swallowed.
Photo/s: Courtesy of Dannah McMichael

“I was worried when I realized my ring was missing. I love my ring and my husband would’ve been furious.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My husband was furious at first because he thought I lost it at the massage salon.”

Nakumpirma ni Dannah na nalunok niya ang kanyang wedding ring nang lumabas ang resulta ng X-ray habang nasa Thailand sila ng kanyang pamilya.

Aniya, "I swallowed it Sunday, May 26, and got my X-ray, May 28, in Thailand.

“I learned that I should always pay attention to what I put in my mouth.”

Ibinahagi ni Dannah sa Cabinet Files ang kopya ng resulta ng X-ray, pati na ang litratong suot na niya ang wedding ring matapos itong lumabas mula sa kanyang katawan.

Read: Story about dad bringing late son’s girlfriend to prom goes viral anew

dannah mcmichael wearing her wedding ring
Dannah McMichael wearing the wedding ring that she accidentally swallowed, after it came out from her body.
Photo/s: Courtesy of Dannah McMichael
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHO IS DANNAH MCMICHAEL?

Isinilang si Dannah sa Pilipinas.

Lumaki siya sa Mandaluyong City at nag-aral sa St. Paul’s College, Makati City.

Nag-migrate ang kanilang pamilya sa Amerika noong siyam na taon ang edad niya.

“Mahal na mahal ko ang Pilipinas,” pahayag ni Dannah sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP ngayong Miyerkules ng hapon, Hunyo 12, 2024.

“My dad and siblings from my dad’s side all live in here. I also have a lot of family here. I have about 30 plus first cousins.

"I also want my two sons to be familiar with the Filipino culture."

Ang pagmamahal ni Dannah sa bayang sinilangan ang dahilan kaya madalas na nagbabakasyon sila sa Pilipinas ng kanyang asawa at mga anak.

Makikita rin sa kanyang mga post ang mga larawan ng pagbabakasyon nila sa Pilipinas ng kanyang pamilya, at ang Palawan ang isa sa kanilang mga lugar na paboritong puntahan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dannah McMichael on accidentally swallowing her wedding ring: “I was worried when I realized my ring was missing. I love my ring and my husband would’ve been furious. My husband was furious at first because he thought I lost it at the massage salon.”
PHOTO/S: Courtesy of Dannah McMichael
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results