Sa sobrang sarap ng kanyang tulog, isang magnanakaw ang natiklo ng mga pulis sa loob mismo ng nilooban nitong bahay.
Nangyari ang insidente sa Lucknow, isang magandang village sa Uttar Pradesh sa India, noong madaling araw ng Linggo, June 2, 2024.
Iniulat ng mga pulis na nahimbing ang tulog ng magnanakaw matapos buksan ang air-conditioning unit ng bahay.
Nadiskubre ring lasing ang salarin, ayon sa ulat ng India Today.
Nagkataon kasing ang may-ari, si Dr. Sunil Pandey, ay wala sa bahay dahil nakadestino sa Varanasi, isang bayan na malapit sa Uttar Pradesh.

Read: Giant python eats woman in Indonesia; 5th case since 2017
THIEF BREAKS INSIDE THE HOUSE
Sa ulat ng The Econonic Times, ang lasing na suspek, na dumaan sa front gate, ay nagtangkang tangayin ang pera, water pump, washbasin, at gas cylinder.
Noong nakita nito ang aircon, binuksan niya ito, kumuha ng unan, at humiga sa sahig. Nakatulog ito sa lamig at sobrang kalasingan.
Napansin naman ng mga kapitbahay ni Dr. Pandey na nakabukas ang gate ng bahay nito kaya tinawagan nila ang doktor.
Agad tumawag ang doktor ng mga pulis para puntahan ang kanyang bahay.
Nadatnan ng mga pulis ang suspek na mahimbing na natutulog sa sahig na hawak-hawak pa ang cellphone nito.
Nakunan siya ng picture, at naipost ito sa social media.
Read: Father sucker punches comedian for bad joke about his baby
Narito ang kuwento ni Deputy Commissioner of Police (DCP) North Zone R Vijay Shankar sa panayam niya sa India Today.
"He was heavily drunk because of which he fell asleep and could not wake up. It was reported by the neighbours, after which he was arrested."
Kinilala ang suspek bilang si Kapil, at sinampahan ito ng kasong theft.
