PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bride and groom ask wedding guests to pay for the food

Pay for the food...instead of bringing a gift.
by KC Cordero
Published Jun 7, 2024
Photo of the invitation
Isang netizen ang nag-post ng natanggap niyang wedding invitation, na may request mula bride and groom na ang guests ang magbabayad ng food sa reception.

Isang couple na ikinasal ang inulan ng batikos matapos nilang hilingin sa mga bisita na sila ang magbayad sa kakaining food sa reception.

Isa sa mga naimbita sa wedding ang nag-share ng invitation sa private Facebook group na That's it, I'm wedding shaming.

Nilagyan ito ng anonymous guest ng ganitong caption: “No, no, no, no, no, and no.”

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

Sa imbitasyon na may monochromatic blue design ay malinaw na nakalagay ang mga detalye ng seremonya, kabilang ang arrival time, address, at maging ang “smart casual” dress code.

Naglagay rin ang bride at ang groom ng note na nagsasabing huwag nang magbigay ng mga tradisyunal na regalo.

Sa halip, mag-ambag na lang para sa magagastos ng couple sa handa.

Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!

PRESYO NG FOOD, DEPENDE SA AGE

Ang bahagi ng note ng mga ikakasal na nakasaad sa imbitasyon: “In lieu of traditional gifts, we kindly request that you contribute towards the cost of our reception buffet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This will allow us to share a wonderful meal together and create lasting memories with our loved ones.”

Nakalagay rin kung magkano ang presyo ng pagkain depende sa edad.

Para sa adult na bisita, ang charge ay US$40 o PHP2,341.

Kung ang bisita naman ay bata pa at edad 12 pababa, ang charge ay US$20 o PHP1,170.50.

Photo of the invitation
Ang wedding invitation kung saan nakalagay ang mga detalyadong request ng couple sa kanilang mga bisita. Photo: That's it, I'm wedding shaming Facebook group
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Request pa ng couple: "To facilitate the planning process, we kindly ask that you include your contribution to the meals when you RSVP.

“This will help us provide accurate numbers to our venue and ensure a seamless experience for everyone."

Read: Wife upset about engagement ring gifted by husband

Nakalagay din sa imbitasyon na ang payment para sa food ay maaaring i-transfer nang direkta sa bank accounts ng mga ikakasal.

Nakasaad pa rito: “Kindly include your name and 'wedding buffet contribution' in the payment reference.”

Sinabi rin ng mga ikakasal na ang pagdalo ng mga imbitado sa kanilang kasal ang “most meaningful gift” na mahihiling nila sa mga ito.

Lubos din umano ang kanilang pasasalamat para sa pagmamahal at suporta ng mga imbitado sa pagtahak ng couple sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang magkabiyak ng puso.

Read: Couple exchange "I do" at the moment total eclipse happened

NETIZENS, MAY PABOR AT KONTRA

Dahil burado sa imbitasyon ang mahahalagang detalye, gaya ng pangalan ng couple, hindi malaman kung saan sila naka-base.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero ang kanilang request para sa mga bisita ay umani ng iba't ibang opinyon mula sa mga miyembro ng That's it, I'm wedding shaming Facebook group.

May mga nagtanggol sa couple at sinabing ang mga bisita naman ay posibleng gumastos din ng US$40 kung bibili pa ng regalo.

Malinaw rin umanong pahiwatig sa imbitasyon na ayaw naman ng couple ng regalo.

Ayon dito, “It's a reasonable amount, less than what most people would spend on a gift, and they were clear that they did not want gifts as well as the contribution."

Sabi ng isa pang nagkomento, “So it's a bargain."

May nagsabi ring hindi isyu sa kanya kung siya ang magbabayad ng kanyang food sa reception.

Sambit niya, “I have absolutely zero problem with this, and I think it's kind of weird that people expect a great meal and alcohol for free, but will also complain if the food and alcohol isn't good enough or if it's not an open bar.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Bride holding a money
Ang isang disimuladong paraan ng paghingi ng donasyon sa kasal ay sa pamamagitan ng well-worded message sa wedding invitation na mas preferred ng couple ang “no boxed gifts." Photo: Screenshot at Glamour

Argumento naman ng isang nagkomentong hindi pabor sa request ng couple, "If you can't afford a wedding, don't have a wedding.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May hindi makapaniwala na may mga nagtatanggol sa couple.

Ayon dito, “It's so tacky. It's not about the amount, it's about charging people to come to your wedding and to help pay for it. That's weird."

Kung kapos umano ang couple sa pera, dapat ay nagdaos na lang ang mga ito ng mas maliit at mas intimate na wedding.

Puwede ring ang hilingin ng couple sa mga bisita ay “no boxed gifts”—isang karaniwan at disimuladong paraan ng paghingi ng financial contributions na magagamit ng mag-asawa sa kanilang honeymoon o pagbiyahe pagkatapos ng kasal.

Ikaw, okay ba sa iyo ang request ng bride and groom?

Read: Mom resorts to desperate measures to stop son's wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang netizen ang nag-post ng natanggap niyang wedding invitation, na may request mula bride and groom na ang guests ang magbabayad ng food sa reception.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results