PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Blind dating cafe draws flak for favoring men in its set-up

Hindi siya technically blind date sa part ng guys.
by KC Cordero
Published Jun 4, 2024
Male and female patrons of Mina Dating Cafe talking to each other
Binatikos ng media at ng netizens ang Mina Dating Cafe sa Vietnam dahil nakikita ng mga lalaki ang mga babae kaya malaya ang mga ito na makapili kung sino ang gustong maka-date. Tanong ng netizens, bakit pa ito tinawag na blind dating?

Nabatikos sa social media ang Mina Dating Cafe, isang blind dating cafe sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ayon sa ulat ng iba’t ibang media outlets, naging viral ito noong June 1, 2024, dahil hindi tumutugma ang aktuwal na nangyayari sa claim ng advertisement nito.

Ang set-up: mayroong dalawang room na pinaghihiwalay ng glass window.

Madilim ang room para sa mga lalaki, pero malinaw nilang nakikita ang mga babae na nasa kabilang side.

Pabor ang blind dating sa mga kalalakihan.

Read: Fan with 18 Madonna tattoos earns world record

The girls inside their room
Kita ng mga lalaking naghahanap ng ka-date ang mga babae, pero hindi sila kita ng mga ito. Photo: Screenshot at THVN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Boyfriend ayaw ilibre ng food ang family ng girlfriend, tinawag na ungrateful

Malaya nilang naoobserbahan ang mga babae, kaya may batayan sila sa pagpili ng potential partner.

Samantala, ang mga babae naman ay parang nananalamin lang, at sarili nilang reflection ang nakikita habang kausap ang lalaki.

Kaya kung tutuusin, ang blind date part ay masasabing valid lang para sa mga babae dahil wala silang idea kung ano ang hitsura ng mga lalaki sa other room.

Read: Sexy girl na lapitin ng guys sa gym, pregnant pala

FEMALE SEARCHERS LIBRE SA CAFE PERO NABOBOSOHAN

Isang male TikTok user ang nag-post ng video ng kanyang naging experience sa Mina Dating Cafe.

Dahil doon, natuklasan din na bukod sa one-sided window, mababa ang upuan ng mga lalaki kumpara sa mga babae.

Dagdag na batikos ng netizens, nabobosohan ang mga babae kung maikli ang suot na damit ng mga ito.

Read: Burger bought in 1995 remains intact

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
The packages offered by Mina Dating Cafe
Libre ang mga babae sa packages ng Mina Dating Cafe. Photo: @minadatingcafe on TikTok

Read: “John Wick” spotted in Thailand

May mga male netizens naman na nagsabing unfair umano ang package na ino-offer ng Mina Dating Cafe dahil ang mga lalaki lang ang dapat magbayad, samantalang libre ang food and drinks ng mga babae.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Batang mas mahilig sa books kaysa smartphone

DATING CAFE HINDI ISASARA PERO HUMINA ANG KITA

May paliwanag ang may-ari na nakilala lang sa pangalang Lina tungkol sa set-up.

Aniya, ginagawa nitong mas proactive ang mga kalalakihan sa pagpili ng magiging ka-date.

Katwiran pa ni Lina, “It’s up to women to agree or not.”

Nang matanong naman kung bakit offline sa kasalukuyan ang social media pages ng Mina Dating Cafe, inamin ni Lina na dahil iyon sa mga negative feedback na natatanggap ng cafe.

Pero wala umano siyang plano na isara ang blind-dating cafe dahil wala naman itong illegal na ginagawa,

Read: Old coins from Medieval Ages discovered

Police officer observing patrons of Mina Dating Cafe
Naging subject ng police investigation ang Mina Dating Cafe matapos lumutang ang kontrobersya. Photo: Screenshot at THVN
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paintings of 2-year-old artist sell for PHP400K

Nang usisain kung alam ng mga babae ang tungkol sa one-sided mirror na naghihiwalay sa room ng mga ito sa mga kalalakihan, sinabi ni Lina na ginagawa ng kanyang staff ang lahat para ipaliwanag ang set-up sa mga customers.

Pero mismong ang mga babae umano ang nakakalimot sa konsepto, at madalas ay hindi pala nauunawaan ang sitwasyon dahil sa excitement na hatid ng blind dating experience.

Aminado naman si Lina apektado ng controversy ang kita ng Mina Dating Cafe dahil sa batikos ng netizens at sa pagtutok dito ng media.

Paminsan-minsan din ay may mga bumibisitang pulis doon para mag-imbestiga.

Read: Confessions of a recovering gambling addict

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binatikos ng media at ng netizens ang Mina Dating Cafe sa Vietnam dahil nakikita ng mga lalaki ang mga babae kaya malaya ang mga ito na makapili kung sino ang gustong maka-date. Tanong ng netizens, bakit pa ito tinawag na blind dating?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results