Taong 1995, ang magkaibigang sina Casey Dean at Eduard Nits, na parehong edad 14 noon, ay pumasok sa branch ng McDonald's sa Anzac Parade sa Adelaide, Australia.
Bumili sila ng napakaraming burgers at nagpakasasa.
Noong mga bata pa kasi sila, hindi sila masyadong pinapakain ng kanilang parents ng mga pagkain sa McDonald's.
Kaya noong time na malalaki na sila, sinagad naman nila ang pag-order ng paborito nilang burger—ang Quarter Pounder with cheese.

Nang ma-realize naman nina Casey at Eduard na naparami masyado ang kanilang na-order, nagtira sila ng isang burger para sa kanilang kaibigan na bibisita sa kanila, pero hindi naman ito dumating.
Iniuwi na lang ni Casey sa bahay ang natirang burger.
Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs
BURGER ININGATAN AT HINDI KINAIN
Eventually, napagdesisyunan nina Casey at Eduard na ingatan na lang iyon at tingnan kung ano ang mangyayari paglipas ng panahon.
Tinawag nila itong “mate.”
Pagbabahagi ni Casey sa artikulong lumabas sa LAD Bible, isang Australian news site, last May 27, 2024, “However, Eduard then moved to Latvia, and we did the official handing over ceremony at my place.”
Mula noon, siya na ang nag-ingat sa burger.

Inilagay niya ang quarter pounder sa cardboard and timber box, at iniwan sa kanyang shed kung saan napakainit ng temperatura kapag summer.
Tinabunan din niya iyon ng kanyang mga damit.
Marami rin aniyang daga sa loob ng shed, pero nakapagtatakang kahit nagawang ngatngatin ng mga ito ang packaging ng burger, hindi kinagatan man lang ang mismong Quarter Pounder.
Read: Babae, nag-order sa fast-food drive-thru sakay ng kabayo
AFTER ALMOST 30 YEARS, BUO PA RIN ANG BURGER
Ngayon ay 39 years old na si Casey, at 38 naman si Eduard.
At makalipas ang halos 30 taon, buo pa rin ang quarter pounder.
Tinawag nila itong “McFossil.”
Wala itong amag, at hindi rin nagkaroon ng mabahong amoy.
Bahagya nga lang itong lumiit kumpara sa orihinal na sukat nito.
Noong 2020 ay gumawa pa sina Casey at Eduard ng Facebook page na tinawag nilang “Can This 20-Year-Old Burger Get More Likes Than Kanye West?” para ipakita ang estado ng burger ngayong magtatatlong dekada na ito.

Pagkatapos ay nakapanayam ang dalawa ng isang TV station tungkol sa burger, na naging viral din sa social media.
Paglalarawan nina Casey at Eduard sa burger, buo pa rin ito at kasingtigas halos ng bato.
Nang tanungin kung ano ang nasa isip niya tungkol sa burger, ani Casey, “Honestly, astonished! All jokes aside, it's crazy.
“It still looks like a couple weeks old.”
Pagtatapat pa niya, hindi gaya noong teenager pa siya, sa ngayon ay hindi na siya fan ng mga pagkain sa McDonald’s.
Uber driver siya ngayon, at inamin naman niya na sa kanyang pagmamaneho ay lagi siyang may baong kape na inorder sa naturang fast-food.
Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce
BAKIT NGA BA HINDI NASIRA ANG BURGER?
Ayon naman sa McDonald’s, may dahilan kung bakit tumagal ang iningatang Quarter Pounder nina Casey at Eduard.
Kapag nasa room temperature umano ito, dahil hindi nagkakaroon ng moisture, hindi rin nagkakaroon ng bacterial growth.
Nanatili itong tuyo, at kalaunan ay nanigas na kaya lalong walang tsansa na kapitan ito ng bacteria na sisira rito.

Patuloy pa ring iniingatan ni Casey ang Quarter Pounder.
Tinanggihan niya ang lahat ng offer mula sa mga collector na gustong magmay-ari nito.
Authentic kasi na talagang binili ito noong 1990s dahil sa waxy paper and cardboard packaging nito.
Read: Did Vice Ganda’s joke jeopardize Anne Curtis's endorsement deal? Netizens react
