Twice a month ay itini-treat ng Reddit user na si totallynotpornact ang kanyang girlfriend at ang pamilya nito sa isang Korean barbecue restaurant na pag-aari ng kanyang uncle.
Sabihin pa, bilang galanteng boyfriend ay siya ang nagbabayad hanggang sa huling sentimo ng kanilang kinakain sa naturang restaurant.
Read: Woman in Ethiopia has not tried food, water for 16 years

Pero sa kanyang Reddit post last March 4, 2024, nanghingi si totallynotpornact ng opinyon sa netizens kung mali ba siya kung hindi na niya ilibre ang pamilya ng kanyang dyowa?
Twenty-three years old na si totallynotpornact, isang Korean, at 22 naman ang kanyang girlfriend.
Hindi niya binanggit ang nationality nito.
Read: Nanny scammed by couple who left baby under her care
Ikinuwento niya kung bakit nagdesisyon siyang huwag nang ilibre ang pamilya ng kanyang dyowa.
Ito raw ay dahil nagkaroon sila ng isyu sa pagbibigay ng tip sa waitress.
Aniya sa kanyang post, dahil siya ang nagbabayad sa lahat nang kinakain nila, “I only asked them to cover the tip for the waitress, which they agreed to do so.
“The total bill was over US$240 [PHP13,899.96], and I paid.”
Dagdag pa ni totallynotpornact, “Usually, when I cover the tab for my friends or significant other, they generously tip, since they're only responsible for the gratuity, not the cost of the meal itself.”
Gayunpaman, may natuklasan siya sa pamilya ng kanyang girlfriend.
Naikuwento aniya ng kanyang mga pinsan—na anak ng uncle niya na may-ari ng restaurant—na ang ibinigay na tip ng pamilya ng girlfriend niya sa waitress ay US$1 o PHP57.92 lang.
Read: Childless marriage? Content creator defends her choice
PAMILYA NG GIRLFRIEND KURIPOT MAG-TIP
Na-shock umano si totallynotpornact at na-disappoint sa nalaman na super kuripot mag-tip ang pamilya ng kanyang girlfriend.
Paliwanag niya, “Because a US$1 tip is insultingly low, especially considering I had treated them to alcohol and dessert.”
Pinag-usapan umano nila ng kanyang girlfriend ang isyu.
Read: Senior male looks for “the one” via billboard

Pero nang banggitin iyon ng kanyang girlfriend sa pamilya nito, ang naging katwiran aniya ng mga ito ay hindi naman talaga ang mga ito nagbibigay ng tip kapag kumakain sa mga restaurant.
Kung magbigay man ang mga ito, hanggang US$1 lang talaga.
Dismayadong sambit ni totallynotpornact, “This is happening in the USA.”
Read: Frauenmond, the chocolate that eases menstrual cramps
Dahil dito, kinausap niya ang kanyang girlfriend.
Sinabi niyang ang nakagawian niyang panlilibre sa pamilya nito ay ititigil na niya.
Kung ilibre man niya ang mga ito sa ibang pagkakataon, depende na lang kung in good mood siya sa oras ng bayaran.
Nairita ang kanyang girlfriend, pero naunawaan naman siya nito.
Batay sa Table Agent, sa US ay nasa 15 percent ng naging order ang appropriate amount ng tip na dapat ibigay sa service crew.
Read: Judge officiates wedding of criminal soon after sentencing
PAMILYA NG GIRLFRIEND NAPIKON
Kaya nang minsang magkayayaan uli silang kumain sa labas at tinanong si totallynotpornact ng pamilya ng kanyang girlfriend kung manlilibre uli siya, “I responded that they'll need to cover their own expenses for their meal.”
Ayaw niyang komprontahin ang mga ito tungkol sa maliit na tip na ibinibigay.
Ang sabi na lang niya kung bakit kanya-kanyang bayad na muna sila ay dahil siya naman ngayon ang magbibigay ng tip sa waitress.
Hindi umano nagustuhan ng mga ito ang kanyang sinabi.
Ani totallynotpornact, “They accused me of being ungrateful, arguing that they were the ones taking time to meet up with me bi-weekly and that asking them to tip was unreasonable in the beginning.”
Ang ikinagulat pa niya, “They also suggested that since my family is wealthy, it's only fair that I continue paying for their meals.”
Kinampihan naman siya ng kanyang girlfriend.
“She knew her family had this issue. She just didn't have the courage to inform them about it.”
Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house
NETIZENS PUMABOR KAY BOYFRIEND
Sa tanong ni totallynotpornact kung mali siya na hindi na bayaran ang food ng pamilya ng kanyang girlfriend kapag lumalabas sila dahil sa US$1 tip ng mga ito sa waitress, may mga nagkomento na tama lang naman iyon.
Hindi dahil sa mababang tip, kundi dahil hindi naman niya obligasyon na laging ilibre ang mga ito.
Anang isang nagkomento, “You don’t owe these people anything. They are trying to take advantage of you. Stop letting them try.”
Susog naman ng isa pa, “Every other week, you take them out to dinner and pay for their meals—and they have the nerve to call you ‘ungrateful?’”
May mga nagsabi naman na nagbibigay lang sila ng tip dahil sa “social pressure” at hindi dahil nagustuhan nila ang service sa lugar na kinainan.
Ang social pressure ay ang impluwensya na nararamdaman ng isang tao mula sa iba na nasa kanilang social circle na kumilos, mag-isip o kumilos sa isang tiyak na paraan.
Halimbawa nga nito, sa sirkulo ni totallynotpornact ay nakasanayan nila na magbigay ng malaking tip kapag kumakain sa restaurant.
Read: Influencer without belly button earns PHP2M per month
Sa Pilipinas, bihira na ang nagbibigay ng tip mula nang magkaroon ng value added tax (VAT) ang mga ino-order na food.
Katwiran ng mga Pinoy, may buwis na nga—na ang laki—bakit pa magti-tip?
Although, meron pa rin namang mga galante na nagbibigay ng tip hanggang ngayon.
Anyway, sa ibinigay na update ni totallynotpornact, hindi naman nakipag-break sa kanya ang kanyang girlfriend.
Pero galit na galit umano ang mga kapamilya nito sa kanya—at ayaw na siyang kausapin.
Nagbitaw rin ang mga ito ng racist remarks laban sa kanya gaya ng: “Is this how Koreans do their business?”
Pinipilit din aniya ng mga ito ang kanyang girlfriend na makipaghiwalay na sa kanya at i-ditch siya bilang boyfriend—pero pinaninindigan nito ang pagmamahal sa kanya.
Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!
