PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

Hindi pa alam ang dahilan.
by KC Cordero
Published May 24, 2024
Photo of Omar bin Omran when went missing, and when finally found
Sa loob ng 28 taon, walang nag-akala na ang nawawalang si Omar bin Omran ay kinidnap ng kapitbahay at itinatago lang sa loob ng bahay nito.

Si Omar bin Omran ay bigla na lang nawala at hindi umuwi sa kanilang tahanan sa Djelfa, Algeria noong 1990s.

Seventeen years old pa lang siya noon, at kasagsagan ng civil war sa naturang North African country.

Ang buong akala ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay nakasama si Omar sa tinatayang 200,000 kataong namatay at 20,000 na na-kidnap sa nangyaring conflict.

Photo of Omar bin Omran then
Ang lumang larawan ni Omar bin Omran nang mawala siya noong 1990s.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil hindi na siya makita, tumigil na ang mga awtoridad sa paghahanap sa kanya.

Gayunpaman, nanatili ang kanyang ina sa matiyagang paghahanap sa kanya.

Ramdam umano ng matandang babae na buhay pa ang anak.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang ina ni Omar noong 2013 na hindi man lang nakita ang nawawalang anak.

Bago ito pumanaw, mahigpit ang bilin nito sa walo pang anak na huwag titigil sa paghahanap sa kanilang kapatid.

Read: Queen Maxima of the Netherlands drops by sari-sari store

OMAR BIN OMRAN NASA BAHAY LANG PALA NG ISANG KAPITBAHAY

Noong May 12, 2024, nagulat ang mga kapamilya ni Omar nang isang kapitbahay nila ang nag-post sa social media na buhay pa siya.

Ayon sa nag-post, sangkot ang kapatid nito sa pag-kidnap kay Omar.

Napag-alaman ding itinatago si Omar ng kapatid ng kapitbahay nila sa bahay nito na halos 200 metro lang ang layo mula sa mismong bahay nina Omar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad na nagsumbong ang pamilya ni Omar sa mga awtoridad, na agad ding nilusob ang bahay na tinukoy sa post.

Read: Influencer without belly button earns PHP2M per month

Sa video footage na ibinahagi sa social media at Algerian television networks, makikita ang mismong sandali nang makita si Omar sa isang tila hukay sa lupa.

May pinto iyon na natatabunan ng mga tuyong dayami.

Ayon sa mga awtoridad, isa iyong sheep pen na nasa loob ng bahay ng dumukot kay Omar.

Mahaba ang balbas ni Omar nang ma-rescue ng mga awtoridad.

Photo of Omar bin Omran now
Si Omar bin Omran nang masagip ng mga awtoridad noong May 12, 2024.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Halatang takang-taka siya sa nangyayari habang umaahon sa sheep pen.

Kinumpirma ng mga doktor na tumingin sa kanya na hindi maganda ang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Iniulat naman ng Public Prosecutor's Office na agad siyang isasailalim sa medical and psychological treatment bago simulan ang imbestigasyon kung bakit siya dinukot ng kanyang kapitbahay.

Read: Couple holds snowy wedding, and it's breathtaking!

CAPTOR ISINUPLONG NG KAPATID DAHIL SA AWAY SA MANA

Hindi pa pinapangalanan ang captor ni Omar na nakilala lang sa initials na BA, pero napag-alamang 61 years old na ito.

Nang isagawa ang raid ay tinangka pa nitong tumakas, ngunit hindi nakalusot sa mga awtoridad.

Nasa kustodiya na ito ng mga pulis.

Pero bakit binuking sa social media ng kapatid ang captor?

May away pala ang magkapatid tungkol sa kanilang mamanahin.

Dahil hindi sila magkasundo, nagpasya ang isa na ibunyag ang lihim ng kapatid na sa loob ng 30 taon ay matagumpay na naitago ang ginawang krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: European kid learns Tagalog by watching La Luna Sangre

OMAR BIN OMRAN GINAYUMA NG KANYANG CAPTOR

Ibinahagi ng iba pang mga kapitbahay ni Omar sa El Khabar, isang Algerian news outlet, na ang captor ng biktima na si BA ay hindi nakikisalamuha sa kanila.

Hindi rin ito nagpapapasok ng kahit sino sa property nito.

Empleyado ito ng gobyerno.

Kakatwa anila, pero kapag bumibili ito ng pagkain sa mga tindahan sa labas ay laging pandalawang tao ang ino-order nito gayung nag-iisa naman ito sa buhay.

Read: Guy arrested for giving low rating to Italian restaurant?

Ibinahagi rin ng isang kapitbahay na ang kidnaper ay naakusahan din noon na pumatay sa alagang aso ni Omar.

Madalas kasing nasa tapat ng bahay ng kidnaper ang aso ni Omar at walang tigil na tumatahol mula nang mawala ang amo.

Halos isang buwan na nasa tapat ng bahay ni BA ang aso ni Omar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang araw ay natagpuan itong walang buhay sa may pintuan ng bahay nina Omar, at napag-alamang nilason ang aso.

Ngayon nila napagtanto na kaya ito tumatahol sa tapat ng bahay ng kidnaper ay dahil naaamoy nito ang amo.

Read: Arnon Guinto of Tarlac, National Geographic Society awardee

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa naganap na kidnapping.

Sa inisyal na pahayag ni Omar, na ngayon ay 45 years old na, sinabi niya sa mga pulis na madalas niyang makita ang kanyang mga kapamilya kapag nagdaraan ang mga ito sa tapat ng bahay ng kumidnap sa kanya.

Pero wala umano siyang lakas ng loob na sumigaw.

Malaki rin aniya ang kanyang takot kay BA, na hinihinala niyang ginayuma siya.

Naglabas naman ng pahayag ang Algerian Ministry of Justice na papatawan ng pinakamabigat na parusa ang lalaking dumukot kay Omar.

Read: Thief disguised as blonde woman arrested

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob ng 28 taon, walang nag-akala na ang nawawalang si Omar bin Omran ay kinidnap ng kapitbahay at itinatago lang sa loob ng bahay nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results