Si Kirsty Stroud, na ipinanganak sa Folkestone, England, ay may gastroschisis.
Malala ang medical condition na ito dahil ang kanyang mga bituka at kidneys ay nasa labas ng kanyang tiyan at malapit sa belly button o pusod.

Nang manganak kasi ang kanyang ina ay kinailangang sumailalim ito sa Caesarian operation para mailabas ang premature baby na si Kirsty.
Na-save ng mga doktor ang buhay ni Kirsty at ng kanyang ina, pero kinailangan din siyang operahan para maipasok sa loob ng tiyan ang kanyang mga bituka at kidneys.
Dahil doon, nawala ang kanyang pusod, at sa halip ay nagkaroon siya ng malaking peklat sa kanyang tiyan.
Read: Meet Richard Norris: First full-face transplant recipient
BULLIED FOR NOT HAVING BELLY BUTTON
Habang lumalaki, tinawag si Kristy na "freak" dahil wala siyang pusod.
Sa sobrang hiya, noong magdalaga na siya ay hindi siya nagsuot ng bikini o nagtatanggal ng pang-itaas kapag mayroon siyang gym class para walang makapansin na wala siyang pusod.
Ani Kirsty sa Caters News Agency noong May 20, 2024, "As a girl during secondary school, I was always the girl who wouldn’t wear a bikini or take my top off in the gym when we had PE so no one saw my stomach.”
Pagbabalik-tanaw pa niya, hiyang-hiya raw siya noon dahil sa kanyang peklat.
Nasabihan pa nga siya ng isang kalaro na sana ay ginandahan man lang ng doktor na nag-opera ang pagtatahi sa kanyang tiyan.
Read: Russian guy arrested for his hair color
GETS INTO PHYSICAL FITNESS
Tanggap naman ni Kirsty na hindi na niya kayang baguhin ang nangyari, kaya imbes na magpadaig sa mga pangungutya, naglaan siya ng time and energy sa physical fitness.
Pagsapit niya sa edad na 25, sumali siya CrossFit.
Dito ay natuto siyang umakyat gamit ang lubid nang mas mabilis.
Nag-improve din ang kanyang swimming ability.
At dahil inaabot ng apat hanggang limang oras ang kanyang training, kinailangan niya ng mas disiplinadong nutrisyon—na lalong nagpaganda sa kanyang built.

Nagsimula na rin siyang lumahok sa iba’t ibang fitness contests at nagwagi na sa Battle of Britain ng United Kingdom at sa CrossFit’s French Throwdown.
Read: Miss Buenos Aires 2024 won by Alejandra Marisa Rodriguez, 60
NOW EARNING AS A SOCIAL-MEDIA INFLUENCER
Nagtatrabaho si Kirsty bilang delivery crew para sa isang grocery store nang lumaganap ang pandemya.
Dahil may mga pagkakataong wala siyang trabaho, nagdesisyon siyang gawing puhunan ang kanyang kakaibang anyo para mas kumita ng pera.

Gumawa siya ng OnlyFans account, kung saan ipinapakita niya ang maskuladong pangangatawan at tiyan na walang pusod sa mga miyembro ng platform na handang magbayad sa kanya ng cash.
Naging popular si Kirsty sa naturang platform.
Dumating sa punto na kumikita siya ng halos US$40,000 kada buwan o PHP2,325,620.
Bukod pa rito ang iba pa niyang kinikita sa iba pang social-media platforms bilang fitness influencer.
Mayroon siyang mahigit 150K followers sa Instagram.
Mula noon, huminto na siya sa kanyang trabaho sa grocery store.
Read: Girl diagnosed with “love brain” calls boyfriend 100X daily
SHE'S OKAY WITHOUT A BELLY BUTTON
Sa kabila naman ng kanyang tagumpay, hindi pa rin makaiwas si Kirsty sa panlalait ng ibang tao.
Hindi na siya apektado ng mga panunukso na wala siyang pusod, pero naba-bash din siyang mukha raw lalaki.
Noong 2023, nagkaroon siya ng hindi magandang karansan sa isang podcast guesting. Aniya, “I just got trolled so badly, the comments were horrible.”
Pero ang positibong nangyari: natriple ang kinita niya.
Dahil umano sa panlalait sa kanya, maraming nakikinig sa podcast ang nagbayad para lang masilip ang kanyang OnlyFans page.
Dahil na rin sa kanyang pagsikat sa online, tumaas ang kumpiyansa ni Kirsty sa sarili at sa kanyang katawan.
Tanggap na raw niya ang katotohanang wala siyang pusod, at ayaw na rin niyang magpa-plastic surgery para lang magkaroon niyon.
Katwiran ni Kirsty, “I think not having a belly button makes me really sad.
“I see all these girls in the industry that I have met who have bits and bobs but don’t love their bodies.”
Thirty-five years old na ngayon si Kirsty. Payo niya sa mga taong may flaw rin sa katawan, “You’ve got to learn to love your body and find a way to do that.”
