Sa loob ng 16 years, hindi na uminom o kumain ng kahit na ano si Muluwork Ambaw ng Ethiopia.
Ito ang kanyang claim.
Sa YouTube video na ini-upload ng American vlogger na si Drew Binsky last March 31, 2024, sinabi sa kanya ni Muluwork na 10 years old siya nung bigla na lang nawalan ng ganang kumain at uminom.
Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Pero kahit naman walang pumapasok na sustansiya sa katawan, maayos ang kalusugan ni Muluwork.
Malakas ito at nagagampanan ang pang-araw-araw niyang gawain, tulad ng pagluluto.
Sa edad na 26, siya ay married at may isang anak na babae.
Read: Diabetic at sakitin na lolo ayaw ng tubig; softdrinks lang ang iniinom sa loob ng 50 years
MULUWORK INOBSERBAHAN NG VLOGGER KUNG TOTOONG HINDI UMIINOM AT KUMAKAIN
Sumailalim si Muluwork sa iba’t ibang medical tests sa Ethiopia.
Pero ayon sa findings ng mga doktor sa isang ospital sa Addis Ababa, kung saan siya sinuri, wala raw talagang laman na kahit na ano ang kanyang mga bituka.
Naging viral ang kakaibang kaso ni Muluwork mula nang bisitahin siya ng vlogger na si Drew at i-upload ang kanyang video.

Ayon kay Drew, “This story is crazy.
“I traveled to a rural village in Ethiopia to track down a woman, named Muluwork, who claims to have not eaten in 16 years.
“Not a single piece of food or a sip or water.”
Dagdag pa niya, “And on top of that, she doesn’t use the bathroom!”
Na-witness daw mismo ni Drew na hindi umiinom at kumakain si Muluwork.
“After spending a few days observing her fascinating life and interviewing dozens of her neighbors, friends, and family members, I must admit that her story is pretty convincing.”
Read: 70-year-old Man Holds World Record For Eating 34k+ Big Macs
MULUWORK SINURI RIN NG MGA DOKTOR SA DUBAI
Hindi naman ito ang unang pagkakataong lumikha ng ingay si Muluwork.
Noong 2016, naging laman din siya ng mga balita sa Ethiopia sa parehong rason.
Dinarayo ng mga mamamahayag ang kanilang maliit na village para lang gawan siya ng dokumentaryo.

Ayon naman kay Muluwork, natatandaan pa niya ang huling pagkakataong nakatikim siya ng pagkain: isang typical Ethiopian dish na may red lentils stew with injera.
Noong una ay nagsisinungaling pa siya sa mga magulang kapag tinatanong kung kumain na.
Bago pumasok sa school, sinasabi niyang nag-almusal na siya kahit ang totoo ay hindi pa.
Kalaunan, ipinagtapat na rin niya ang sitwasyon.
Read: Lalaking nagsubo ng bumbilya, hindi na mailuwa
At dahil nga wala siyang food intake, hindi nakakaramdam si Muluwork ng pagbabawas.
Gumagamit lang siya ng banyo kapag maliligo.
Noong 2021, ibinalita ng Borkena, isang news blog sa Ethiopia, na nakaabot sa Prime Minister ang kondisyon ni Muluwork kaya ipinasuri siya sa mga doktor sa Dubai.
Read: 81-year-old lolo, walang tulog simula 1973
Sa panayam ni Drew, sinabi ni Muluwork na ganun ulit ang findings: walang nakitang mali ang mga doktor na sumuri sa kanya.
At kung iyon daw ang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos, maluwag sa loob niya itong tatanggapin.
"MAYBE SHE IS INDEED A SUPERWOMAN”
Para naman kay Drew, sa loob ng dalawang araw na inobserbahan niya si Muluwork, hindi talaga ito uminom at kumain.
Mula naman sa kuwento ng mga kapitbahay na nakakasaksi sa pang-araw-araw nitong buhay, wala raw ebidensiya para makontra ang claims ni Muluwork.
Sambit pa ng vlogger, “Maybe she is indeed a superwoman.”
Hati naman ang opinyon ng netizens sa kuwento ni Muluwork.
May mga naniniwala, mayroong hindi.
Pero ayon sa isang nagkomento, may katulad na kaso si Muluwork sa India, kung saan isang lalaki raw ay isang dekada nang hindi kumakain.
Dinala umano ito sa isang ospital sa Germany at inobserbahan sa loob ng mahabang panahon.
Walang nakitang mali sa lalaki ang mga doktor kaya itinigil na lang ang pag-oobserba.
Ayon pa sa nagkomento, “We need to accept somethings are beyond our understanding or imagination.”
Read: Motorista, sinunod ang GPS at sinuong ang tulay na kahoy, muntik nang mahulog!
