PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nanny scammed by couple who left baby under her care

Inutangan na nga si nanny, iniwan pa sa kanya ang baby.
by KC Cordero
Published May 13, 2024
Photo of the nanny taking care of the baby
Pinautang ng nanny ang couple dahil aasikasuhin umano ng mga ito ang mamanahing mga ari-arian. Hindi na bumalik ang mga ito, kaya bukod sa hindi siya nakasuweldo at may utang ang mga ito sa kanya, naiwan din sa kanya ang baby.

Isang nanny na nakilala lang sa pangalang Miss Yu ang na-hire ng isang couple sa Harbin, Heilongjiang, China.

Ang kanyang aalagaan ay isang newborn baby boy.

Nagkasundo sila na ang magiging suweldo ni Miss Yu ay 7,000 yuan o PHP56,000 kada buwan.

Hindi na binanggit ang pangalan ng parents ng baby boy.

Photo of the baby while sleeping

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang kanilang deal, sinabi ng parents ng baby na kailangan nilang bumiyahe papuntang Tianjin dahil may matatanggap ang mga ito na malaking mana—kabilang ang iba’t ibang ari-arian at luxury goods.

Nakiusap din ang couple kay Miss Yu na tulungan ang mga ito at pautangin muna para may pambayad ang mga ito sa mga abogado at sa mga dokumentong kailangan nila para makuha ang mga mamanahin.

Read: Family receives wrong body after father dies on vacation

COUPLE LEAVES BABY WITH THE NANNY

Para matiyak na magbabayad ang couple, ipinakita pa ng mga ito kay Miss Yu ang mga larawan ng mga ari-arian na kanilang mamanahin.

Ipnakita rin nila ang mga papeles na nagsasabing nasa pangalan nila ang ilang hotel.

Higit sa lahat, iniwan din nila ang baby sa kandili ni Miss Yu habang nasa Tianjin ang couple para asikasuhin ang mga mamanahin.

Babalikan daw nila agad ang anak, babayaran ang utang sa nanny, at ibibigay din ang suweldo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa mga kasunduang inihain sa kanya, inisip ni Miss Yu na walang dahilan para magkaroon siya ng agam-agam—kaya pumayag siya sa hiling ng couple.

Pero ang masaklap, walang natupad na kahit ano sa kanilang mga napagkasunduan.

Read: Husband discovers wife is a male 12 days after wedding

NANNY SCAMMED BY COUPLE

Ayon kay Miss Yu, simula nang alagaan niya ang baby ng couple noong November 2023 ay wala pa siyang natatanggap na suweldo mula sa mga ito.

Hindi na rin nagpakita ang mga ito sa kanya.

Ang mas masaklap, pinautang pa pala niya ang mga ito ng 110,000 yuan o PHP877,000.

Ang ipinautang niya sa mga ito ay ang kanyang life savings, at perang inutang niya sa kapatid na lalaki.

Inakala kasi niyang magbabayad din agad ang mga ito kapag nakuha na ang mamanahing malaking kayamanan.

Himutok ni Miss Yu nang makapanayam ng local media, “I gave them all my savings, but since November last year, I have not received any salary.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“They owe me my salary and the money I borrowed from my brother.”

Ipinakita rin niya sa mga local journalists ang mga larawan ng mga mamahaling relo, kotse at iba pang luxury items na kasama diumano sa mga mamanahin ng parents ng baby na inaalagaan niya.

Read: Ancient “sex toy” found in England

NETIZENS THINK BABY IS NOT REALLY RELATED TO COUPLE

Ang insidente ay ibinalita ng South China Morning Post noong April 2024, at naging laman ng iba’t ibang media outlets sa China.

Sa ngayon, iniisip ni Miss Yu na na-scam talaga siya ng couple.

Posible aniyang pineke ng mga ito ang lahat para lang makumbinsi siya na mapahiram ng pera ang mga ito.

Sinabi rin niyang ni-research niya sa Internet ang tungkol sa isang hotel sa Harbin na supposedly ay kasama sa mamanahin ng couple, pero nakita niyang digitally edited iyon.

Ngayon din lang niya na-realize na sa simula pa lang ay dapat naging alerto na siya dahil hindi kapani-paniwala ang kuwento ng ina ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon dito, ang mana ay nagmula sa isang lalaking nakarelasyon nito 10 years ago.

Doon pa lang ani Miss Yu ay dapat nagduda na siya, pero hinayaan niya ang sarili na maloko ng couple.

Aniya, lagi niyang tinatawagan ang mag-asawa sa telepono at sa WeChat, pero parang bulang naglaho na ang mga ito.

Nakipag-ugnayan din siya sa hotel na pag-aari diumano ng mga ito, pero ayon sa nakausap niya ay hindi kilala ng mga totoong may-ari ang couple.

Read: Wife upset to discover engagement ring gifted by husband is bought with joint-account money

Tanggap na ni Miss Yu na na-scam siya ng couple.

Ang hindi lang niya maunawaan ay kung bakit hindi na binalikan ng mga ito ang baby.

Paano aniya nagawang abandonahin ng mag-asawa ang kanilang anak kapalit ng PHP877,000?

Wala siyang makapang sagot sa sariling katanungan.

Hindi naman kaya ng dibdib niya na abandonahin ang baby.

Hanggang ngayon, inaalagaan pa rin niya ito. Umaasa siyang babalik pa rin ang couple para bayaran siya at kunin ang bata para sila na ang mag-alaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula nang maging laman ng balita ang nangyari kay Miss Yu, pinayuhan siya ng netizens na ipagbigay-alam na sa pulisya ang insidente.

Duda rin ang netizens kung totoong anak ng couple ang baby, na baka ninakaw rin nila, kaya dapat makipag-ugnayan siya sa mga awtoridad.

Ang masaklap, tila hindi na maibabalik sa kanya ang perang inutang.

Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinautang ng nanny ang couple dahil aasikasuhin umano ng mga ito ang mamanahing mga ari-arian. Hindi na bumalik ang mga ito, kaya bukod sa hindi siya nakasuweldo at may utang ang mga ito sa kanya, naiwan din sa kanya ang baby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results