PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family receives wrong body after father dies on vacation

“Where is my father?”
by KC Cordero
Published May 11, 2024
Photo of Faraj's family
Walang makuhang impormasyon ang isang Canadian family sa kung nasaan ang bangkay ng kanilang amang si Farah Allah Jarjour (2nd from right), na namatay sa Cuba. Sa halip, katawan ng isang Russo ang kanilang natanggap. (Photo courtesy of Miriam Jarjour)

Pumanaw si Faraj Allah Jarjour ng Quebec, Canada, noong March 22, 2024, habang nagbabakasyon sa Varadero, Cuba.

Ipinadala ng Cuban authorities sa Canada ang kanyang mga labi.

Ang problema, ang naipadalang bangkay sa kanyang pamilya ay hindi si Faraj kundi ibang lalaki.

Nakatakda na sana ang funeral ni Faraj noong April 28, pero sa halip na magdalamhati, desperadong nakipag-ugnayan ang kanyang anak na si Miriam Jarjour sa mga opisyal ng kanilang bansa para mahanap ang bangkay ng ama.

Naubos ang kanyang oras sa pagtatawag at pagpapadala ng emails.

At hanggang sumapit ang nakatakda sanang libing ng ama, ayon kay Miriam, wala siyang natanggap na kasagutan.

Pagbabahagi ni Miriam, naglalangoy sila ng kanyang 68-year-old na ama sa karagatan malapit sa Varadero, Cuba, habang nasa family vacation noong March 22 nang biglang atakihin sa puso si Faraj.

Photo of Faraj while on beach

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binawian ito ng buhay nang hindi na nadadala sa ospital.

At dahil wala ring medical facilities sa lugar, inilagay ang katawan ni Faraj sa isang beach chair at tinakpan ng kumot habang nakabilad sa matinding sikat ng araw.

Inabot pa ng walong oras bago dumating ang sasakyan na nagdala sa bangkay ni Faraj sa Havana.

Pagkatapos, hindi na naging malinaw kay Miriam kung ano ang nangyari sa bangkay ng ama.

Read: Cat’s eye dazzle plant sold online turns out to be fake

FAMILY, NAGULAT; CASKET NI FARAJ, LALAKING RUSSIAN ANG LAMAN

Ikinuwento rin ni Miriam na sinunod niya ang mga ipinag-utos sa kanya ng Canadian consulate.

Nagbayad siya ng US$7,300 (PHP419,472.60) para maiuwi ang bangkay ng ama sa Canada.

Gayunpaman, ang casket na nai-deliver sa kanilang pamilya ay naglalaman ng bangkay ng isang lalaking Russian.

Mas bata rin ito ng halos 20 taon kumpara kay Faraj.

Ang katawan ng bangkay ay puno ng mga tattoo, at makapal ang buhok nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Miriam, naipadala na sa Russia ang bangkay ng estranghero, pero siya at ang kanyang pamilya ay wala pa ring natatanggap na impormasyon sa kung nasaan ang katawan ni Faraj.

Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution

CANADIAN CONSULAR OFFICE, NAGHUGAS-KAMAY SA INSIDENTE

Kinontak ni Miriam ang mga opisyal ng consulado ng Canada sa Cuba at ipinagbigay-alam sa mga ito ang nangyaring pagkakamali sa bangkay ng ama.

Sinisi naman ng consulado ang kumpanya sa Vardadero na nakipag-coordinate para maiuwi ang mga labi ni Faraj.

Simula noon, lagi nang nag-e-email si Miriam sa iba pang opisyal ng Canada, at nakarating na rin ang kanyang panawagan sa Foreign Affairs Ministry.

Pero ang masaklap, ayon kay Miriam, wala siyang natatanggap na kasagutan.

Aniya, “I’m honestly destroyed. Where is my father?”

Hanggang ngayon aniya ay naghihintay ang kanyang pamilya ng development.

Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FAMILY NAGASTUSAN SA PAGHAHANAP SA MGA LABI NI FARAJ

Isinalarawan ni Miriam ang amang si Faraj bilang isang masigla at aktibong lalaki, at hindi umiinom ng alak o naninigarilyo.

Sa Syria ito ipinanganak, at nanirahan sa Canada.

Lagi rin aniyang nakangiti ang kanyang ama.

Nanghina naman ang katawan ng kanyang ina dahil hindi pa malaman kung ano na ang nangyari sa bangkay ng asawa.

Photo of Faraj's family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging silang magkakapatid ay wala na ring masilungan sa paghahanap ng kasagutan, mula na sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan, na lahat ay ayaw umako sa responsibilidad.

Nakagastos na rin ang kanilang pamilya ng US$18,248 (PHP1,048,566.58) para maiuwi ang bangkay ni Faraj.

Bukod pa rito ang US$10,950 (PHP629,208.90) para sa funeral services—na ipina-hold muna nila.

Na-refund naman ang ibinayad na US$7,300 (PHP419,472.60) para sana sa repatriation fee.

Ayon sa Global Affairs Canada, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Canadian consular officials sa Cuban authorities para maresolba ang isyu.

Pero ayaw nang umasa pa ni Miriam.

Mas gusto niyang ang Foreign Affairs minister mismo ang kumilos para i-pressure ang Cuban authorities.

Ito na lang aniya ang kanilang last resort.

Read: Design of train station in China, inspired by plum blossom or giant sanitary pad?

ESTADO NG TURISMO SA CUBA

Ang trahedya sa pamilya ni Miriam ay malinaw na naglalarawan ng mga pagkukulang ng Meliá Varadero Hotel kung saan nag-check in ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Miriam, ang hotel ay walang medical facilities kaya hinayaan na lang ang bangkay ng kanyang ama na nasa ilalim ng araw.

Photo of Faraj's body covered by blanket

Wala ring mga service vehicles kaya natagalan bago pa ito nadala sa Havana for certification.

Ang pagkawala naman ng bangkay ni Faraj ay indikasyon ng hindi magandang estado ng turismo sa Cuba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na ito nag-improve simula nang lumaganap ang COVID-19 pandemic.

Interestingly, ang mayorya ng mga turista sa Cuba ay sa Canada nagmumula.

Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Walang makuhang impormasyon ang isang Canadian family sa kung nasaan ang bangkay ng kanilang amang si Farah Allah Jarjour (2nd from right), na namatay sa Cuba. Sa halip, katawan ng isang Russo ang kanilang natanggap. (Photo courtesy of Miriam Jarjour)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results