Na-shock ang 26-year-old na lalaking Indonesian nang matuklasan na ang pinakasalan niya ay lalaki ring nagbalatkayo lang bilang isang babae.
Labindalawang araw pa lang silang kasal nang matuklasan niya ang shocking truth na ito.
Ang lalaking Indonesian ay nakilala lang sa pangalang AK.
Tinukoy naman ang kanyang naging misis na si Adinda Kanza Azzahra.
Hindi na binanggit ang edad ng babae.

Natuklasan ni AK ang lihim ni Adinda noong April 24, 2024.
Ipinagbigay-alam na rin niya ang insidente sa pulisya.
Ayon kay AK, nakilala niya si Adinda sa pamamagitan ng Internet.
Naging maganda ang daloy ng kanilang komunikasyon, at nagdesisyon silang magkita nang personal.
Read: Wife upset to discover engagement ring gifted by husband is bought with joint-account money
IT WAS LOVE AT FIRST SIGHT FOR INDONESIAN GUY
Aminado si AK na nabighani agad siya kay Adinda sa una pa lang nilang pagkikita.
Naulit ang kanilang eyeball nang ilang beses, at naglakas-loob na siyang yayain ang babae para sa isang proper date.
May mga napansin na umano siyang kakatwa at kakaiba kay Adinda, pero ni minsan ay hindi siya naghinala na isa pala itong lalaki.
Laging may takip ng belo ang mukha ni Adinda, ayon pa kay AK.
Pero hindi niya iyon binigyan ng pansin.
Sa palagay niya ay masyado lang itong mahiyain, kaya lalo siyang naintriga sa personalidad nito.
Hindi nagtagal, niyaya na niya itong magpakasal.
“She” said yes—pero may hininging kondisyon si Adinda.
Ayaw nitong iparehistro ang kanilang pagpapakasal.
Katwiran nito, kamamatay lang kasi ng ina nito.
Matagal na rin umanong wala sa eksena ang tatay nito, kaya wala rin daw maiimbitahang mga malalapit na kapamilya sa kanilang pag-iisang dibdib.
Bandang huli, nagdesisyon ang magkasintahan na lihim na magpakasal.
Read: Man steals identity of former co-worker for 35 years; co-worker ends up in jail, mental institution
WIFE ELUSIVE, HONEYMOON NOT CONSUMMATED
Isinagawa ang seremonya noong April 12, 2024 sa harap ng isang religious leader ng Wangunjaya Village, kung saan nakatira si AK.
Ang dowry ay itinakda lamang sa limang gramo ng ginto.
Gayunpaman, matapos ang kasal ay ayaw pa ring magtanggal ni Adinda ng takip sa mukha kahit si AK na lang ang kaharap nito.
Ayaw rin nitong makihalubilo sa pamilya at mga kaibigan ng mister sa village.
Ang higit na nagbigay ng siphayo kay AK, mula nang ikasal sila ni Adinda ay hindi pa sila nagkakaroon ng honeymoon.
Read: 80-year-old woman without child leaves fortune worth more than PHP300M to caretaker
ADINDA’S SECRET UNCOVERED
Naibahagi ni AK sa kanyang mga kapamilya ang malungkot niyang sitwasyon at ang malalamig na gabing kanyang nararanasan kahit bagong kasal sila ni Adinda.
Nagdesisyon ang mga ito na imbestigahan ang background ng kanyang misis.
At isa-isa nang nagsulputan ang mga nakakagulantang na katotohanan.
Nahanap ng pamilya ni AK ang tatay ni Adinda. Sinabi ng ama nito na hindi naman ito nawawala gaya ng claim ng anak.
Ito rin ang nagbunyag na isang lalaki si Adinda.

Hiyang-hiya rin ang ama ni Adinda nang malaman mula sa pamilya ni AK na nagpanggap na isang babae ang anak at pinaibig pa ang naging mister.
Pumayag din ang ama ni Adinda na isuplong ng pamilya ni AK sa pulisya ang ginawang panloloko ng anak nito.
Read: Husband ends 16-year marriage after learning sad truth: 4 kids are not his
ADINDA'S MOTIVE
Nang imbestigahan ng mga pulis, umamin si Adinda sa ginawang panloloko kay AK.
Sinabi niyang pera ang dahilan kaya niya nagawang magpanggap.
Tuwing hihingi siya kasi ng pera kay AK ay binibigyan siya nito.
Kung paanong nahulog sa patibong ni Adinda si AK, sinabi ng Naringgul Police Criminal Investigation Unit sa Indonesian journalists na mukhang babae kasi talaga ito kapag naka-make-up.
Makikita rin umano sa wedding photos nina Adinda at AK na mistula itong babae lalo na nang maayusan.
Maging ang boses umano nito ay maliit na para ring sa babae.
Nahaharap ngayon si Adinda—na ang tunay na pangalang panlalaki ay may initials na ESH—sa kasong paglabag sa Article 378 of the Criminal Code ng Indonesia.
Posible rin siyang makulong ng hanggang apat na taon.
Read: VIRAL: Guy wears T-shirt with QR code to find date at Ed Sheeran concert
CONSEQUENCE OF NOT REGISTERING THE WEDDING
Sa kawawang sitwasyon ngayon ni AK, hindi sana niya naranasan ito kung ang kasal nila ni Adinda ay official na ipinarehistro.
Ayon kay Ajah Suryana, head ng Religious Affairs Office ng Naringgul District, nalaman niya ang insidente sa mga pulis.
Kung sinunod umano ng groom ang mga patakaran na ipinapatupad ng Religious Affairs Office, makukumpirma ng mga awtoridad ang tunay na pagkakakilanlan nina AK at Adinda habang isinasagawa ang proseso ng kasal.
“Officially, their identity will of course be checked, especially their gender, and that authorities would check their identity card or birth certificate,” paliwanag pa ni Suryana.
Kaya pala umayaw si Adinda na iparehistro ang kanilang kasal, mabibisto kasi na isa siyang lalaki.
Read: Stolen iPhone worth PHP40K used as payment for meal worth less than PHP300
