PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wife upset about engagement ring gifted by husband

Lumalabas kasing nagbabayad din si wife sa regalong singsing.
by KC Cordero
Published May 9, 2024
Photo of a 2-karat lab grown diamond ring
Nauwi sa away ng mag-asawa ang pagreregalo ng husband sa kanyang wife ng wedding ring, na ngayon ang patuloy na hinuhulugan gamit ang pera mula sa kanilang joint account. Sabi ni wife, pag regalo, dapat ay hindi siya kahati sa pagbabayad.

Disappointed ang isang babae matapos niyang malaman na ang engagement ring na iniregalo sa kanya ng mister ay hinuhulug-hulugan gamit ang perang mula sa kanilang joint account.

Ibinahagi niya ang pagkadismaya sa social-media platform na Reddit last May 5, 2024.

Ang babae na nakilala sa username na Throwrapaidforring, 28, ay nagkuwento na three months pa lang silang kasal ng kanyang mister.

Nag-propose ang lalaki sa kanya isang buwang matapos naging sila.

Binigyan siya nito ng two-carat lab grown diamond engagement ring na nagkakahalaga ng US$8,000 o PHP459,224.

Ang hindi niya alam, hulugan pala ang singsing.

Natuklasan din niya na nagwi-withdraw ang kanyang mister sa kanilang joint account para mabayaran ang alahas.

Read: Wife believes psychic's claim of husband's affair; marriage ends in divorce

ENGAGEMENT RING PART OF WEDDING EXPENSES, SAYS HUSBAND

Pagbabahagi pa ni Throwrapaidforring, mula nang ikasal sila ay pinagsama na nila ang kanilang kinikita, at hati rin sila sa mga gastusin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halos pareho naman aniya ang laki ng kanilang suweldo.

Pero ang sentimyento ni Throwrapaidforring, “I was just taken aback and honestly put off by the fact he is making me pay for a GIFT he gave to me.”

Screenshot of the Reddit post

Nang sabihin umano niya sa mister ang kanyang argumento, naglabas din ito ng sariling saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He feels that ring is a wedding expense and it's only fair that I contribute towards it too, and that as a woman of this day I shouldn't hesitate to be an equal partner.”

Ang sinabi ng kanyang mister ang nag-trigger sa kanya para ibahagi sa social media ang kanyang totoong nararamdaman.

Read: Senior male looks for "the one" via billboard; she must be into karaoke

PURCHASE OF RING SHOULD HAVE MUTUAL CONSENT

Paliwanag ni Throwrapaidforring, ang regalo ay hindi dapat bayaran.

Dagdag pa niya, “An engagement ring is considered a gift in most modern societies even today, and I don't care if you disagree with that.

“It's just what the cultural expectations are, and we never discussed if he had any issues with that.”

Sinabi rin niyang “unintentionally” ay nakapagbayad na siya ng dalawang installments kaya lumalabas na part-owner na rin siya ng singsing.

At kung alam lang umano niya na ganito pala ang magiging payment scheme sa iniregalo sa kanyang engagement ring, hindi ito pumayag na bilhin iyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, mahalaga ang mutual consent kung ang mag-asawa ay nagpaplanong mag-invest sa isang asset.

Pagbibigay-halimbawa ni Throwrapaidforring, kung bibili sila ng bahay o kotse, dalawa dapat silang mag-a-agree—at siguradong papayag siya.

Pero kung pinag-usapan nila ang pagbili ng singsing na pareho silang magbabayad para iregalo sa kanya, isang matunog na hindi ang kanyang isasagot.

“So, I can retroactively decide now I never wanted to own it and have been demanding that my husband returns the ring to the store if paying for the ring hurts his pocket so much."

Read: Woman kidnaps 11-year-old girl to be her son’s future wife

WIFE ACCUSED BY HUSBAND OF BEING SEXIST

Gusto rin naman niya ng magandang singsing na sisimbolo sa kanilang pagmamahalan.

At alam daw ito ng kanyang mister kahit noong hindi pa sila kasal.

Pero wala sanang issue ngayon kung kinausap muna ni mister si misis bago binili ang singsing.

Ayon pa kay Throwrapaidforring, dahil sa pagmamarakulyo niya sa singsing, sinabihan siya ng mister na masyado siyang sexist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Silhouette of a couple having an argument

Ayon pa sa mister, ayaw lang daw magregalo rin si misis sa kanya kaya ganun ang reaction ni Throwrapaidforring.

Pero depensa ni misis, “I put my foot down not because I can't afford it or I refuse to financially contribute or give my husband a nice gift, but my husband's sheer stubbornness and tackiness about wanting me to pay is what pisses me off.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I don't mind splurging for him, but this whole situation has left a very bad taste in my mouth.”

Pero nagmamatigas si mister.

Gusto raw nitong humingi si Throwrapaidforring ng tawad sa kanya dahil sa mga nasabi niyang "cheap" ang kanyang naging aksiyon, parang "scam" ang desisyonng bumili ng sising, at naging "in bad faith" tuloy ang nangyari.

Read: Lady outsmarts male scammer tricking her into believing her husband is gay

NETIZENS REACT

Mula nang ibahagi ni Throwrapaidforring sa Reddit ang kanyang predikamento, umani na iyon ng halos 3,000 comments.

Ayon sa isang nagkomento, bakit kailangang bumili ng mister ng engagement ring na napakamahal gayung hindi naman sila mayaman? Mali umano na bagong kasal pa lang ang dalawa ay may binabayaran agad na utang.

Obserbasyon naman ng isa, mukhang kulang sa pagmamahal sa isa’t isa sina Throwrapaidforring at ang kanyang mister, at hindi dapat nagpakasal agad.

Hindi rin umano magandang indikasyon na sa simula pa lang ng kanilang marriage ay may issue na agad dahil sa pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala ng isang Reddit user kay Throwrapaidforring, “If paying for something out of your joint account means you're paying for it indirectly, and that makes it not a gift, then neither of you can ever give each other gifts again.”

Sambit pa nito, magkasama na ang gastusin ng mag-asawa. Kung ano ang kay Throwrapaidforring, sa kanyang mister na rin iyon.

Biro naman ng isa para maresolba ang problema—isoli ang singsing—at isoli na rin ni Throwrapaidforring ang kanyang mister.

Read: Wife's post about husband who ghosted her goes viral; gets so much information in 14 hours

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nauwi sa away ng mag-asawa ang pagreregalo ng husband sa kanyang wife ng wedding ring, na ngayon ang patuloy na hinuhulugan gamit ang pera mula sa kanilang joint account. Sabi ni wife, pag regalo, dapat ay hindi siya kahati sa pagbabayad.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results