Nakilala ng isang babae sa China na tinawag lang sa pangalang Yang ang isang 11-year-old girl noong February 13, 2023.
Bumisita noon si Yang sa isang village sa Liupanshui City na nasa southwestern province ng Guizhou.
Read: Man steals identity of co-worker for 35 years; co-worker suffers
Hindi na pinangalanan ang batang babae.
Pero para kay Yang, siya ang napili niyang perfect wife para sa anak na lalaki na noon ay 27 years old na.
Sinabi ni Yang sa parents ng batang babae kung puwede niya itong isama pag-uwi niya sa Qujing City, Yunnan province, na halos tatlong oras ang layo sa Liupanshui City.
Tumanggi ang ama ng batang babae.
Gayunpaman, isang maitim na balak ang nabuo sa isip ni Yang—ang kidnapin ang batang babae katulong ang kanyang anak.
Read: Eye-catching cat’s eye dazzle plant turns out to be fake
WOMAN KIDNAPS THE 11-YEAR-OLD GIRL
Noong February 14, 2023, nagbalik si Yang at ang kanyang anak sa lugar kung saan niya nakita ang batang babae.
Nang matiyak nilang wala itong kasama sa bahay, pinasok nila ito at tinangay.
Dinala nila ito sa Yunnan.
Pero hindi nagpabaya ang parents ng bata at isinumbong sa mga awtoridad ang pangyayari.
Nagsagawa ang pulisya ng imbestigasyon.
Anim na araw matapos kidnapin ang batang babae, naaresto si Yang ng mga awtoridad sa kanyang bahay.
Nabawi mula sa kanya ang batang babae.
Apat na araw naman matapos maaresto si Yang, kusang loob na sumuko sa mga awtoridad ang kanyang anak.
Read: Discarded vapes repurposed into lantern, power bank
NETIZENS REACT TO THE COURT'S SENTENCE
Noong December 15, nahatulan ng Shuicheng District Court sa Liupanshui, ang mag-ina sa kasong child abduction.
Mabibilanggo si Yang ng dalawang taon, habang pitong buwan naman ang ipinataw sa kanyang anak.
Umapela ang mag-ina sa naging hatol ng korte, pero pinanatili ng Appeals Court ang ipinataw na sentensiya sa ginanap na pagdinig ng hukuman nitong April 2024.
Read: Miss Buenos Aires 2024 won by Alejandra Marisa Rodriguez, 60
Bagaman at napatawan ng parusa ang mag-ina, ang hatol ng korte ay binatikos ng netizens sa Chinese social media.
Mayorya ng mga nagkomento ay masyadong magaan ang naging kaparusahan kay Yang at sa kanyang anak sa nagawa nilang krimen.
Ayon sa isang nagkomento, “I don’t understand why sentences for child traffickers are still so lenient.
“This is the cause of the crime continuing. The profits outweigh the costs.”
Isa pang gigil na gigil na netizen ang nagsabing hindi siya makapaniwala na pitong buwang pagkakabilanggo lang ang naging hatol sa anak ni Yang.
Anito, “Has the cost of child trafficking become so low now?
“This is practically encouraging crime.”
Read: Girl diagnosed with “love brain” calls boyfriend 100X daily
ADOPTING FUTURE BRIDE IS CHINA'S OLD TRADITION
May mga pumuna rin sa malaking agwat sa pagitan ng edad ng anak ni Yang at ng batang babae.
Sambit ng isang netizen, “The son was born in 1997. Aside from the abduction, an adult with an 11-year-old girl is outright illegal.
“Those involved deserve the harshest punishment. This family is really outrageous.”
Read: Success! Japanese boy reconstructs shredded 10K yen bill
Pero sa China, may lumang kaugalian tungkol sa child brides.
Tinatawag itong tong yang xi.
Ang pre-teen girl ay inaampon ng isang pamilya para ihanda na maging misis ng kanilang anak na binata.
Noong 1950 ay ipinagbawal na ang nasabing kaugalian, pero may mga ulat na nagpapatuloy pa rin ito sa mga liblib na lugar sa China.
Hindi ito ang first incident sa China kung saan may nakidnap na batang babae para alagaan at gawing future bride.
