Nabenta ang signed business card ni Steve Jobs sa halagang US$181,183 o PHP10,441,304.52 (base sa current exchange rate) sa isang auction.
Iniulat ito ng technology website na Gizmodo last March 22, 2024.
Pumanaw si Jobs, ang co-founder ng Apple, noong October 5, 2011, pero patuloy ang fascination ng maraming kolektor sa mga ordinary items na konektado sa kanya.
Sa recent auction, scene stealer ang kanyang lumang Apple business card na tinatayang ginamit niya noong 1983.
Read: VIRAL: Post about baked iPad elicits most imaginative reactions

Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo
Ang Apple ay itinatag ni Jobs at ng iba pa niyang co-founders noong April 1, 1976.
Ang nabentang signed business card ay isa sa anim na items na kabilang sa “Steve Jobs and the Apple Computer Revolution” auction na inorganisa ng RR Auction.
Natapos ang auction noong March 21.
Read: Selyadong 2007 1st Gen iPhone, nabenta ng PHP10 milyon
SIGNED STEVE JOBS’ BUSINESS CARD SETS NEW STANDARD
Sa anim na items, ang business card ang nakakuha ng pinakamataas na presyo.
Ang RR Auction ay nakapagbenta na rin sa mga nakalipas na panahon ng apat pang business cards na pirmado rin ni Jobs.
Pawang authenticated ang mga ito, ayon sa auction company.
Ayon sa inilabas na pahayag ng RR Auction, ang pinakahuling nabentang Steve Jobs-signed Apple business card ang nag-set ng bagong standard pagdating sa pagpepresyo sa autographed business cards.
Isa itong katibayan ng patuloy na legacy ni Jobs, at malaki ang impact ng Apple sa digital era.
Read: Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976
OTHER SOLD STEVE JOBS’ SIGNED ITEMS
Sa ginanap na auction, ang tseke na pinirmahan ni Jobs noong 1976 ay nabenta naman ng US$176,850 o PHP10,182,846.15.
Notable ang naturang tseke dahil ang petsa nito ay March 19, 1976, ilang araw bago opisyal na nailunsad ang Apple at posibleng wala pang personalized checks ang kumpanya.
Para maremedyuhan ito, isinulat lang ni Jobs ang “Apple Computer” bilang pangalan ng kumpanya sa top left na bahagi ng tseke.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution

Kabilang sa address na nakalagay sa tseke ang sikat na “Apple Garage” sa Palo Alto, kung saan inilunsad ang kumpanya.
Ang iba pang items na may pirma ni Jobs, at maging ang hindi pirmado na business card noong 1980s, at isang promotional poster ay nabenta rin sa ginanap na auction.
Bukod sa mga ito, nabenta rin ang movie ticket para sa Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl noong 2003 na may pirma ni Jobs.
Kilala ang former Apple CEO na notorious sa pagtanggi kapag may nagre-request ng autographs, pero sa kasong ito, nagdesisyon siyang pagbigyan ang hiling ng isang fan na nakasalamuha niya sa movie theater.
Walang dalang notebook o papel ang fan kaya hiniling nito kay Jobs na sa movie ticket na lang pumirma.

Nabenta iyon ng US$14,653 o PHP843,705.09.
Ang isa pang item ay ang letter of employment na ipinadala ni Jobs sa isang applicant noong siya ang CEO ng Next noong 1986.
“If you’re as good as you tell us you are (and we expect), your salary will increase,” ang bahagi ng sulat ni Jobs sa applicant.
Nabenta ito ng US$17,706 o PHP1,019,493.77.
Read: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M
STEVE JOBS' SLIPPERS SOLD FOR PHP12.6M
Hindi maluho si Steve sa kanyang mga personal na gamit.
Interestingly, ang German sandals na Birkenstocks Arizona at paborito niyang isuot noong 1970s and 1980s ay naging pinakamahal na pares ng tsinelas na naibenta ng Julien’s Auctions sa halagang US$220,000 (PHP12,640,100.00).
“The cork and jute footbed retains the imprint of Steve Jobs’ feet, which had been shaped after years of use,” pagbanggit ng website.
“Steve Jobs wore these sandals during many pivotal moments in Apple’s history.
“In 1976, he hatched the beginnings of Apple computer in a Los Altos garage with Apple’s co-founder Steve Wozniak while occasionally wearing these sandals.”
Sa ngayon, ang bagong pares nito ay mabibili sa halagang US$125 (PHP7,181.88).

Sa unang pagtataya ng auction house, inasahang aabot ang presyo nito ng hanggang US$60,000 (PHP3,447,300.00).
Nabenta ito na may kalakip na NFT (non-fungible tokens) sa hindi pinangalangang buyer.
Ang final price ayon sa Julien’s ay US$218,750 (PHP12,568,281.25).
Ang tsinelas na ito ay laging suot ni Steve at bahagi ng kanyang “foundational wardrobe.”
Una itong nabenta sa halagang US$2,000 (PHP114,802.00).
Na-feature rin ito sa iba’t ibang exhibits sa New York, U.S.A., at Milan, Italy, hanggang tumaas nang tumaas ang market value.
Read: Wet smartphone? Experts say rice is not the best solution
Sa 2018 interview kay Chrisann Brennan, dating girlfriend ni Steve, suot iyon ng namayapang tech genius kahit winter.
Aniya, “The sandals were part of his simple side. They were his uniform. The great thing about a uniform is that you don’t have to worry about what to wear in the morning.”
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
