Nawala ang pet cat ni Carrie Clark na si Galena mula sa kanyang residence sa Lehi, Salt Lake City, Utah, USA noong April 10, 2024.
Six years old na si Galena, na ang breed ay American shorthair.
Hinanap ito ni Carrie sa kanilang area na nagpaskil ng mga “missing cat” posters.
Last April 17, nagulat na lang si Carrie nang makatanggap ng tawag mula sa isang veterinarian sa Riverside, California, at sinabing natagpuan nito si Galena.

Hindi makapaniwala si Carrie. Sinabi niya sa nasa kabilang linya na baka pina-prank lang siya nito.
Paano makararating si Galena sa California na ang layo sa kanyang lugar ay nasa 500 miles?
Pero hindi nagbibiro ang nagpakilalang veterinarian.
Nalaman niya na pumasok pala si Galena sa loob ng isang 3-by-3-foot cardboard Amazon returns package na may lamang five pairs of steel-toed boots.
Nakasama si Galena ng Amazon returns package sa isang warehouse ng kumpanya sa California, at doon nadiskubre ng mga empleyado.
Agad bumiyahe si Carrie at ang kanyang mister sa California para makuhang muli si Galena.
Read: Golden retriever pup named Shamrock born with lime green fur
April 18, nakarating sila sa clinic ng veterinarian at naroon nga ang kanilang pet cat.
Ani Carrie, nang mahawakan niya si Galena ay nawala ang panginginig nito.
Nakampante umano ito nang makita siyang muli.
“It was such a miraculous moment,” ayon kay Carrie.
Nakaligtas si Galena sa kanyang unexpected journey kahit wala siyang pagkain at tubig.
Walang isyu sa kanyang health, bagaman at mayroong mild dehydration.
Nakatulong sa pusa na may part ng kahon na hindi nalagyan ng glue at bumuka kaya nagkaroon ng sirkulasyon ng hangin.
Katamtaman din ang klima kaya hindi siya na-overheat o namatay sa sobrang lamig.
“It’s really a miracle that she was able to survive,” ayon pa kay Carrie.
Read: Dog poops on live TV broadcast, shocking anchor
PET CAT PAANO NAPALAGAY SA AMAZON BOX?
Sa kung paano napasama si Galena sa Amazon returns box, naisip ni Carrie na posibleng nakapasok ito sa loob habang nagpa-pack ang kanyang mister.
Hindi naman niya napansin dahil kumuha siya ng tape na pangselyo sa kahon.
Hindi rin aniya palangiyaw si Galena, at sadyang mahilig itong maglaro sa loob ng mga kahon.

At dahil ang kahon ay may timbang na 14 kilos, hindi na nila napansin ang napadagdag na timbang ni Galena nang buhatin nila iyon para ipa-deliver.
Pero napansin na agad nilang nawawala si Galena nang araw ring iyon.
Matapos ang ilang araw na paghahanap at hindi nila ito makita, samutsaring nakakatakot na pangitain ang naiisip ni Carrie.
Posibleng nakalabas ito ng kanilang bahay nang walang nakakapansin.
May nagnakaw kaya rito?
O nalunod sa ilog na nasa likod ng kanilang bahay?
Pero ayon kay Carrie ay indoor cat si Galena at mahiyain. Hindi ito talaga lumalabas ng kanilang bahay.
Kaya noong hindi pa nila ito nakikita, wala silang idea kung ano ang nangyari, kaya labis-labis ang kanyang lungkot.
Read: Thief disguises himself as trash bag to steal delivery package
PET CAT MAY MICROCHIP KAYA NALAMAN KUNG SINO ANG OWNER
Ibinahagi naman ni Brandy Hunter, ang Amazon employee na nagdala kay Galena sa veterinarian, sa kanyang Facebook account noong April 17 ang naging encounter niya kay Galena.
Aniya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang co-employee.
Nagbukas umano ang kanyang mga kasamahan ng isang returns box, at nakitang may pusa sa loob.
Siya ang tinawagan ng mga ito dahil ang pagsasalarawan ni Brandy sa sarili ay isa siyang “crazy cat lady.”
Dagdag pa niya, marami na silang kakatwang natanggap na items sa warehouse, pero ngayon lang nangyaring may pusa sa kahon.

Nang makita niya si Galena, alam niyang hindi ito stray cat dahil sa hitsura at sa pagiging behaved nito.
Aniya, awang-awa siya kay Galena nang una niya itong makita.
Takot na takot umano ang pusa at nasa isang sulok lamang ng kanilang training room.
Paglalarawan ni Brandy kay Galena, isa itong “absolutely gorgeous cat.”
Nalaman niyang hindi ito takot sa tao dahil pumayag itong haplusin niya makalipas ang ilang minuto.
Nang ilapit niya ang pet carrier, kusa rin itong pumasok sa loob.
Doon pa lang, naisip na ni Brandy na posibleng aksidenteng pumasok ito sa loob ng kahon at naselyuhan nang hindi napapansin ng may-ari.
Aniya, wala naman sigurong magpapadala ng pusa intentionally sa kanilang warehouse.
Iniuwi niya ang pusa sa kanyang bahay, at dinala sa veterinarian kinabukasan.

Na-identify ng veterinarian kung sino ang may-ari kay Galena dahil sa microchip na nakakabit sa pusa.
Wala naman naging komento ang Amazon tungkol sa insidente.
Batay sa proseso ng kumpanya, ang anumang produktong dala sa Amazon returns center ay sinusuri at inaalam kung may damage o kaya ay nagamit na para madetermina kung puwede pang ilista bilang for sale.
Ipinaalala naman ni Carrie sa mga pet owners na palagyan ng microchip ang kanilang alaga para madaling ma-identify sakaling mawala gaya ni Galena.
Read: Dog accidentally draws self-portrait, and it's awesome!
