Viral agad ang video na ipinost sa Tiktok ni Lean Leonel Bastareche, isang registered nurse sa Koronadal, noong April 16, 2024.
Mula sa kinaroroonang lugar, kinunan ni Leonel ng video ang sunset sa bandang kanan. Pero ang kapansin-pansin sa video, pagpihit ng camera sa kaliwa ay mayroon ding sunset.
Mas maliit nga lang itsura nito kumpara sa sunset sa kanan.
“Naisipan kong kunan ng video yung sunset at i-post siya sa social media. Nakuhanan ko ng video ang dalawang araw,” kuwento ni Leonel sa GMA Regional News One Mindanao.
“Sa kabilang side merong sunset at sa kabilang side meron ding isang sunset. Yung isa is brighter at yung isa a little dimmer," kuwento ni Leonel.
Paniniyak niya, wala itong daya at hindi niya ginamitan ng app.
Natitiyak din niyang hindi reflection sa glass window ang isang araw.
Sabi niya, “I was moving around the cellphone. Hindi siya nagbi-behave as a reflection.”
At press time, meron nang 6.4 million views ang TikTok video ni Leonel.
Mataas din ang engagement ng video.
Dugtong ni Leonel, “Ang iba naman, they are giving scientific explanation for it. Marami na po ang nag-away-away.”
May mga nagkomento namang kaya raw pala sobrang init recently ay dahil sa two suns.
Read: Beyonce gifts bouquet of flowers, plushie to Pinoy toddler
THE REASON BEHIND THE TWO SUNS
Ipinaliwanag ni Kim Atienza ang phenomenon na ito sa 24 Oras, April 25, 2024.
Paglilinaw niya, iisa lamang ang araw sa solar system at ang pagkakaroon ng dalawang araw ay makakaapekto sa gravity at sa pag-ikot ng mundo.
So ano ang dalawang araw na nangyari sa Koronadal?
Ang insidente raw na ito ay isang atmospheric optical illusion, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
“Ang nangyari ay atmospheric optical illusion,” sabi ni Mario Raymundo ng PAGASA.
“It’s an atmospheric phenomena… yung mga sinasabi nila na mga sun dog.”
Kapag nangyari ang sun dog (or sundog), magiging visible ang isa o dalawang maliwanag na spot sa magkabilang side ng araw.
Dulot ito ng refraction ng sinag ng araw sa mga ice crystals na nakapalibot sa atmosphere.
Pagpapatuloy ni Raymundo, “Reflected sunlight ito na tumatama sa atmosphere. The moment na lumubog o kaya sumikat ang araw, depende sa number na present na ice particles ay nagbibigay siya ng ganong mga images.”

An example of sun dog
Read: Woman in Pakistan gives birth to sextuplets: 4 boys, 2 girls
Makikita naman ang sun dogs sa 22 degrees sa kanan o kaliwa ng araw o magkabilang panig ng araw.
Tinatawag din itong mock sun o parhelia dahil kakulay ito ng araw.
Sinabi rin ni Raymundo na ang nangyaring sundog sa Koronadal ay “very rare.”
Ipinaliwanag pa ni Kim Atienza na ganito rin halos ang isa pang phenomenon: yung makakakita ng ring na nakapalibot sa araw.
May pamahiin ang mga Pilipino na isa raw itong masamang pangitain.
Subalit nangyayari ito dahil ang Liwanag ng araw ay nagre-refract sa ice crystals na present sa cirrus clouds.
May pagkakataon naman na may kulay ang ring, tulad ng rainbow.

